Search

Ano ang Mabisang Gamot sa Anemic?

Ano ang Mabisang Gamot sa Anemic?

Anemic ka ba? Malamang na kulang ka pulang selula ng dugo kaya naghahanap ka ng gamot sa anemic. Ang anemia o kakulangan sa red blood cell ay isa sa pangunahing mga sakit na nararanasan ng mga Pinoy. Kung ikaw ay anemic, tiyak na makakatulong ang artikulong ito para maunawaan mo ang mga detalye ng iyong karamdaman.

Sa artikulong ito tatalakayin natin kung ano ang anemia, mga sanhi at sintomas nito. Sa dulo ng usapan, tatalakayin natin kung ano ang mabisang gamot sa anemic.

Ano ang anemia?

Ang anemia ay isang sakit na kung saan ang pulang selula ng dugo o red blood cells ay kulang kumpara sa normal na kalagayan. Tandaan na ang normal na bilang ng hemoglobin ay magkaiba sa lalake at babae. Sa mga kalalakihan, ang normal na bilang ng hemoglobin ay mahigit 13.5 gram/100 ml, at sa mga kababaihan naman ay mahigit 12.0 gram/100 ml.

Ano ang sintomas ng anemia?

Ang ilang pasyente ay walang nakikitang mga sintomas. Ang iba naman ay nakararamdam ng alinman sa mga sumusunod na mga sintomas:

  • Pagkapagod
  • Maputla
  • Matinding pagkabog ng dibdib
  • Kinakapos ng hininga
  • Biglaang pagkalagas ng buhok
  • Paglala ng sakit sa puso, kung meron
  • Matinding panghihina

Bakit may mga taong anemic pero hindi nila nararamdaman ang mga sintomas? Karaniwan ito sa mga taong may matagal nang kakulangan sa hemoglobin kaya ang katawan nila ay nasanay na sa kulang na suplay ng oxygen . Ang mga taong ito ay hindi makararamdam ng anuman maliban sa lumala na ang kanilang anemia. Sa ibang banda, kung ang pagiging anemic ay mabilis na lumalala tulad ng sa acute anemia, ang pasyente ay mas malamang na maranas ng kapansin-pansing mga sintomas, kahit na kaunting pagbaba lamang ng hemoglobin.

Gamot sa anemic

Malamang na may anemia ka at naghahanap ka ng gamot sa anemic. Tandaan, ang gamot sa sakit na anemia ay hindi pare-pareho. Una, kailangan munang matukoy kung ano talaga ang dahilan kung bakit anemic ka, kailangan itong malunasa. Halimbawa, kung ang anemia ay dahil sa pagkawala ng dugo dahil sa ulcer sa tiyan, kailangan mong gamutin ang sakit na ulcer. Sa katulad na paraan, kailangan kang operahan at alisin ang colon cancer na nagiging sanhi pangmatagalang pagdurugo at anemia.

Kung minsan kailangan mo ng iron supplement para maituwid ang kakulangan mo sa iron. Sa malalang kaso ng anemia, ang pagpapasalin ng dugo ay kailangan sa mga pasyenteng may nakamamatay na anemia na sanhi ng vitamin B12 deficiency.

Sa mga pasyenteng may sakit sa bone marrow o kaya naman ito ay nasira dahil sa chemotherapy o kaya naman ay may sakit sa bato, ang epoetin alfa ay maaaring gamitin para maparami ang production ng red blood cells sa bone marrow.

Kung isang uri ng gamot ang dahilan ng pagiging anemic, malamang na sabihin ng doktor na itingil na ang paggamit nito.

Kumplikasyon ng anemia

Tulad ng nabanggit kanina, ang haemoglobin ay mahalaga dahil ito ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan para gamitin, at nagdadala ng carbon dioxide pabalik sa baga para mailabas bilang basura ng katawan. Kung ang haemoglobin ay napakababa, ang prosesong ito ay maaaring masira na pwedeng magresulta sa pagbaba ng oxygen sa katawan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Mabisang Gamot sa Anemic?
2.8 (56%) 5 votes