Search

Gamot sa Hika: Mga Dapat Iwasan at Gawin

Gamot sa Hika: Mga Dapat Iwasan at Gawin

Ang hika ay isa sa pinaka-pangkaraniwang sakit ng mga Pinoy. Ito ay sanhi ng pagbara ng daanan ng hangin na nagpapahirap sa paghinga ng mga mga taog mayroon ng sakit na ganito. Kung ikaw ay may hika, malamang na nagkakaroon ka ng paminsan-minsan o madalas na temporaryong pamamaga ng daan ng hangin na nagdadala ng oxygen patungo sa iyong baga. Ito ay nagdudulot ng ng mga sintomas tulad ng pag-ubo, pagbahin, pagiging hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib. Ang malubhang kaso ng hika ay maaaring may sintomas na tulad ng pagiging madaling mapagod at kahirapan sa pagsasalita. Naghahanap ka ba ng gamot sa hika? Ang edisyong ito ay maaring makatulong saiyo.

Hika sa mga bata

Nagtataka ang mga dalubhasa kug bakit nito lamang nakaraang mga taon, biglang lumobo ang bilang ng mga batang nakararanas ng hika. Tinatayang humigit kumulang 9.5 porsyento ng mga bata sa buong mundo ay may ganitong uri o nakaranas na ng ganitong sakit. Hanggang sa kasalukuyan, hinahanap pa ng mga siyentista ang mga dahilan ng ganitong biglaang pagtaas ng mga kaso ng hika.

Ang mga sumusunod ay ang mga sintomas ng hika sa bata:

  • Maya’t mayang pag-ubo, na maaaring mangyari tuwing naglalaro, sa gabi bago matulog o habang tumatawa.
  • Kakulangan ng lakas at sigla kapag naglalaro
  • Mabilis o mababaw na paghinga
  • Pananakit o paninikip ng dibdib
  • Tunog na para bang nagpipito kapag humihinga

Mga sanhi ng hika

Ang mga tao na may hika ay may napakasinsitibong daanan ng hangin na maaring tumugon sa iba’t-ibang bigay sa kapaligiran. Ang pagkakahantad sa mga bagay na ito ay maaaring maging simula ng mga sintomas o di kaya naman paglala ng hika.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga bagay na maaaring magpasimula ng hika:

  • Mga impeksyon tulad ng sinusitis, sipon at trangkaso
  • Matapang na amoy ng pabango, mga kemikal na panlinis o polusyon sa hangin
  • Pollen ng bulaklak, alikabok, o balahibo ng mga alagang hayop
  • Usok ng sigarilyo
  • Sobrang pagi-ehersisyo
  • Pabago-bagong panahon
  • Mga paggamot na may aspirin

Gamot sa hika

Kung sa tingin mong ikaw ay may hika, huwag magatubiling sumangguni sa iyong doktor. Ikaw ay maaaring ipakausap sa isang ekspertong pulminologist na siyang magbibigay sa iyong ng isang mabisang action plan para sa iyong sakit. Ikaw ay maaaring bigyan ng mabisang gamot laban sa mga sintomas na iyong dinaranas sa kasalukuyan.

Kung ikaw ay may hika, kailanganng alamin mo kung anu-ano ang mga bagay na nakapagpapalala ng iyong sakit. Halimbawa, ang paninikip na ng iyong dibdib at hirap ng iyong paghinga ay nangyayari lamang kapag ikaw ay nasa isang partikular na bahagi ng iyong bahay lamang? Ikaw ba ay inaatake ng hika kapag ikaw ay nasa loob ng iyong kwarto? Bakit hindi mo tingnan kung ang iyong kwarto ay maalikabok? Marahil ikaw may allergy sa alikabok. Kung ganito ang sitwasyon mo, panatilihing malinis ang iyong bahay, kasama na ang mga electric fan at air conditioner sa loob ng inyong tahanan.

Totoo, ang pagkakaroon ng hika o asthma ay isang panghabang buhay na pakikipagpunyagi. Ngunit palaging isaisip na ang kaalaman at ang wastong pagiingat at maaaring magpagaan sa pagharap sa ganitong uri ng sakit.

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO