Search

Ano ang Astigmatism: Mga Sintomas at Gamot

Ano ang Astigmatism: Mga Sintomas at Gamot

Talalakayin natin sa artikulong ito kung ano ang astigmatism, ang mga sanhi, sintomas at gamot sa sakit na ito.

Ano ang astigmatism?

Astigmatism. Nakakatakot na salita hindi ba? Pero ano nga ba ang astigmatism? Ito ay nangangahulugan na ang iyong mata ay hindi ganap na bilog. Halos lahat naman sa atin ay ganyan.

Ang normal na mga mata ay perpekto ang pagkakabilog. Ang liwanag ay nakakapasok dito at nagrereflect ng maayos, na nakapagbibigay saiyo ng maliwanag na pagtingin. Pero kung ang iyong mga mata ay hugis football o kutsara, ang liwanag sa mata ay hindi nakapag rereflect sa timbang na paraan. Isang bahagi ng lamang ang nabibigyan ng fous. Ang mga bagay na nakapwesto sa malayo ay malabo at maalon. Madali lamang para sa mga doktor sa mata na ayusin ang astigmatism, gamit ang salamin, contact lens o pag-oopera.

Ano ang sanhi ng astigmatism?

Ang astigmatism ay natural na lamang sa mga taong naipanganak na meron na nito. Hindi natin matiyak kung ano talaga ang pinakasanho nito. Pwede kang magkaroon ng astigmatism matapos ang isang aksidente, pagkakasakit sa mata o pagpapaopera. May mga nagsasabi pa na ikaw ay magkakasakit ng astigmatism kung mahilig kang magbasa sa madilim n kwarto. Syempre, hindi naman totoo ‘yan.

Ano ang sintomas ng astigmatism?

Ang panlalabo ng paningin ay siyang pangunahing sintomas ng astigmatism. Pero ito pwede namang dahil sa fatigue o sobrang paggamit ng paningin, pero iyan talaga ang pangunahing sintomas ng sakit na ito. Kung hindi ka makakita ng malinaw, makipagkita ka sa doktor para sa check up nang makita kung ano nga ba ang sanhi ng panlalabo ng iyong paningin.

Ano ang gamot sa astigmatism?

Halos lahat ng kaso ng astigmatism ay magagamot sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin o contact lens. Kung ang sakit mo ay hindi naman malala at wala na naman itong kasamang iba pang sakit sa mata, malamang na hindi na mag rekomenda ang doktor ng salamin o contact lenses.

Ang irregular astigmatism ay isang uri ng sakit na hindi pangkaraniwan at kadalasan nang kaugnay ng isang uri ng sakit sa cornea, ang harapang bahagi ng mata.

May dalawang uri ng pamamaraan bilang gamot sa astigmatism:

Paggamit ng salamin o contact lens. Kung ikaw ay may astigmatism, ang doktor mo ay magrerekomenda saiyo ng espesyal na uri ng contact lens na ang tawag ay toric. Ginawa ito para mabalanse ang pagbend ng liwanag sa loob ng mata.

Refractive surgery. Ang pag operang ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng laser. Layunin ng pag operang ito na baguhin ang hugis ng iyong cornea. May iba’t ibang uri ng pag oopera sa cornea, kaya ang doktor moa ng siyang magpapasiya kung anong klaseng operasyon sa mata ang kailangan mo. Bago ang operasyon, kailangan na ikaw ay may malusog na mata, walang problema sa retina o anumang peklat sa cornea.

Kung mapansin mo na nanlalabo na ang iyong paningin, huwag na huwag kang lalapit sa mga albularyo na nangangakong panunumbalikin ang iyong paningin. Uulitin ko, huwag na huwag! Baka ito pa ang tuluyang ikasira ng iyong mga mata! Para para makasiguro, sa lisensyadong optalmologist o optometrist ka magpatingin.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Astigmatism: Mga Sintomas at Gamot
Rate this post