Search

Mga Tips at Gamot sa Bungang Araw

Mga Tips at Gamot sa Bungang Araw
loading...

Problema mo ba ang makating balat dahil sa bungang araw? Ang artikulong ay tutulong saiyo na maunawaan ang iba’t ibang gamot sa bungang araw.

Ano ang bungang araw?

Ang trabaho ng balat ay protektahan ang panloob na bahagi ng katawan laban sa mapanirang mga elemento sa kapaligiran. Gumaganap ito bilang panangga laban sa mga mikrobyo na nagdadala ng impeksyon, sa mga kemikal at sa mapanirang sinag tulad ng ultraviolet. Gumaganap din ito ng mahalagang papel sa pagpapanatili ng tamang temperatura ng katawan. Ang isa sa paraan para palamigin ng balat ay ang pagpapawis. Ang pawis ay pinalalabas ng sweat glands na nakapalibot sa buong katawan maliban lamang sa mga kuko at panloob na bahagi ng tainga.

Ang sweat glands ay makikita sa loob na bahagi ng balat, at kontrolado ng bahagi ng utak na tumatantiya sa init ng katawan. Ang pawis ay lumalabas sa balat sa pamamagitan ng maliliit na butas.

Ang bungang araw ay lumiltaw kapag ang maliliit na butas ng balat na daanan ng pawis ay magbara, kaya naman hindi nakalalabas ng maaayos ang pawis. Kapag nangyari ang ganitong pagbabara, magkakaroon ng bahagyang pamamaga o rashes.

Ang bungang araw ay tinatawag din sa wikang ingles na heat rash, prickly heat o milliaria.

Ano ang sanhi ng bungang araw?

Hindi matiyak ng mga dalubhasa kung bakit nag kakaroon ng bungang araw ang isang tao samantalang ang iba ay hindi naman.

Ang mga butas na nasa sweat gland ng balat ay nagiging barado kapag sobra ang iyong pagpapawis at kapag ang pawis ay hindi agad natutuyo sa partikular na bahagi ng balat. Narito ang mga halimbawa ng mga kaso kung saan barado ang daanan ng pawis sa balat.

  • Ang balat sa leeg, kili-kili, singit ay dumidikit sa balat ng iba pang bahagi ng katawan kaya walang sapat na daloy na hangin sa mga bahaging ito, hindi agad natutuyo ang pawis.
  • Ang masikip na pananamit ay dahilan kung bakit hindi agad natutuyo ang pawis
  • Pagsusuot ng makapal na damit. Ito ay nangyayari sa panahon ng taglamig kapag ang mga tao ay nagsusuot ng mas makakapal na kasuotan para hindi lamigin, o kung ang isa ay may lagnat.
  • Paggamit ng makapal na makeup o lotion kaya nababarahan ang daanan ng pawis.

Ang mga sanggol ay may immature na mga sweat glands na wala pang gaanong kakayahang magpalabas ng sapat na dami ng pawis. Kaya, sila ay mas madalas na magka bungang araw kapag mainit ang panahon, makapal ang damit o may lagnat.

Ang bungang araw aaraw ay maaari ring side effect ng isang partikular na gamutan tulad ng Catapres.

Sintomas ng bungang araw

Ang pangunahing sintomas ng bungang araw ay ang mapupulang mga rashes sa balat at ang kasamang pangangati nito. Ito ay dahil sa pamamaga ng pang ibabaw na mga layer ng balat o epidermis. Ang pakiramdam ng balat na may bungang araw ay katulad din ng na sun burn.

Ang mga sintomas ng bungang araw ay pareho lamang sa mga bata at matatanda, subalit ang mga sanggol ay walang kakayahang magsabi ng kanilalang nararamdaman. Kaya ang mga sanggol na may bungang araw ay mas irritable kumpara sa mga wala nito.

Sino ang mga maaaring magka bungang araw?

Ang mga bagong silang na sanggol, mga bata, mga matatanda at mga sobra sa timbang ay ang mga taong mas malamang na magkabungang araw. Sila ay nanganganib na magkaroon ng bungang araw dahil sila yung mga taong hindi gaanong kumikilos sa loob ng mahahabang oras at kanilang balat ay hindi gaanong nahahanginan, ito ang dahilan kung bakit ang maliliit na butas sa kanilang balat ay hindi makahinga, hindi natutuyo agad ang pawis.

Ang bungang araw ay laganap sa mga lugar na may mainit na klima dahil ang mga tao sa mga lugar na ito ay mas madalas pawisan ng marami, tulad dito sa atin sa Pilipinas.

Ang ehersisyong nakapagpapawis ng sobra ay maaari ring maging sanhi ng bungang araw, lalo na kung ang suot mong damit ay napakasikip, anupat hindi makahinga ng maaayos ang balat mo.

Gamot sa bungang araw

Ang bungang araw ay kusa na nawawala kapag bumalik na sa dating temperatura ang balat. Subalit sa mga pagkakataon na ang mga sweat gland ay magkaroon ng impeksyon, kailangan moa ng gamot sa bungang araw. Ang mga sintomas ng impeksyon ay pananakit ng balat, mas lumalalang pamamaga, at pamumula na hindi agad nawawala. Ang impeksyong ito ay maaaring mangyari kapag ang mga bakterya ay makapasok sa baradong sweat glands. Sa mga kasong ganito, ang paggamit ng antibiotic ay kailangan.
Ang pabalik balik na bungang araw ay kailangang matingnan at gamutin ng isang dermatologist o espesyalista sa balat.

Paano makakaiwas sa bungang araw?

Ano ang pinakamabisang gamot sa bungang araw? Oo, mas mainam ang maaagang pagkilos para maiwasan ang bungang araw. Ito ay magagawa mo sa pamamagitan ng pagsisiguradong ang iyong balat o balat ng anak mo ay tinatamaan ng hangin. Habang nahahanginan ang balat, mas bumababa ang posibilidad na maging barado at namamaga ang iyong mga sweat glands.

Narito ang iba pang mga pamamaraan para makaiwas sa bungang araw:

  • Huwag mag ehersisyo kapag napaka init at humid ang panahon
  • Magsuot ng maluluwang na klase ng damit na yari breathable fabric o bulak
  • Gumamit ng air con kung posible sa budget
  • Manatiling malinis sa pamamagitan ng regular na pag paligo para maiwasan ang pagiging barado ng iyong mga sweat gland
  • Magbawas ng timbang! May mga pamamaraan sa website na mataba-ako.com na makatutulong saiyo na magpa-payat!

Gaano ba kaepektibo ang paggamit ng electric fan para makaiwas sa bungang araw?

Ang pag papanatili ng tamang temperatura ng balat tuwing napaka init ng panahon ay siyang pinaka mahalagang paraan na makaiwas sa bungang araw. Ang pag dampi ng hangin sa balat gamit ang electric fan o iba pang mga pamamaraan ay makakatulong na lumamig ang iyong balat. Mahalagang huwag balutin ang mga sanggol ng napakahigpit na mga damit para naman malayang nakagagalaw ang hangin sa kanilang balat, subalit para sa mga bagong silang, siguraduhing tama ang init at lamig ng katawan ng sanggol.

Siguraduhing igalaw ang mga taong may edad na, mga paralitiko at ang mga mahihina para ang balat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay madampian din ng sariwang hangin.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Tips at Gamot sa Bungang Araw
5 (100%) 1 vote

loading...