Search

Gamot sa Arthritis: Mga Pagkaing Dapat at Bawal

Gamot sa Arthritis: Mga Pagkaing Dapat at Bawal

Ang arthritis ay talagang pahirap saq mga Pinoy! Kaya, ang artikulong ito ay naka focus sa mga paksang magy kaugnayan tungkol sa arthritis tulad ng:

  • Ano ang mga sintomas ng arthritis?
  • Ano ang gamot sa arthritis?
  • Ano ang mga dapat kainin ng may arthritis?
  • Ano naman ang mga pagkaing bawal sa may arthritis?

Kaya kung ikaw ay pinahihirapan ng sakit na ito, basahin mo ang buong artikulo dahil sigurado na makakatulong ito sa pang-araw araw na paglaban mo sa arthritis!

Sintomas ng arthritis

Ang arthritis ay may dalawang uri, kaya, may dalawang pangkat ng mga sintomas ang dapat mong bantayan.

Una, kung ikaw ay may osteoarthritis, ang mga sintomas nito ay ang pananakit ng kasu-kasuan at ang paninigas na lumalala sa pagdaan ng panahon.

Kung ikaw ay may rheumatoid arthritis, makakaranas ka ng masakit na pamamaga at paninigas sa mga daliri, binti at kamay at sa mga kasukasuan, lalo na sa umaga pagkagising mo.

Gamot sa arthristis

Maging alin man sa dalawang uri ng arthritis ang nasa saiyo, walang duda na talagang pinahihirapan ka ng sakit na ito! Baka magtanong ka, ano ba ang gamot sa arthritis? Ang mga pain reliever na nabibili sa tindahan o mga butika ay nagdudulot lamang ng panandaliang ginhawa. May mga pain reliever pa nga na nakasasama sa kalusugan lalo na sa mga bato. Pero, may mga gamot o lunas sa arthritis na walang side effects at maaaring makita sa kusina. Pag-usapan natin ang ilan sa mga ito.

Luya. Ang luya ay isa sa mga halamang gamot sa arthritis dahil ito ay isang likas na panlaban sa pamamaga. Kumuha ng anim na kutsarita ng pinatuyong luya at tadtarin ito ng pino. Kainin mo ito at uminom ka ng tubig. Gawin mo ito ng tatlong beses kada araw.

Ang langis ng luya ay makakatulong din na mabawasan ang pamamaga sa apektadong bahagi. Kung ito ay ipapahid mo sa mga apektadong kasukasuan ng regular, pwede nitong maibsan ang pananakit, pamamaga at paninigas.

Ang pagkain ng hilaw na luya araw arawv ay nakatutulong din na maibsan ang pananakit dahil pinagaganda nito ang sirkulasyon ng dugo. Balatan ang isang hiwa ng luya at kainin ito bago o pagkatapos kumain.

Masahe. Ang pagmamasahe gamit ang natural na langis ng niyog ay makakatulong na malunasan ang sakit at mga sintomas na dala ng arthritis. Nakakatulong din ito na mapaunlad ang pagdaloy ng dugo.

Mag init ng langis ng niyog hanggang sa ito ay mainit-init na. Kung may pamamaga, pwede kang maghalo ng katas ng sibuyas sa langis. Ipahid mo ito sa namamagang kasukasuan. Takpan ang kasukasuan ng plastic at sapinan ito ng mainit na towel. Gawin ang pamamaraang ito bago matulog para sa mas magandang resulta.

Luyang dilaw. Ang araw araw na pagkain ng luyang dilaw o turmeric ay nakakatulong na pahupain ang pamamaga ng arthritis. Ito ay nagtataglay ng curcumin na sangkap na kilalang may anti-inflammatory properties. Ito ay epektibo para labanan ang pamamaga na dulot ng arthritis. Nakakabili ng turmeric capsule sa mga botika kung hindi ka makakuha ng hilaw na luyang dilaw.

Pagkaing bawal sa may arthritis

Ang arthritis ay isang pangkalahatang tawag sa pananakit at pamamaga ng mga kasukasuan. Ang gamot sa arthritis ay kadalasang naka-pocus sa paglaban sa pananakit. Bagaman wala namang tumpak na diyeta para sa mga taong may arthritis, ang mga dalubhasa ay nagsasabing ang pagkain ng mga pagkaing nakapagpapabawas ng pamamaga ay makatutulong. Dapat mo ring iwasan ang mga pagkain na malamang na magpalala ng pananakit ng mga kasukasuan.

Pinirito at processed foods. Ang mga dalubhasa sa Mount Sinai School of Medicine ay nagsuri ng kakayahang makaiwas sa sakit sa pamamagitan ng pag babantay sa kung ano ang iyong mga kinakain. Ang resulta ng kanilang pag-aaral ay nagpapakita na ang pagbabawas ng pagkain ng mga pinirito at mga processed food tulad ng piniritong karne o mga frozen na pagkain ay nakapagpapabawas din ng pamamaga at nakakatulong na mapalakas ang immune system.

Kaya kung ikaw ay may arthritis, bawasan mo ang pagkain ng mga pinirito o prinosesong mga pagkain at maghalo ng mga gulay at prutas saiyong diyeta.

Asukal. Ang pagkain ng mga pagkaing sobra ang tamis o asukal ay maaaring maging sanhi ng labis na pamamaga. Kaya, kung ikaw ay may arthritis dapat mong isali sa listahan mo ng mga pagkaing bawal sa may arthritis ang mga candy, pagkaing gawa sa putting harina, at softdrinks para mabawasan ang sakit at pamamaga ng iyong mga kasukasuan.

Mga pagkaing gawa sa gatas. Ang mga pagkaing yari sa gatas ay isa sa mga bawal na pagkain sa arthritis dahil sa uri ng protina na tinataglay nito. Ayon sa mga doktor, may mga taong hindi hiyang sa protinang ito at malamang na naiirita nito ang mga tissue na nakapalibot sa kanilang mga kasukasuan. Kaya ang ibang mga pasyenteng may arthritis ay matagumpay na iniwanan ang mga bawal na pagkain sa may arthritis at nagsimulang maging vegetarian. Ang pagkain ng vegetarian diet ay siyang kasagutan sa kung ano ang mga dapat kainin ng may arthritis dahil hindi ito ng lalaman ng mga pagkaing nakapagpapalala ng pananakit.

Kaya, imbes na kumain ng protina na galing sa gatas o karne, kumain ka na lamang ng mga gulay na mayaman sa protina tulad ng saluyot at beans.

Alak at sigarilyo. Ang pag inom ng alak at paninigarilyo ay maaaring mauwi sa napakaraming mga sakit, kasama na ang ilan na maaaring maging dahilan ng pananakit ng iyong mga kasukasuan. Ang mga naninigarilyo ay mas nanganganib na magkaroon ng rheumatoid arthritis, at ang mga naninigarilyo naman ay pwedeng tamaan ng gout.
Ang pagpapanatili ng malusog na mga kasukasuan ay nangangailangan ng balanseng diyeta, pisikal na mga gawain at sapat na pahinga – lahat ng mga ito ay masasakripisyo kung ikaw ay naninigarilyo at umiinom ng alak. Ang pag-iwas o tuluyan nang paghinto ng pag-inom at paninigarilyo, kasabay na ng pagkain ng mga dapat kainin ng may arthritis, regular na ehersisyo at pagkakaroon ng magandang tulog ay makakatulong na makaiwas sa arthritis.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Arthritis: Mga Pagkaing Dapat at Bawal
4.5 (90%) 2 votes