Search

Ano Ba Ang Mabisang Gamot sa Sakit ng Ngipin?

Ano Ba Ang Mabisang Gamot sa Sakit ng Ngipin?

Ang mga Pinoy ay sadyang mahilig kumain. Kaya naman, ang sakit ng ngipin ay madalas na maranasan ng marami sa atin.

Sa artikulong ito, paguusapan natin ang mga sumusunod na katanungan:

  • Anu-ano ba ang sanhi ng masakit na ngipin?
  • Kailan ba dapat pumunta sa denstista kung masakit ang iyong ngipin?
  • Ano ba ang gamot sa sakit ng ngipin?
  • Paano ba maiiwasan ang sakit ng ngipin?

Mga sanhi ng masakit na ngipin

Ang masakit na ngipin o toothache ay maaaring dulot ng mga sumusunod:

  • Nabubulok na ngipin o tooth decay
  • Impeksyon sa gitna ng ngipin at gilagid o abscessed tooth
  • Napinsalang ngipin, tulad ng sa aksidente sa sports o sa sasakyan
  • Pag nguya ng matigas na bagay
  • Impeksyon sa gilagid

Mga sintomas ng masakit na ngipin

Ito ay ilan lamang sa mga kilalang sintomas ng masakit na ngipin:

  • Ang sakit sa ngipin o sa paligid nito ay matindi at hindi mawala-wala. May ilang kaso na sumasakit lamang ang ngipin o ang paligid nito kapag kumakain.
  • Pamamaga sa paligid ng apektadong ngipin
  • Lagnat o matinding sakit ng ulo
  • Masamang lasa o amoy ng lumalabas na laway sa pagitan ng mga ngipin

Kung kalian dapat sumagguni sa dentista

Bumisita agad sa iyong dentista kapag nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Ang sakit ng ngipin ay hindi mawala-wala sa loob ng mahigit dalawang araw
  • Ang sakit ng ngipin ay matindi anupa’t nakakasagabal na sa regular na mga gawain sa bahay o trabaho
  • Ikaw ay may lagnat, masakit na tainga, o masakit na masakit na pakiramdam kapag binubuka ang bibig

Ang tamang diagnosis ng sanhi ng iyong masakit na ngipin ay mahalaga para malunasan ang anumang posible impeksyon na sanhi ng pananakit at pamamaga. Ang maagang paggamot sa ganitong uri ng impeksyon ay makatutulong na maiwasan ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng mukha, bungo o sa dugo.

Mga dapat asahan sa pag bisita sa dentista

Para malunasan ang pananakit ng ngipin, aalamin ng iyong dentista ang iyong medical history. Magtatanong din siya tungkol sa nararamdaman mong sakit, kung kalian ito nag simula, gaano ito kalala, saang bahagi ng bibig ang masakit, ano baa ng nakapagpapalala ng sakit at ano ang nakakabawas dito. Susuriin ng dentista ang iyong bibig, mga ngipin, gilagid, dila, ngalangala, lalamunan, mga sinus, tainga, ilong at leeg. Maaaring humingi ng X-ray ang iyong dentista bilang bahagi ng pagsusri depende sa kung ano ang sa tingin niya ay sanhi ng iyong masakit na ngipin.

Ang gamot sa sakit ng ngipin

Ang gamot sa sakit ng ngipin ay nakadepende sa kug ano ang pinagmumulan nito. Kung pagkabulok sa ngipin ang sanhi, maaaring linisan at takpan ng dentista ang butas o cavity kug ito ay maaari pang maisalba. Kung ang pagkabulok ay hindi na maaayos o mapipigilan pa, bubuntin ng dentista ang bulok na ngipin pa hindi na ito magdala ng sakit at maiwasan ang di kinakailangang pagkalat ng impeksyon sa iba pang malulusog na ngipin.

Ang root canal extraction ay maaaring irekomenda ng dentista kapag malaman niya na ang sanhi ng matinding pananakit ng iyong ngipin ay sanhi ng impeksyon sa mga ugat ng ngipin. Ang mga baktirya na nakapasok sa ubod ng ngipin ay ang dahilan ng ganitong uri ng impeksyon. Maaaring magbigay si Doc ng antibiotic kung ikaw ay nakararanas ng pamamaga ng panga at lagnat.

Kung tatanungin ang karamihan sa atin kung ano baa ng mabisang gamot sa sakit ng ngipin, ang sagot g madla ay mga kilalang brand ng pain reliever tulad ng Alaxan, Dolfenal, Medicol at iba. Subalit tandaan, ang mga gamot na ito ay pang-alis lamang po sa mga sintomas ng sakit ng ngipin. Ang pinakamainam na gamot nito ay ang pagkonsulta sa inyong dentista upang maagapan ang potensyal na pagkalat ng impesyon na maaring magpalala sa inyong problema.

Pag-iwas sa sakit ng ngipin

Dahil ang kadalasang sanhi ng masakit na ngipin ay ang pagkablok nito, ang pagsunod sa isang regular na schedule ng paglinis ng ngipin ay napakahalaga upang maiwasan ang di kinakailangang pag sakit ng ngipin. Kasama sa tamang paglinis ng bibig ay ang regular na pagsisipilyo gamit ang toothpaste, paggamit ng dental floss, pag mumog ng mouthwash at pag bisita sa inyong denstista dalawang beses kada taon para sa pagpapalinis at checkup sa ngipin.

Karagdagan pa, hindi natin namamalayan na tayo pala ay ang mismong sumisira sa ating mga ngipin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sumusunod:

  1. Pag-nguya ng yelo – ang yelo ay natural at walang hlong asukal kaya baka isipin mo na ang pag-nguya ng yelo ay walang pinsalag hatid saiyong mga ngipin. Subalit ang pagkain ng matigas na yelo ay maaring makabasag o makasira sa ngipin at sa mga tissues na nasa loob nito. Ito ay maaarig pagmulan ng maya’t mayang pananakit ng ngipin.
  2. Paglalaro nang walang gamit na proteksyon sa bibig – Ang mga Pinoy ay mahilig sa isports, maging basketball man o boxing. Ang paglalaro ng ganitong uri ng mga isport na walang mouthpiece o mouthguard ay mapanganib, maaaring maubos ang iyong ngipin kapag uminit na ang laro. Kaya bago sumabak sa matinding aksyon, kumunsulta muna sa iyong dentista para sa proteksyon sa bibig na angkop sa iyong kalagayan.
  3. Paginom ng gatas bago matulog – Ito ay isa sa pinakang sanhi ng pagkasira ng ngipin ng mga bata. Ang gatas at iba pang matamis na inumin ay maaaring sumira sa bagong tubong ngipin ng inyong sanggol. Dapat na isaalang alang ng mga magulang ang pag-adjust ng schedule ng pagpapainom ng gatas sa bata, ilang oras pa bago siya matulog.
  4. Pagbubutas sa dila – Ito’y patok ngayon sa mga kabataan, subali ang pagbutas at paglalagaw ng hikaw sa dila at labi ay lubhang mapanganib sa iyong mga ngipin. Ang hikaw na kalagay sa dila ay maaring makasugat sa gilagid at ngalangala na maaaring pagmlan ng pagkasira ng mga ngipin. An bibig ay tirahan ng bilyon-bilyong mga mikrobyo kaya ang pagbutas sa dila ay magdadala lamang ng panganib na magkaroon ng malubhang impeksyon sa bibig.
  5. Pagkain ng candy – Lahat ng pagkain na mayaman sa asukal ay nagdadala ng pakabulok ng ngipin. Ang pagngya ng candy ay magiiwan ng mga natirang asukal na maaring dumikit sa pagitan ng mga ngipin, na magigig nakapipinsalang asido kapag ito ay napabayaang nakadikit sa ngipin sa loob ng ilang oras. Kaya kung hindi makokompleto ang iyong araw nang walang candy, mas mainam na kumain nito pagkatapos ng tanghalian o hapunan, habang ang iyong bibig ay aktibo pa sa pagpapalabas ng maraming laway, na makatutulong na hindi dumikit ang mga natirang asukal sa ngipin.
  6. Pag-inom ng softdrinks – Hindi lamang ag pagkain ng candy ang nakasisira sa ngipin, pati rin pala ang paginom ng mga inuming may soda. Ang isang maliit na bote ng softdrink ay maaring maglaman ng 11 kutsarita ng asukal, sobra-sobrang dami ng asukal na maaring sumira ng iyong mga ngipin. May mga brand ng softdrink na maaaring walang asukal na kahalo, subalit ang artipisyal na pampatamis tulad ng aspartame ay nakabubulok din ng ngipin.
  7. Pagbukas ng plastik na balot gamit ang mga ngipin – Ang pagbukas o pagpunit ng plastik na balot ay maaaring makapagpadali ng iyong gawain, subalit ito rin ay maaaring maging dahilan ng dagliang pagkawala ng ngipin. Maaaring magkaroon ng sira ang iyong mga ngipin kapag patuloy mo itong ginamit na pambukas ng balot o pambukas ng bote. Mas mainam ang palagiang pagdadala ng maliit na gunting sa bulsa upang maiwasan ang paggamit ng mga ngipin. Tandaan na ang ngipin ay gamit lamang sa pagkain.
  8. Pag-inom ng kape – Ang maitim na kulay ng kape at ang asido na dala nito ay mabilis na makapagpadilaw ng ngipin. Ngunit nakakatuwa dahil ang paninilaw ng ngipin dahil sa kape ay napakadali na ngayong lunasan. Smanggiuni sa inyong dentista para sa pagpapaputi ng iyong mga ngipin.
  9. Paninigarilyo – Ang sigarilyo ay isa sa pangunahing sanhi ng paninilaw ng ngipin at pagkalagas nito dahil sa dulot nitong sakit sa gilagid. Ang nicotine ay nagdudulot ng cancer sa bibig, dila, gilagid, ngalangala at lalamunan.Kung hanggang ngayon ay naghahanap ka parin ng dahilan para itigil ang painigarilyo, isipin mo na lang ang iyong mga ngipin.
  10. Sobrang pagkain – Ang sobrang pagkain ay kadalasang nangangahulugan ng sobrang pagkain ng mga matatanmis na pagkain. Ang asido na nagmumula sa sobrang pagkain ngmatatamis ay makapagpaparupok sa ngipin at nagdadala ng mabahong hininga.

Ang pagiwas sa sakit ng ngipin ay nangangahlugan ng ibayong disiplina at pagiingat. Tandaan na ang inyong kompleto at malulusog na ngipin ay inyong kayaman. Ang magagandang ngiti ay nakapagpapaganda sa iyo!

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO