Search

Gamot sa Hepa B: Ikaw ba ay may Sakit sa Atay?

Gamot sa Hepa B: Ikaw ba ay may Sakit sa Atay?

Pag uusapan natin sa artikulong ito ang pangunahing mga kaalaman tungkol sa hepatitis B, mga sintomas nito at gamot sa hepa B.

Ano nga ba ang hepa B? Ang hepatitis B o hepa B ay isang impeksyon na sanhi nang virus na nakakaapekto sa atay ng tao. Karamihan sa mg adultong nahawa nito ay nagagamot lamang sap ag lipas ng panahon. Ito ay tinatawag na acute hepatitis B.

Kung minsan ang vius ay nagiging dahilan ng pang matagalang impeksyon na tinatawag na chronic hepatitis B. Sa pag daan ng panahon, ang ganitong uri ng hepa B ay nakakasira sa atay mo. Ang mga sanggol at mga bata na nahawa ng ganitong sakit ay mas malamang na magkaroon ng chonic hepatitis B.

Pwede kang mahawa ng hepa B nang hindi mo namamalayan. Malamang na walang sintomas ang sakit mo. Kung may sintomas man, malamang na isipin mong trangkaso ang dumapo saiyo. Subalit may sintomas man o wala, kung ikaw ay mayroon nito, tiyak na mahahawa moa ng ibang tao.

Sanhi ng Hepa B

Ang hepa B virus ang sanhi ng pagkakaroon ng hepatitis B. Kumakalat ito sa pamamagitan ng pagkakahantad sa dugo o sa mga likido sa katawan ng isang taong may hepa B.

Maaari kang magkaroon ng Hepa B kapag:

  • Ikaw ay makipagtalik sa taong may hepa na wala man lang na condom
  • Nakihiram ka ng karayom na ginagamit sa pagturok ng droga na ginamit na ng taong may hepatitis B
  • Pag papa tattoo o pagpapabutas sa katawan gamit ang mga kasangkapang hindi sterilized
  • Paghiram ng personala na mga gamit tulad ng sipilyo o pang ahit ng tao may hepa B

Ang isang ina na may hepa B na nagdadalang tao ay maaaring maipasa ang sakit sa kanyang di pa naisisilang na sanggol. Kung ikaw ay may ganitong uri ng sakit, pwede kang magtanong sa doktor kung anong bakuna ang pwede ibigay sa anak mo para makaiwas siya sa pagkakaroon ng hepa B.

Hindi ka naman mahahawa ng hepa B sa pamamaitan ng pag yakap, paghalik, pag ubo, pagbahin o paghingi ng inumin at pagkain ng taong may sakit.

Sintomas ng Hepa B

Bago natin pag-usapan ang gamot sa hepa B, tingnan muna natin ang mga sintomas ng sakit na ito. Karamihan sa mga taong may hepa B ay walang alam na sila pala ay meron nito. Kung ikaw ay may hepa, baka pakiramdam mo ay tinatrangkaso ka lamang. Narito ang ilan sa partikular na mga sintomas ng hepa B.

  • Pagkakaramdam ng sobrang pagod
  • Banayad na lagnat
  • Pananakit ng ulo
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Masakit na tiyan, na parang magsusuka
  • Maitim na dumi
  • Madilaw na ihi
  • Madilaw na mga mata at balat. Ang sintomas na ito ay tinatawag na Jaundice, lalabas ito kapag ang sakit ay malapit nang mawala.

Karamihan sa mga taong may chronic hepatitis ay hindi kakikitaan ng anumang sintomas.

Pagsusuri sa taong may hepa B

Ang pagsasailalim sa simpleng pagsusuri sa dugo o blood test ay magsasabi sa doktor kung ikaw ay nahawa ng hepatitis B virus ngayon at sa mga nakaraang mga panahon. Malalaman din ng iyong doktor kung ikaw ay may bakuna sa hepa B sa pamamagitan ng pagtingin sa dugo mo.

Kung sa tingin ng doktor ay nasira na ng hepa B ang iyong atay, maaari siyang kumuha ng sample ng iyong atay gamit ang isang karayom para sa pagsusuri. Ito ay tinatawag na liver biopsy.

Gamot sa Hepa B

Ano ng aba ang gamot sa hepa B? Kadalasan, ang hepatitis B ay kusa na lamang umaalis sapagkat ito ay dala ng isang uri ng virus. Maaari mong mapagaan ang mga sintomas nito sa pamamagitan ng pagpapahinga sa bahay, pagkain ng malulusog na mga pagkain at pag inom ng maraming tubig. Mas makabubuti rin saiyo kung hindi ka na gagamit ng droga o maninigarilyo. Magtanong din sa doktor kung anong mga gamot, kasama na ang mga halamang gamot na kailangang iwasan ng mga taong may hepatitis B. Ang ilan sa mga gamot ay maaaring makapag palala ng hepa.

Ano ang gamot sa chronic hepatitis B? Ito ay nakapende sa kung ang impeksyon ay lalong lumalala o kung kung ikaw ay nagtamo na ng pinsala sa atay dahil sa impeksyon. Karamihan sa mga taong may chronic hepatitis ay namumuhay ng normal sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa sarili at regular na pagkonsulta sa doktor. May mga gamot na talagang para sa may ganitong uri ng hepatitis, bagaman hindi ito angkop sa bawat isa. Makipag ugnayan sa doktor mo para matulungan kang maghanap ng wastong gamot sa hepa B.

Kung minsan, ang chronic hepa B ay nauuwi sa malalang pinsala sa atay, kung ito ay mangyari, malamang na kailanganin mo ang liver transplant para madugtungan ang iyong buhay.

Pag iwas sa Hepa B

Ang pagkakaroon ng bakuna laban sa hepa B ay siyang itinuturing na mabisang paraan para makaiwas sa hepa B. Ang bakunang ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng tatlo o apat na bakuna. Ang mga adulto na nanganganib na mahawa ng hepa B, lahat ng mga sanggol, bata o mga teenagers ay dapat lamang na magpabakuna laban sa hepa B.

May makukuha na ngayong bakuna na lumalaban kapwa sa hepa A at hepa B. Magtanong sa pinakamalapit na health center o sa doktor mo para masabi saiyo ang mga benepisyo nito.

Narito ang ilan sa praktikal na mga paraan para hindi mo maipasa o hindi ka mahawa ng hepa B.

  • Gumamit ng condom sa pakikipagtalik
  • Huwag kang hihiram ng karayom na ginamit na ng iba
  • Huwag kang hihiram at magpapahiram ng sipilyo at pang ahit
  • Huwag kang magpapatatoo o siguruhing bago ang mga karayom o mga kasangkapang gagamitin sa iyo

Makatutulong din ang pananatiling malinis sa moral; pagkakaroon ng iisang asawa, pag iwas sap ag abuso sa alak, hindi paninigarilyo at hindi paggamit ng anumang uri ng ipinagbabawal na gamot.

Tamang disisyon din ang pagkain ng masusustansiyang pagkain, lalo na ang mga pagkaing nagpapalusog ng atay. May mga food supplement din na nabibili para patatagin ang iyong atay at protektahan ito laban sa mga sakit sa atay. Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing sobra ang taba at mantika.

Siguraduhing hindi mo napapabayaan ang ehersisyo sapagkat napatunayang ito ay gamot hindi lamang sa mga sakit sa atay kundi sa napakaraming mga karamdaman.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Hepa B: Ikaw ba ay may Sakit sa Atay?
3.8 (76.67%) 12 votes