Search

Ano ang Gamot sa Manas

Ano ang Gamot sa Manas

Ang artikulong ito ay tutulong saiyo na maunawaan ang pangunahing mga kaalaman at gamot sa manas.

Ano ang manas?

Ang manas o edema ay siyang medikal na tawag sa pamamaga. Ang mga bahagi ng katawan na namamaga dahil sa injury o pamamaga ay tinatawag na manas. Ito ay maaaring makaapekto sa maliliit na bahagi ng katawan o pwede ring sa buong katawan. Ang mga gamot na iniinom, mga impeksyon, pagbubuntis at iba pang mga problemang may kaugnayan sa kalusugan ay maaaring maging sanhi ng manas.

Ang manas o pamamanas ay nangyayari kapag ang maliliit na ugat na daanan ng dugo ay tumatagas na nagpapalabas ng mga fluid o tubig sa nakapalibot na mga tissue. Kapag ang sobrang tubig na ito ay naipon at dumami, iyan ang dahilan ng pamamaga ng mga tissue.

Ano ang sanhi ng manas? Ang kondisyong tulad ng kagat ng insekto, impeksyon sa balat at iba pa ay maaaring maging sanhi ng manas. Karagdagan pa, ang mga kondisyon na may kaugnayan sa kakulangan ng ilang partikular na sangkap sa dugo tulad ng kakulangan sa albumin o pagkakaroon ng allergy ay maaaring pagmulan ng manas. Ang mga sakit tulad ng sakit sa puso, baga o kidney ay nagdudulot din ng pamamanas.

Pangkaraniwan sa mga buntis ang magkaroon ng manas. Pero tandaan ang ilan sa mga seryosong kumplikasyon ng pagbubuntis tulad ng deep vein thrombosis at preeclampsia ay nagdudulot din ng pamamanas. Kaya kung ikaw ay buntis at nakararanas ng pamamanas, isabi mo ito sa doktor mo sa susunod na buwanang checkup.

Sintomas ng manas

Bago natin alamin ang iba’t ibang gamot sa manas, pag-usapan muna natin ang mga sintomas ng manas na maaari mong maramdaman.

Ang totoo, ang sintomas ng manas ay depende sa dami o laki ng pamamaga at kung saan ito tumubo. Ang manas o edema, isang maliit na bahagi ng impeksyon o pamamaga, ay maaaring hindi magpakita ng anumang sintomas. Sa kabilang banda, ang malakihang allergic reaction tulad ng sa tibo ng bubuyog ay maaaring magdulot ng manas sa buong kamay o paa, na maaaring magdulot ng tensyon sa balat at limitadong paggalaw.

Ang allergy sa pagkain at mga gamot ay maaaring maging dahilan ng pamamanas ng dila at lalamunan. Ito ay maaaring maging nakamamatay kung ito ay maging hadlang sa iyong paghinga.

Ang manas sa mga binti naman ay maaaring maging dahilan ng pagbigat ng paglakad. Ito ay makaaapekto sa paglakad. Sa manas sa paa dahil sa sakit sa puso ay maaaring magdagdag ng lima hanggang sampung libra bawat isa. Ang malalang kaso ng manas sa paa ay maaaring makasagabal sa daloy ng dugo, na maaaring maging sanhi ng ulcer ng balat sa paa.

Ano ang gamot sa manas

Para magamot ang manas, kailangan mong gamutin ang dahilan ng pamamaga, halimbawa, kailangan mong uminom ng gamot sa allergy kung ikaw ay manas dahil sa allergic ka sa nakain mo.

Ang manas ay bumabara sa mga daanan ng tubig ng katawan at kung minsan ay ginagamot sa pamamagitan ng pagtanggal ng bara. Ang pagkakaroon ng blood clot sa paa ay linulunasan ng gamot sa manas na blood thinner. Tinutunaw nito ang blood clot at ginagawang normal ang pag daloy ng mga tubig. Kung tumor ang nagbara at nagiging sanhi ng manas, ito ay kadalasang pinaliliit at tinatanggal sa pamamagitan ng pagoopera.

May mga gamot na maaaring dahilan ng pag mamanas, ito ay ang mga sumusunod:

  • NSAIDs tulad ng ibuprofen at naproxen
  • Calcium channel blockers
  • Corticosteroids tulad ng prednisone at methylprednisolone
  • Pioglitazone at rosiglitazone
  • Pramipexole

Kung ang gamot na iniinom mo ay siyang sanhi ng pamamaga, iyan ay maaang maging kaso ng manas sa paa.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Manas
4.4 (88.89%) 9 votes