Search

Gamot sa Buni: Kamot Ka Ba nang Kamot?

Gamot sa Buni: Kamot Ka Ba nang Kamot?

Ang buni ay isang sakit na sanhi ng isang uri ng fungi na kumakain ng balat ng tao. Ito ay maaring makaapekto sa tao at sa hayop. Ang impeksyong ito ay maaaring magsimula sa simpleng kati-kati sa balat na maaaring kumalat sa ibat ibang bahagi ng katawan tulad ng ulo, dibdib, tiyan, mukha at iba pa.

Sino-sino ang maaring magkaroon ng buni

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng buni, subalit ito ay kadalasan nang makikita sa mga bata na mahilig mag-alaga tulad ng aso at pusa.
Mas malamang na magkaroon ng buni ang mga taong na expose sa fungus habang sila ay basa at may konting sugat sa balat. Ang paggamit ng pampublikong banyo o swimming pool ay maaaring magpalaki ng pagkakataon na ikaw ay mahawa ng buni.
Kung ikaw ay madalas na naka paa, malamang na magkaroon ka ng buni sa paa. Ang mga tao na madalas humiram ng damit o suklay ay mas malamang na magkaroon ng buni kumpara sa mga hindi humihiram ng personal na gamit.

Mga sintomas ng buni

Ang sintomas ng buni ay maaaring maging iba-iba depende sa bahagi ng katawan na apektado ng impeksyon. Kung impeksyon sa balat ang pag uusapan, narito ang ilan sa mga sintomas ng sakit na buni.

  • Mapula, makati, makaliskis at nakaumbok na patse sa balat
  • Patse sa balat na may bulutong at mamasa masa
  • Mas mapulang gilid ng patse na mistulang singsing

gamot sa buniKung ang buni ay tumubo sa kuko, malamang na itoy maging mas makapal, mag iba ng kulay at magsimulang magbiyak. Kung ang anit ng ulo ang apektado, maaring maglagas ang iyong buhok dahil sa impeksyon.

Paano mo malalaman na ikaw ay may buni?

Kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mg nabanggit na sintomas, mas mainam na magkonsulta ka saiyong pinagkakatiwalaan na doktor o dermatologist. Ang iyong doktor ang magbibigay ng mabisang gamot na angkop sa iyong kalagayang medikal.

Gamot sa buni na maaaring gawin sa bahay

Karagdagan sa gamot na maaaring mabili sa botika, maaari kang gumamit ng natural na paraan at gamot sa buni. Ang halamang gamot na akapulko ay kilalang mabisang gamot laban sa mga impeksyon na sanhi ng fungus. Kumuha ng ilang piraso ng dahon ng akapulko, dikdikin hanggang madurog at lumabas ang katas. Ipahid ang dahon na may katas sa malinis na bahagi ng katawan na nagpapakita ng mga sintomas ng buni. Gawin ito ilang beses sa isang araw.

Maaaring gawin ang mga sumusunod na kaugalian kung ikaw ay may buni:

  • Hindi pagsusuot ng mga damit na maaring makapagpalala ng sintomas ng buni
  • Labahan ang mga damit at higaan kung mapansin mo na ikaw ay may sintomas ng buni
  • Pag lilinis at pagpapatuyo ng balat maraming ulit sa loob ng isang araw

Kung palagi mong kinakamot mo ang iyong balat dahil sa kati, ikaw ay magkaroon ng bacterial infection. Sumangguni sa iyong doktor para sa karampatang lunas kung sakaling ito ay mangyari sayo.

Gaano katagal ang paggamot sa buni?

Ang buni ay maaaring mawala sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo kung ikaw gumagamit ng gamot laban sa impeksyon. Kung ikaw ay nakararanas ng malalang buni at para bang hindi umiepekto ang gamot na iyong gingamit, ang iyog doktor ay maaaring magreseta ng gamot na iniinom. Karamihan sa mga taong sumailalim sa ganitong uri ng panggagamot ay gumagaling din.

Pag-iwas sa buni

Ang buni ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng malusog at malinis na mga kaugalian. Karamihan sa mga impeksyon ay nagmumula sa pakikihalubilo sa mga hayop at kawalan ng personal na kalinisan. Alalahaning maghugas ng kamay pagkatapos na humawak ng iyong alagag hayop. Kung ikaw ay mayroong alaga, panatilihing malinis at malayo sa anumang uri ng dumi ang kulungan nito. Kung ikaw ay mahinang pangangatawan, umiwas sa mga tao o mga hayop na pinagdududahan na may buni.

Ang buni ay isang kilalang sakit dito sa Pilipinas. Ito ay marahil sa mainit na klima dito sa ating bansa at sa kakulangan sa pagkakaintindi ng mga tao sa kahalagahan ng malusog at malinis na pamumuhay. Ang sakit na ito ay maiiwasan natin kung tayo ay malinis sa katawan. Kaya huwag na huwag kalimutan ang maligo araw-araw!

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO