Search

Gamot sa Sakit ng Tiyan: Mga Sanhi at Lunas sa Sakit ng Tiyan

Gamot sa Sakit ng Tiyan: Mga Sanhi at Lunas sa Sakit ng Tiyan

Halos lahat tayo ay nakaranas na o makakaranas ng pagsakit ng tiyan. Ang mga Pinoy ay mahilig kumain, kaya naman, tayo ay mas madalas na dumaing sakit ng sikmura hindi ba? Karamihan sa mga sahi ng pananakit ng tiyan ay hindi gaanong seryoso, madaling matukoy ang sanhi at mabilis na magagamot kahit nasa bahay lamang. Subalit, ang ilan sa mga kaso ng pagsakit ng tiyan ay maaaring sintomas ng mas malubhang sakit. Kaya mahalaga na matutuhan natin kung paano malalaman ang malubahang mga sintomas ng sakit sa tiyan at kung kalian dapat na sumangguni sa doktor.

Sa artikulong ito, paguusapan natin ang mga tanong ukol sa sakit ng tiyan tulad ng:

  • Anu-ano ang mga pangunahing sanhi ng masakit na tiyan?
  • Anu-ano ang mga sintomas ng sakit sa tiyan na dapat ikabahala?
  • Paano ba malalaman kung ano ang sanhi ng sakit sa tiyan?
  • Ano ba ang gamot sa sakit ng tiyan?

Anu-ano ang mga pangunahing sanhi ng masakit na tiyan?

Bagaman ito ay pagkirot ng tiyan o matinding sakit, ang sakit ng tiyan ay may iba’t-ibang sanhi. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit sumasasakit ang iyong tiyan.

  • Hindi ka natunawan sa kinain mo
  • Nahihirapan ka sa pagdumi
  • Nakasagap ka ng virus na nakaaapekto sa tiyan
  • Ikaw ay may regla subalit nahihirapan dahil sa disminoriya
  • Pagkalason sa pagkain
  • Ikaw ay allergic sa nakain mo
  • May hangin sa tiyan
  • Ikaw ay lactose intolerant, ang iyong tiyan ay hindi hiyang sa paginom ng gatas
  • Pagkakaroon ng luslos
  • Pagkakaroon ng bato sa apdo
  • Pagkakaroon ng bato sa bato
  • May urinary tract infection o impeksyon sa daanan ng ihi
  • Ang iyong tiyan ay acidic
  • Ikaw ay may appendicitis
  • Pagkakaroon ng mga parasites tulad ng bulate sa loob ng tiyan

Anu-ano ang mga sintomas ng sakit sa tiyan na dapat ikabahala?

Ang sakit sa tiyan ay kilalang sakit at kadalasang nagagamot kahit sa bahay lang. Pero tandaan na may mga kaso ng pananakit ng tiyan na nangangailangan ng agarang lunas mula sa inyong doktor.

Ito ay ang mga sintomas ng hindi pangkaraniwang sakit ng tiyan. Kung nararanasan mo alin man sa mga ito, huwag ka nang mag-atubiling pumunta sa pinakamalapit na doktor.

  • May lagnat habang sumasakit ang tiyan
  • Hindi ka pa nagbabawas sa loob ng dalawang araw
  • Anumang sintomas ng pagkawala ng tubig sa katawan o dehydration
  • Kahirapan sa pagdumi samantalang ikaw ay nagsusuka
  • Masakit ngunit mas madalas na pag-ihi
  • Ang iyong tiyan ay mas malambot kaysa sa normal na kalagayan
  • Ang sakit ay dahilan ng nabugbog o napinsalang tiyan, lalo na kung ito ay dahil sa isang aksidente
  • Hindi pagtigil ng pananakit sa loob ng ilang oras

Ang mga sumusunod naman ay ang mga sintomas na katambal ng mga problema sa loob ng iyong katawan na nangangailangan ng dagliang paggamot.

Pumunta sa pinakamalapit na emergency room o ospital kung makita ang ganitong mga palatandaan:

  • Ikaw ay nagsusuka ng dugo, o may bahid ng dugo ang iyong suka
  • Ikaw dumudumi ng dugo o naglalabas ng kulay itim na dumi
  • Masakit ang tiyan at nahihirapan ka sa paghinga
  • Ikaw ay buntis at nakararanas ng paghilab ng tiyan

Paano ba malalaman kung ano ang sanhi ng sakit sa tiyan?

Dahil napakarami ang posibleng dahilan kung bakit sumasakit ang iyong tiyan, ang iyong doktor ay magsasagawa ng isang masusing pagsusuri sa iyong pangangatawan. Ipakikipag-usap saiyo ng doktor ang mga sitomas na iyong nararamdaman, at ikaw maaring tanungin tungkol sa sakit na iyong dinaranas. Ang sumusunod na mga tanong ay makatutulong saiyo upang matukoy ang sanhi ng pananakit ng iyong tiyan.

  • Anong uri ng sakit ang iyong nararamdaman? Ito ba ay nararamdaman sa buong tiyan o sa isang partikular na bahagi lamang ng tiyan?
  • Aling bahagi ng iyong tiyan ang sumasakit?
  • Gaano katindi ang pananakit, ito ba ay sakit na para bang ikaw ay sinasaksak? O ito ay parang ordinaryong sakit?
  • Kailan mo nararamdaman ang sakit? Ito ba ay palagian? Mas masakit ba sa umaga o sa gabi? Kung ang sakit ay nawawala at bumabalik, gaano katagal ang pananakit bago ito mawala? Ito ba ay nangyayari tuwing ikaw katatapos pa lamang kumain ng isang partikular na pagkain o sumasakit ba kapag ikaw ay umiinom ng alak? Sumasakit ba kapag ikaw ay may buwanang dalaw o regla?
  • Matagal mo na bang nararamdaman ang ganitong pananakit ng tiyan?
  • Ang sakit sa tiyan ba ay nakakaapekto sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng likod, balakang o balikat?
  • Ikaw ba ay umiinom ng isang uri ng gamot maging ito man herbal na supplement?
  • Ikaw ba ay nagdadalang tao?
  • Ikaw ba ay naaksidente kamakailan lamang?

Pagkatapos na maisagawa ang pisikal na pagsusuri at interview, ikaw ay maaaring sumailalim sa ibang pagsusuri tulad ng pagsusuri sa dumi, ihi at dugo,endoscopy, X-ray, CT scan o ultrasound.

Ano ba ang gamot sa sakit ng tiyan?

Ang paggamot sa sakit ng tiyan ay lubusang nakadepende sa kung ano ang sanhi ng pananakit kaya ang pagkonsulta sa doktor ay ang unang hakbang para ikaw ay malunasan.

Narito ang ilan sa mga lunas o gamot sa sakit ng tiyan batay sa dahilan ng pananakit:

  • Kung ang iyong tiyan ay sumasakit dahil sa sobrang acid sa tiyan, ikaw ay bibigyan ng gamot tulad ng antacid.
  • Kung disminoriya ang sanhi, magbibigay si Doc ng pain reliever at mga tips kng paano maiibsan ang pananakit.
  • Kung ulcer o impeksyon naman ang dahilan ng pananakit tulad ng UTI, maaaring magbigay si Doc ng mabisang antibiotic para malabanan ang impeksyon.
  • Kung ito naman ay dahil sa allergic ka sa isang uri ng pagkain o inumin, baka payuhan ka ng iyong doktor na magiwas na lamang sa mga pagkaing magdudulot ng matinding pananakit.
  • Sa mga kaso ng appendicitis, luslos, bato sa apdo o bato sa bato, maaaring ikaw ay sumailalim sa isang operasyon para lubusan nang maalis ang dahilan ng pananakit.

May paraan ba upang maiwasan ang sakit ng tiyan?

Oo, ang sakit ng tiyan ay maiiwasan sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay.

  • Uminom ng maraming tubig para makaiwas sa impeksyon sa daanan ng ihi at kahirapan sa pagdumi
  • Ugaliin ang paghugas ng kamay bago o pagkatapos kumain
  • Lutuin ng husto ang pagkain
  • Takpan ng husto ang mga natirang pagkain. Initin ito bago ihaing muli. Kung may duda ka sa pagkain, mas makabubutig itapon mo na lamang ito.
  • Kumain sa tamanag oras, kung ikaw ay nagugutom
  • Kumain ng sapat lamang sa kaya ng iyong tiyan
  • Pakuluan ang tubig bago ito inumin, lalo na kung ito ay galling sa puso
  • Kung ikaw ay may batang inaalagaan, huwag hayaang kumain nang marumi ang kamay
  • Ang pagpurga sa bata upang mailabas ang mga parasite tulad ng bulate ay makatutlong rin para maiwasan ang pananakit ng tiyan

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO