Search

Gamot sa Ubo: Mga Dapat Mong Gawin Kung Ikaw ay May Ubo

Gamot sa Ubo: Mga Dapat Mong Gawin Kung Ikaw ay May Ubo

Talagang pahirap ang ubo. Masakit sa dibdib ang sobra at walang tigil nap ag-ubo. Bukod sa ito’y nakakahiya, ito ay sagabal sa pangaraw-araw na mga gawain. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng mabisang gamot para sa ubo, tamang tama ang artikulong ito para saiyo.

Sa artikulong ito, paguusapan natin ang mga sumusunod:

Ano ba ang ubo?
Ano ang mga dahilan kung bakit tayo umuubo?
Ano baa ng gamot sa ubo?

Ano ba ang ubo?

Ang totoo, ang ubo o pag-ubo ay isang nakaliligtas buhay na mekanismo sa katawan ng tao. Ito ay ang paraan ng katawan para maalis ang anumang bagay na aksidenteng nakapasok sa daan ng hangin papuntang baga, baga man ito ay isang solidong bagay o mga mikrobyo na maaaring makasira sa atin. Ang pagkakaroon ng plema ay siyanhg pagunahing sanhi kung bakit ka umuubo dahil pinipilit ng iyong lalamunan na ilabas ang plema na nakakabara sa iyong paghinga.

Ang pag-ubo ay isang sintomas at hindi ito sakit. Ang pag-ubo ay maaaring magpahiwatig ng isang kondisyon na nangyayari sa iyong katawan depende sa kung anong uri ng ubo ang iyong nararanasan.

Ang ubo ay maaaring maging ma-plema o tuyo.

Ang maplemang ubo ay hindi dapat pinipigilan dahil ito ang paraan na malinisan mula sa anumang kontaminasyon ang ating baga.

Ito ang ilan lamang sa mga sanhi ng ubong maplema:

  • Impeksyon na dala ng virus. Normal lamang na ikaw ay magkaroon ng ubo kung ikaw ay may sipon na dala ng virus. Ang pagubo ay dala ng plema dahil sa sipon.
  • Mga impeksyon sa baga at daanan ng hangin. Ang ubong maplema ay maaaring sintomas ng pneumonia, bronchitis, tuberculosis o sinusitis.
  • Sakit sa baga. Ang ubong maplema ay maaaring tanda na ang iyong sakit sa baga tulad ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay lumalala at nangangailangan ng dagliang atensiyon.
  • Ang iyong tiyan ay acidic. Ang pagubo na sanhi ng acid reflux ay matindi anupa’t ikaw ay maaring magising sa gabi na umuubo dahil dito.
  • Paninigarilyo at ibang pang paggamit ng tabako. Ang pag-ubo sa mga taong naninigarilyo o gumagamit ng iba pang produkto ng tabako ay kadalasang palatandaan ng pagkasira ng baga o lalamunan.

Ang tuyong ubo naman ay hindi dahil sa plema. Ang ganitong uri ng ubo ay maaaring maranasan sa pagtatapos ng pagkakaroon ng sipon o pagkalanghap ng alikabok, usok o polusyon. Narito ang ilang sa mga sanhi ng tuyong ubo o dry cough.

  • Impeksyon sanhi ng virus tulad ng sipon. Ang ganitong uri ng ubo ay tumatagal ng halos dalawang linggo at lumalala lalo na sa gabi.
  • Ang ubong tuyo ay maaari ring dala ng allergy. Ang madalas na pagbahin ay maaaring sintomas din ng allergic rhinitis.
  • Paglanghap ng alikabok, usok, o isang partikular na kemikal sa lugar ng trabaho
  • Ang tuyo at hindi maalis-alis na pag-ubo ay maaaring dala ng hika. Ang ibang sintomas na dala ng hika ay ang tumutunog at mahirap na paghinga at paninikip ng dibdib.
  • Baradong daanan ng hangin dahil sa isang bagay o pagkain na nalunok.
  • Paginom ng isang partikular na gamot. May mga gamot na ibinibigay sa mga taong may highblood ang sinasabing nagiging sanhi ng pag-ubo. Kung ikaw ay umiinom ng gamot para sa altapresyon at nagtataka kung kung ano ang sanhi ng iyong hindi maalis-alis nap ag-ubo, huwag mag-alinlangan na makipagusap sa iyong doktor.

Ano ba ang gamot sa ubo?

Tandaan na sa maraming mga pagkakataon, ang ubo ay sanhi ng impeksyon na dulot ng virus. Kung gayon, hindi tama ang paginom ng basta na lamang pag-inom ng gamot tulad ng antibiotic dahil ito ay hindi makatutulong at maari pang magpalala ng iyong problema. Halimbawa, ang hindi kinakailangang pag-inom ng antibiotic ay maaaring magdulot ng mga allergy at mga side effects tulad ng pagkalula, pagsusuka, pagtatae at matinding sakit ng ulo at pamamantal. Ang basta na lamang na paginom ng antibiotic ay maaaring pumatay ng mga good bacteria sa katawan at magparami sa mga mikrobyong di tinatablahan ng antibiotic.

Ang masusing pagsusuri ay maaaring maglantad ng tunay na sanhi kung bakit ikaw ay may ubo. Tandaan na ang ubo ay sintomas lamang at hindi ito sakit. Ang pagkakaalam ng tunay na sanhi ng pag-ubo ay ang una at pinakamahalang hakbang para magamot ang pag-ubo.

Kung nalaman mo na ito ay dala lamang ng bahagyang impeksyon tulad ng sipon, ang pag-ubo ay kusang mawawala sa loob ng ilang araw. Subalit may magagawa ka upang maibsan ang iba pang sintomas na kasama ng ubo.

Ang mga sumusunod ay dapat gawin kung ikaw ay may ubo.

  • Uminom ng maraming tubig o fruit juice. Ang pag-ubo ay mas lalala kung tuyo ang iyong lalamunan.
  • Kung naka higa sa gabi, iangat ang ulo gamit ang pinagpatong-patong na unan para maibasan ang sakit sa dibdib na dala ng matindig pag-ubo.
  • Huminto sa paninigarilyo. Iwasan ang paggamit ng iba pang produkto ng tabako dahil ito ay walang duda na nakasasama sa kalusugan.
  • Iwasan ang paglanghap ng alikabok, usok, at mga kemikal na maaring makairita sa baga. Magsuot ng face mask kung alam mo na ikaw ay maaaring mahantad sa polusyon. Makipagusap kay Doc kung anong uri ng face mask ang babagay sa iyong kalagayan.
  • Kung ikaw ay may acidic na tiyan at kadalasang nagigising habang umuubo, kailangan gamutin ang acid sa tiyan. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pag-ubo na dala ng acid at iba pang malalang sakit sa tiyan.
  • Ang paginom ng cough syrup ay nakakatulong din na mabawasan ang ubo. Magtanong sa botika kung anong gamot sa ubo ang babagay sa iyo.
  • Ang paglaga ng mga herbal na gamot tulad ng dahon ng lagundi ay nakatutulong sa paglabas ng plema. Kumuha ng malinis na dahon ng lagundi at pakuluan ito. Inumin tatlong beses isang araw. Ginagamit din sa katulad na paraan ang dahon ng sambong, alagaw at eucalyptus.

Kailan ba dapat isangguni sa doktor ang ubo?

Pumunta agad sa iyong doktor o sa ospital kung ikaw ay nakararanas ng ganitong mga sintomas:

  • Ikaw ay nahihirapan sa paghinga
  • Ikaw ay naglabas ng dugo o plema na may dugo
  • Ikaw ay tinubuan ng mga pantal
  • Paglala at pagiging mas madalas ng pag-ubo
  • Pagsakit ng lalamunan, tainga at pagkakaroon ng sinusitis
  • Hindi nawala ang pag-ubo sa loob ng dalawang linggo

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO