Search

Gamot sa Balisawsaw: Bakit Ihi Ka nang Ihi?

Gamot sa Balisawsaw: Bakit Ihi Ka nang Ihi?

Ihi ka ng ihi. Naiinis ka na sa sarili mo kasi pabalik balik ka sa banyo. Uminom ka ng maraming tubig sa pagaakalang maayos ang iyong pag ihi. Ilang minute pa, naiihi ka nanaman. Nang subukan mong umihi, nakaramdam ka ng hapdi at kirot. Pamilyar ba sayo ang nakakairitang eksenang ito? Baka is aka sa mga nagtatanong kung ano ang tawag sa sakit na ito at ano ang mabisang gamot para maibsan ang sobra sobrang mahapding pag-ihi. Ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa para matuto ng mga bagong kaalaman ukol sa kondisyong ito.

Ano ba ang balisawsaw?

Ang balisawsaw ay salitang Filipino na tumutukoy sa maya’t maya at mahirap na pag ihi. Kung tatanungin ninyo ako kung ano ang katumbas ng salitang balisawsaw sa wikang Ingles, naku! Wala akong maibibigay na katumbas na salita bagaman ang salitang balisawsaw ay ginagamit na ng katutubong mga Pilipino bago pa man dumating ang mga kastila sa Pilipinas noong taon 1521. Subalit ang medikal na kondisyong ito ay para bagang kahawig ng tinatawag na dysuria, salitang medikal na ginagamit para ilarawan ang hirap at sakit ng pag ihi. Ang urinary frequency naman ay ginagamit upang ilarawan ang dalas ng pag-ihi.

Mga sanhi ng balisawsaw o masakit ng pag-ihi

Ang balisawsaw ay isang sitomas ng isang kalagayan na mailalarawan sa pamamagitan ng mahirap at masakit nap ag-ihi. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga babae kumpara sa mga lalaki at sa mga matatandang lalaki kumpara sa mga mas nakababata.

Ito ay ang ilan sa mga sanhi ng balisawsaw

Mga impeksyon:

Ang urinary tract infection o UTI ang isa sa pinakapangunahing sanhi ng balisawsaw o hirap sap ag-ihi. Ang impeksyong ito ay maaaring nasa alin man sa mga bahagi ng iyong urinary tract tulad ng:

  • Kidney – Bato
  • Ureter – Mga tubo na daanan ng ihi mula sa bato hanggang sa pantog
  • Bladder – Pantog
  • Urethra – Tubo na daanan ng ihi mula sa patog palabas ng katawan

Ang urinary tract infection ay pangkaraniwan ng sanhi ng bacteria na nakakapasok sa daanan ng ihi.

Mga salik (factors) na maaaring magpataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng UTI:

  • Kung ikaw ay isang babae
  • Mayroon kang diabetes
  • Ikaw tumatanda na
  • Lumalaking prostate
  • Bato sa bato
  • Ikaw ay buntis
  • Ikaw gumagamit ng catheter

Maliban sa masakit na pag-ihi, ito ay ilan pa sa maraming sintomas ng UTI

  • Lagnat
  • Mabaho o matapang na amoy ng ihi
  • Malabo o ihi na may kasamang dugo
  • Mas madalas na pag-ihi o pakiramdam ng masidhing kagustuhan na umihi

Gamot sa balisawsaw

Matapos na dumaan sa isang masusing pisikal na pagsusuri, ang iyong doktor ay maaring humiling ng ilang serye ng pagsusuri sa laboratoryo para matukoy kung ano ang sanhi ng iyong balisawsaw o hirap ng pag-ihi. Pagkatapos na malaman ang sanhi, maari nang makapagsimula na gamutin ang iyong sakit.

Tandaan, ang balisawsaw ay maaring sintomas lamang ng isang seryosong sakit na kung papabayaan, maaring magdulot lamang ng mga komplikasyon. Kaya mas mainam na komunsulta sa doktor kung hindi na maganda ang nararamdaman.

Kung urinary tract infection ang sanhi ng iyong balisawsaw, maaaring magbigay si Doc ng malakas na anti-biotics sa loob ng tatlo hanggang 7 araw. Pagkatapos, ikaw ay muling sasailalim sa urine test para malaman kung bumaba na ang bacterial count sa ihi mo.

May mga pagkakataon na ang balisawsaw ay dulot lamang ng biglaang pagbaba ng tubig at mga likido sa katawan mo bunga ng matinding init ng panahon at fatigue. Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong para maibsan ang balisawsaw.

Paano ba maiiwasan ang balisawsaw?

Narito ang ilan sa mga karaniwang paraan para maiwasan ang balisawsaw o hirap sa pag-ihi:

  • Pagkakaroon ng sapat na pahinga
  • Pag-inom ng 10-20 baso tubig araw-araw
  • Pag-iwas sa maaalat na pagkain
  • Pag-inom ng buko juice
  • Pagiging malinis sa pisikal at moral

Nabanggit namin na ang pag-inom ng buko juice ay nakatutulog para maibsan ang balisawsaw. Bakit? Sapagkat ang sabaw ng buko ay kilala bilang diuretic, o inumin na nakakapagparami ng ihi. Kug marami kang umihi, mas Malaki ang posibilidad na maalis nito ang bacteria na nasa iyong urinary tract.

Baka isipin mo na sobra naman ang sampu hanggang 20 baso ng tubig araw-araw, ngunit base sa aking personal na karanasan, ito ay talagang nakatutulong lalo na sa mga buntis na may UTI.

Bakit ba nakasali ang usaping moralidad sa usapin ukol sa balisawsaw? Ang pagkakaroon ng sakit na nakukuha sa immoral na pakikipagtalik ay isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit marami ang dumadaing ng kahirapan sa pag-ihi. Kaya mas mabuti nang maging maingat kaysa sa magsisi sa huli!

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO