Search

Ano Ba Ang Gamot sa Sakit sa Bato?

Ano Ba Ang Gamot sa Sakit sa Bato?

Ang bato o kidney ay ang organ na responsable sa paglinis ng ating dugo. Ito rin ang bahagi ng ating katawan na nagbabalanse ng tamang dami ng asin at mga mineral at nag mimintena ng tamang presyon ng dugo.

Kung ang iyong bato ay hindi malusog, ang mga nakalalasong kemikal ay maaaring dumami sa iyong katawan, na magiging dahilan ng pamamanas, pagsusuka, panghihina, mababaw na tulog at kahirapan sa paghinga. Kung hindi ito maaagapan, ang may sakit na bato ay maaaring huminto na sa paggana sa kalaunan. Ang kawalan ng malusog at gumaganang bato ay malubha, at posible rin itong ikamatay.

May dalawang uri ng pagkasira ng bato. Ito ay ang Acute Kidney Injury at ang Chronic Kidney Disease. Pag-usapan natin ang sanhi ng pagkakaroon ng sakit na ito.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng Acute Kidney Injury?

Acute kidney injury o acute renal failure ang tawag ng mga doktor sa biglaang pagtigil ng paggana ng bato.

Mga pangunahing dahilan:

  • Kawalan ng dumadaloy na dugo sa bato
  • Pagkakaroon ng malalang pinsala sa bato
  • Matinding pagkawala ng dugo sa katawan
  • Pagbara sa daanan ng ihi
  • Pag inom ng isang uri ng gamot o pagkalason
  • Komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng eclampsia o pre-eclampsia

Ang mga atleta na hindi umiinom ng maraming tubig habang naglalaro ay maaaring magkaroon ng biglaang pagtigil ng bato dahil sa pagkasira ng ilang muscle tissue. Ang ganitong kondisyon ay magpaparami ng protinang myoglobin na nakasisira sa kidney.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng Chronic Kidney Disease?

Ang pagkakaroon ng mga bato na hindi gumagana ng maayos sa loob ng 3 buwan ay tinawag na Chronic Kidney Disease. Ito ay lubhang mapanganib sapagkat ang ganitong uri ng sakit sa bato ay kadalasan nang walang sintomas hanggang sa lumala na ang pinsala. ANg ganitong uri ng sakit sa bato ay kadalasang wala nang lunas.

Mga pangunahing dahilan:

  • Diabetes type 1 at 2
  • Highblood pressure
  • Sakit sa immune system tulad ng HIV, Lupus, Hepa A at Hepa B
  • Urinary tract infection o UTI sa loob mismo ng bato
  • Depekto sa baton a dala mula pa ng isilang
  • Mga gamot o lason

Ang pangmatagalang paggamit ng ibuprofen, naproxen at diclofenac ay lubhang mapanganib sa kidney. Mayroong pag-aaral na ginawa sa bansang India na kumumpirma na ang gamot na diclofenac ay lubhang mapanganib. Ang tatay ko ay gumagamit ng diclofenac upang maibsan ang sakit ng kanyang arthritis sa loob ng maraming taon. Sa kabila ng aking pagbabawal, itinuloy niya parin ang pag inom nito, halos araw-araw. Hanggang dumating ang punto na siya ay nagkaroon ng high blood, na komplikasyon ng sakit sa baton a chronic kidney disease. Si papa ay namatay noong Pebrero 5, 2014 sa edad na 63.

Sehat Badan coffee: Nakamamatay!

Malamang na narinig mo na ang mga kwento tungkol sa Sehat Badan coffee, na ito raw ay mabisang pangtanggal ng sakit sa katawan. Ako mismo ang makapagsasabi, epektibo nga ito. Subalit, ilang tao na ang nakita kung nagkasakit ng malubha sa kanilang bato dahil sa araw araw nap ag-inom ng kapeng ito. Isa sa aking mga pinsan, na may tatlong anak ang kasalukuyang naghahanda para sa kidney transplant.

An BFAD ay nagbabala laban sa paginom ng kapeng ito na galing sa Indonesia. Ang bansang Indonesia ay mismo ay nagbabala laban sa paginom ng kapeng ito. Kaya magingat sa paginom ng kung anu-ano. (Isang babala tungkol sa Sehat Badan coffee)

Ano ba ang gamot sa sakit sa bato?

Kung ikaw ay dumaranas ng acute renal failure, ikaw ay nangangailangan ng dagliang atensyon medikal sa isang emergency room. Ang mga doktor ay gagawa ng paraan upang lunasan ang sanhi ng biglaang pagtigil ng paggana ng iyong kidney. Dahil ito ay nakamamatay, huwag mag atubili kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas.

Kung Chronic Kidney Disease naman ang pag-uusapan, ito ay kailangang lunasan sa lalong madaling panahon. Ang ganitong uri ng sakit sa bato ay mangangailangan ng dialysis o kaya naman ay kidney transplant sa katagalan. Iyan lamang ang tanging lunas sa sakit sa bato.

Pag-iwas sa sakit sa bato

Dahil ang lunas sa sakit sa bato ay napaka mahal, mas maganda ang maagang pagiwas kaysa sa paggamot sa ganitong uri ng sakit. Ito ang mga dapat gawin.

  • Uminom ng 8-12 basong tubig araw-araw, mas marami kung tag-init o sasailalim sa matinding pisikal na Gawain
  • Umiwas sa pag-inom ng maraming alak
  • Tumigil sa paninigarilyo
  • Huminto sa paggamit ng illegal na droga
  • Panatilihin ang malinis na pangangatawan
  • Magkaroon ng postibong pananaw sa buhay
  • Uminom ng food supplement para sa bato

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO