Solusyunan ang Problema sa Hilik sa Pamamagitan ng Simpleng Pamamaraan at Gamot!

Halos lahat ng tao ay humihilik paminsan-minsan, at ito ay hindi isang malaking bagay na dapat tayong mag-alala. Ngunit kung regular kang humuhilik sa gabi, maaari itong makagambala sa kalidad ng iyong pagtulog, na humahantong sa pagkapagod sa araw, pagka-iritable, at pagtaas ng mga problema sa kalusugan.

At kung ang iyong hilik ay nakakagambala sa pagtulog ng iyong asawa o kasama sa bahay sa buong gabi, maaari rin itong lumikha ng mga problema sa relasyon. Sa kabutihang palad, ang pagtulog sa hiwalay na mga silid ay hindi lamang ang lunas para sa hilik. Mayroong maraming mga epektibong solusyon o simpleng gamot sa hilik na makakatulong sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay na mas mainam na makatulog sa gabi at mapagtagumpayan ang mga problema sa relasyon na dulot nito.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang ilang sanhi ng paghilik ng tao, kung anu-ano ang ilang problema sa kalusugan na maidudulot nito, at tatalakayin din natin ang ilang solusyon o simpleng gamot sa hilik na makakatulong upang mapanatiling tahimik at mahusay ang ating pagtulog sa gabi.

Ano ang nagiging sanhi ng paghilik?

Ang paghilik ay nangyayari kapag hindi gaanong malaya ang hangin na dumadaloy sa pamamagitan ng ating ilong at lalamunan sa panahon ng pagtulog. Ito ang nagiging sanhi ng pag-vibrate ng nakapaligid na mga tissue, kaya’t gumagawa ito ng pamilyar na tunog o ingay. Ang mga taong laging humihilik ay madalas may napakaraming floppy tissue sa lalamunan at sa ilong kaya’t ang mga ito ay mas prone sa vibration. Ang posisyon ng ating dila ay maaari ring makagambala sa mahusay na paghinga o pagdaloy ng hangin habang tayo ay natutulog.

Dahil iba’t-iba ang nagiging dahilan ng paghilik ng tao, mahalaga na maunawaan mo ang mga sanhi sa likod ng iyong hilik. Sa sandaling naintindihan mo kung bakit ka palaging humihilik, maaari mong malaman ang mga tamang solusyon sa isang mas tahimik at mas malalim na pagtulog sa gabi – para sa iyo at mga kasama mo sa bahay!

Mga karaniwang sanhi ng hilik at simpleng solusyon

Edad. Habang tayo ay tumatanda, ang ating lalamunan ay nagiging mas makitid, at ang lakas ng kalamnan ng ating lalamunan ay humihina. Sapagka’t wala tayong magagawa tungkol sa lumalaking edad, ang pagbabago sa ating pamumuhay, bagong gawain sa pagtulog, at mga pagsasanay sa lalamunan ay maaaring makatulong upang maiwasan ang paghilik.

Ang pagiging sobra sa timbang o out of shape. Ang matabang tissue at mahinang kalamnan ay nagiging sanhi ng hilik. Kahit na hindi ka sobra sa timbang sa pangkalahatan, ang dala ng labis na timbang sa paligid ng iyong leeg o lalamunan ay maaaring maging sanhi ng hilik. Ang pag-eehersisyo at pagbabawas ng timbang ay maaaring kung minsan ang lahat ng kinakailangan mo upang tapusin ang iyong problema sa paghilik. Ang pagbabawas ng timbang ay makakatulong upang mabawasan ang matabang mga tissue sa likod ng lalamunan kung kaya’t mapipigilan ang paghilik.

Ang iyong pisikal na katangian. Ang mga lalaki ay may makitid na daanan sa hangin kompara sa mga kababaihan kaya’t sila ang karaniwang may problema sa hilik. Ang makitid na lalamunan, lamat na ngala-ngala (bingot), malaking adenoids, at iba pang mga pisikal na katangian na nagiging sanhi sa hilik ay kadalasang namamana.

Muli, habang wala kang kontrol sa iyong pagkatao o kasarian, maaari mong kontrolin ang iyong hilik sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay, mga gawain sa pagtulog, at mga pagsasanay sa lalamunan. Makakatulong din ang wastong diyeta. Mag-ingat sa kung ano ang iyong kinakain bago matulog. Ayon sa isang pananaliksik, ang pagkain ng sobra o pagkain ng dairy products o soymilk bago matulog ay maaaring humantong sa hilik na mas malala.

Mga problema sa ilong at sinus.

Ang naka-block na mga daanan ng hangin o isang baradong ilong ay humahantong sa hirap na paghinga kaya’t lumilikha ito ng vacuum sa lalamunan, na nagiging sanhi sa paghilik. Kung mayroon kang baradong ilong, banlawan lamang po ang ilong ng tubig na may asin bago matulog. Ang paggamit ng isang neti pot, nasal decongestant, o nasal strips ay maaari ring makatulong sa iyo na huminga nang mas madali habang natutulog. Kung mayroon kang mga alerdyi, bawasan ang dust mites at pet dander sa iyong silid-tulugan o gumamit ng allergy medication.

Alcohol, paninigarilyo, at mga gamot.

Ang pag-inom ng alak, paninigarilyo, at paggamit ng ilang mga gamot, tulad ng mga tranquilizer kagaya lamang ng lorazepam (Ativan) at diazepam (Valium), ay nakapagpapataas sa estado ng pagpapahinga ng kalamnan na maaring humantong sa mas maingay na hilik. Kung maaari, tumigil sa paninigarilyo. Kung naninigarilyo ka, ang iyong tyansa na humilik ay mas mataas. Ang paninigarilyo ay nakapagpapahina ng mga lamad sa ilong at lalamunan na maaaring harangan ang mga daanan ng hangin at maging sanhi ng hilik. Iwasan rin po ang alkohol, mga tabletas sa pagtulog, at mga sedatives dahil pinaparelaks nito ang mga kalamnan sa lalamunan at nakakagambala ito sa paghinga. Makipag-usap din sa iyong doktor tungkol sa anumang mga iniresetang gamot na kinukuha mo, tulad ng hinihikayat ng ilan sa mas malalim na antas ng pagtulog na maaaring humantong sa hilik na mas malala.

Posisyon sa pagtulog.

Ang pagtulog ng flat sa iyong likod ay humihikayat sa laman ng iyong lalamunan upang magpahinga at harangan ang daluyan ng hangin. Ang pagpapalit ng posisyon ng pagtulog ay makakatulong. Sundin lamang po ang matalinong payong ito: Matulog sa iyong tagiliran sa halip na sa iyong likod. Ang pagpapataas ng iyong ulo ng apat na pulgada ay maaaring makatulong rin upang hikayatin ang iyong dila at panga na sumulong. Sa katunayan, may mga partikular na dinisenyong unan na magagamit upang makatulong na maiwasan ang hilik.

Seryosong mga sanhi ng paghilik

Maaaring may koneksiyon ang iyong paghilik sa malubhang disorder sa pagtulog na kung tawagin ay sleep apnea. Ito ay ang malubhang kalagayan na kung saan ang iyong paghinga ay madalas at paulit-ulit na tumitigil.

Maaari kang may sleep apnea kung humihilik ka nang malakas, at nakakaramdam ka ng pagod pagkatapos mong matulog sa buong gabi. Kung nakakaranas ka ng labis na paghilik, komunsulta lamang po sa pinakamalapit na doktor at otolaryngologist o doctor ng tainga, ilong at lalamunan (ENT) para sa medical na tulong. Maaari nilang irekomenda ang ilang gamot at kung minsan kapag ang paghilik ay malala na, ilang medical na aparato o pamamaraan ng operasyon.

Ang mga mabagong pagsulong sa paggamot ng hilik ay ginagawa sa lahat ng oras at ang mga aparato na ginagamit sa pagtugon sa problemang ito ay nagiging mas epektibo at kumportable. Kung ang ilang mga medikal na paggamot ay hindi gumana sa iyo, huwag sumuko. Subukan ang iba pang mga alternatibo. Ang importante, maaagapan nito ang labis na paghilik mo.

Sa kalaunan,mapapanatag ka rin dahil mararanasan mo ang mainam at tahimik na tulog sa gabi na talaga namang magdudulot ng mabuting kalusugan sa katawan, magandang kalagayan at matatag na relasyon sa iyong asawa at mga mahal sa buhay!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Solusyunan ang Problema sa Hilik sa Pamamagitan ng Simpleng Pamamaraan at Gamot!
4 (80%) 1 vote

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!