Search

Ano ang Gamot sa Tenga ng May Sipon

Ano ang Gamot sa Tenga ng May Sipon

Ang pagkakaroon ng sipon sa tenga ay isang pangkaraniwang sakit na nakakaapekto lalo na sa mga bata. Sa normal na kalagayan, ang tenga ay regular na nagpapalabas ng fluid papunta sa likod ng ating lalamunan. Pero kung ito ay mabarahan, maiipon ang nasabi nang mga fluid at ikaw ay magkakaroon ng otitis media with effusion o mas kilala sa atin bilang tenga na may sipon. Kung ikaw ay may OME, may bahagi ng tenga na napupuno ng fluid, kaya iniisip ng ilan na sila ay may baradong tenga dahil sa sipon.

Sa artikulong ito, pag uusapan natin ang mga dahilan at gamot sa tenga ng may sipon.

Sanhi ng baradong tenga dahil sa sipon

Mga bata ang kadalasang nagkakaroon ng OME o baradong tenga dahil sa sipon. Ito ay malamang na dahil sa hugis ng tubo sa kanilang tenga mas maiksi at mas maliit ang butas kumpara sa mga adulto. Ito ang dahilan kung bakit mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbabara at impeksyon sa mga bata. Karagdagan pa, ang immune system ng mga bata ay hindi pa gaanong malakas kaya mas mahirap para sa katawan nila na labanan ang impeksyon sa tenga na kadalasang nauuwi sa OME.

Totoo bang sanhi ng baradong tenga dahil sa sipon ang pagpasok ng tubig sa tenga? Hindi!

Sintomas ng baradong tenga dahil sa sipon

Hindi lahat ng pasyenteng barado ang tenga ay magpapakita ng sintomas. Halimbawa, maraming mga bata na may OME o baradong tenga ay walang palatandaan na sila ay may sakit o kaya ay nahihirapan. Ang mga sintomas nito ay kadalasang banayad o kakaunti. Ito ay depende sa edad ng bata o pasyente.

Isa sa pinaka pangkaraniwang sintomas ng baradong tenga ay ang problema sa pandinig. Sa mga bata, ang pagbabago sa kanilang mga kilos ay malamang na dahil sa problema sa pandinig. Halimbawa, mas pinalalakas nila ang volume ng TV. Kinakamot o hinahablot din nila ang kanilang tenga.

Ang mas may edad nang mga bata at mga adulto na may baradong tenga dahil sa OME ay kadalasang nagsasabi na ang kanilang pandinig ay umuugong. Nararamdaman nilang puno ang kanilang tenga ng kung anong fluid. Sinasabi ng ilan na ito ay sipon.

Pagsusuri kung barado ang tenga

Susuriin ng doktor ang tenga mo gamit ang otoscope. Ito ay isang uri ng lente na may ilaw na ang dulo ay naipapasok sa tenga.

  • Ano ang hahanapin ng doktor sa tenga mo?
  • Bula sa ibabaw ng eardrum
  • Eardrum na hindi makinis o makintab
  • May nakikitang tubig o sipon sa likod ng eardrum
  • Hindi paggalaw ng eardrum kapag inihipan ito ng kaunting hangin

Gamot sa tenga ng may sipon

Ang OME o sakit sa tenga dahil sa sipon ay kusang gumagaling. Pero ang pagpabalikbalik nito ay pwedeng magpataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng impeksyon sa tenga. Ang doktor ay maaaring magrekomenda ng pag-inom ng banayad na antibiotic kung ang iyong anak ay nanganganib na magkaroon ng impeksyon sa tenga.

Kung nararamdaman mo na barado ang iyong tenga sa loob ng anim na linggo matapos ang iyong unang pagsangguni, baka kailangan mong bumalik uli kay Doc. Baka kailangan mo nang mas direktang gamot sa tenga ng may sipon.

Ang isa sa pinaka mabisang paggamot dito ay ang paggamit ng tubo sa tenga. Makatutulong ito sa mailabas ang fluid na naipon sa likod ng tenga.

Kung minsan, irinerekomenda ng doktor ang pagtatanggal sa tonsils para magamot o maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga dahil ang tonsil ay kung minsan ay nakakabara sa daanan ng tubig galing sa tenga.

Pag iwas sa baradong tenga na may sipon

Ayun sa mga dalubhasa sa kalusugan, ang pagkakaroon ng sipon sa tenga ay mas posible sa mga buwan ng tag-ulan. Pero, bilang magulang, may magagawa ka para makaiwas dito ang mga anak mo.

Narito ang ilan sa mga pwede mong gawin:

  • Madalas na paghugas ng mga kamay at laruan
  • Pag iwas sa paninigarilyo sa loob ng bahay
  • Pag iwas sa allergy
  • Pagpapanatili ng malinis na hangin sa kapaligiran
  • Breast feeding para malabanan ng sanggol ang impeksyon sa tenga
  • Hindi pag inom habang nakahiga
  • Pag inom ng antibiotic kung hindi naman kailangan

Napag alaman ng mga dalubhasa na ang pag papabakuna laban sa pneumonia at trangkaso ay makakatulong para makaiwas sa sipon sa tenga o OME. Magtanong sa doktor mo tungkol sa mga bakunang ito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Tenga ng May Sipon
1 (20%) 1 vote