Search

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pananakit ng Batok

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pananakit ng Batok

Ang artikulong ito ay tatalakay sa sakit ng batok o leeg. Tuturuan din tayo kung anu-ano ang first aid sa masakit ang batok.

Ano ang pananakit sa batok?

Ang leeg kasama na ang batok ay gawa sa buto o vertebrae na kumukonekta sa bungo papuntang upper turso. Ang mga buto, legaments at kalamnan ay siyang sumusuporta sa ulo mo at siyang nakatutulong para makagalaw ka ng maaayos. Ang anumang abnormalidad, pamamaga, at pinsala ay maaaring maging sanhi ng sakit sa batok o leeg.

Maraming tao ang nakararanas ng pananakit ng batok at leeg panapanahon. Sa maraming mga pagkakataon, dahil ito sa hindi tamang postura o sobrang paggamit ng mga kalamnan sa leeg. Kung minsan, ang pananakit ng batok ay dahil sa pinsala na dala ng aksidente at laro.

Madalas, ang pananakit ng batok ay hindi naman lubhang seryoso at nawawala lamang sa loob ng ilang araw. Sa ilang mga kaso, ang pananakit ng batok ay sintomas ng isang seryosong karamdaman na nangangailang matingnan ng doktor. Kung ikaw ay may sakit sa batok na hindi nawawala sa loob ng mahigit isang linggo, malalang pananakit o may kasamang iba pang sintomas, kailangan moa gad mag patingin sa doktor.

Ano ang sanhi ng pananakit ng batok o leeg?

Tulad ng nasabi na, ang pananakit ng batok ay kadalasan nang hindi naman seryoso at nawawala lang pagkaraan ng ilang araw.

Narito ang ilan sa mga dahilan ng pananakit ng batok:

Tensyon kalamnan ng leeg. Ito ay karaniwang dahil sa mga gawain at pagkilos tulad ng: maling postura, pagtrabaho o pag-upo ng napakatagal na hindi binabago ang posisyon, pagtulog ng mali ang posisyon, pagpwersa sa leeg sa panahon ng ehersisyo at pinsala dulot ng aksidenta.

Ang leeg ay madaling mapinsala lalo na kung ikaw ay mahulog, maaksidente sa sasakyan o sa laro. Ito ay dahil sa ang mga kalamnan at ligaments ng leeg ay na pupwersang mabinat ng sobra sa normal. Kung ang mga buto sa leeg ang mapinsala, ang spinal cord ay maaari ring maapektuhan.

Atake sa puso. Ang sakit sa batok ay maaari ring maging sintomas ng atake sa puso, subalit kadalasan itong kasabay ng iba pang sintomas ng atake sa puso tulad ng:

  • Kahirapan sa paghinga
  • Pagpapawis
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng kamay o panga

Kung ang iyong batok ay sumasakit ay napansin mong meron ka rin ng iba pang sintomas ng atake sa puso, tumawag ka na ng ambulansya o pumunta na agad sa emergency room.

Ang pananakit ng batok ay isa rin sa mga pangunahing sintomas ng highblood. Kaya kung dati ka nang nakararanas ng alta presyon at sumakit ang iyong batok, magtungo na agad sa ospital.

Meningitis. Ang meningitis ay isang uri ng pamamaga na nakakaapekto sa manipis na tissue na nakapalibot sa utak at spinal cord. Sa mga taong may meningitis, ang lagnat at pananakit ng ulo kadalasan nang may kasamang pananakit ng batok. Ang meningitis ay nakamamatay kaya ito ay isang medikal na emercency. Kung ikaw ay may sintomas ng meningitis, kailangan mong humingi agad ng tulong.

Sa ilang bibihirang mga pagkakataon, ang pananakit ng batok ay dahil sa:

  • Mga abnormalidad mula pa ng pagkapanganak
  • Mga impeksyon
  • Pagkakaroon ng abscess
  • Pagkakaroon ng tumor
  • Kanser sa spinal cord

Sakit sa batok: Kailan ba dapat sumangguni sa doktor?

Kung ang mga sintomas ng pananakit ng batok ay hindi parin nawawala sa loob ng mahigit isang linggo, kailangan mo nang magbisita sa doktor. Kailangan mo ring magpacheck-up kung ikaw ay nakararanas ng mga sumusunod:

  • Matinding pananakit ng batok o leeg ng wala namang nakikitang dahilan
  • May nakakapa kang bukol sa leeg
  • Ikaw ay may lagnat
  • Masaki tang ulo mo
  • Namamaga ang iyong kulani
  • Pagsusuka
  • Nahihirapan sa paglunok ng pagkain o tubig
  • Nahihirapan sa paghinga
  • Nanghihina
  • Namamanhid
  • Pananakit ng batok na umaabot sa mga kamay at paa
  • Hindi mo maikilos ang iyong mga kamay o paa
  • Hindi mo maigalaw ang iyong baba papuntang dibdib
  • Hindi makaihi o makadumi

Kung ikaw ay naksidente o nahulog sa isang mataas na lugar at sumasakit ang iyong leeg, kailangang pumunta ka agad sa doktor para matulungan ka.

Paano ginagamot ang sakit sa batok

Ang iyong doktor ay magsasagawa ng pisikal na pagsusuri at kukunin niya rin ang iyong kumpletong medical history. Maging handa na sabihin sa doktor moa ng mga sintomas na nararamdaman mo. Kailangan mo ring ipaalam sa kanila ang mga gamot na iniinom mo, kasama na ang mga food supplements na binili mo sa botika. Kahit na sa tingin mo ay parang wala namang kaugnayan sa kasalukayang pananakit ng iyong batok, sabihin mo parin kung ikaw ay nagkaroon ng aksidente ng nakaraang mga araw o linggo.

Ang gamot sa pananakit ng batok ay nakadepende sa kung ano ang resulta ng pagsusuri saiyo. Karadagdagan pa sa physical exam na isinagawa sa iyo, baka kailanganin mo pang sumailalim sa alinman sa sumusunod na mga pagsusuri para matukoy ang pinakadahilan ng pananakit ng iyong batok.

  • Pagsusuri sa dugo
  • CT scan
  • MRI scan
  • Electromyography
  • Lumbar tap

Depende sa resulta ng mga pagsusuri saiyo, ang iyong doktor ay maaaring magrefer sa iyo sa isang espesyalista.

Ang mga sumusunod ay ang mga pwedeng gawin saiyo bilang gamot sa pananakit ng batok:

  • Ice at heat therapy
  • Pag ehersisyo, pag unat unat at physical therapy
  • Gamot sa pananakit
  • Pag ineksyon ng corticosteroid
  • Pamparelaks ng mga kalamnan
  • Antibiotic kung ikaw ay may impeksyon
  • Pago opera, bibihita lamang isagawa

May mga alternatibong mga paggagamot na maaari ring isagawa saiyo tulad ng:

  • Acupuncture
  • Panggagamot na chiropractic
  • Pagmamasahe

Siguraduhin lamang na lisensyado ang mga taong magsasagawa saiyo ng mga pamamaraang ito.

First aid sa masakit ang batok

Paano ba maiibsan ang pananakit ng batok kung ikaw ay nasa bahay? Kung ikaw ay may hindi naman malalang kaso ng pananakit ng batok, pwede mong sundin ang ilan sa mga steps bilang first aid sa masakit ang batok na nakalista dito:

Maglagay ng yelo sa unang mga araw. Pagkatapos niyan, maglagay ng hot towel o hot compress o maligo ng maligamgam na tubig.

Uminom ng over the counter na gamot para sa pananakit tulad ng ibuprofen o paracetamol.

Huwag munang maglalaro ng pisikal na mga isports. Magpahinga muna sa mabibigat na mga gawain. Bumalik lamang sa normal na mga aktibidad kung ang mga sintomas ay mawala na.

Mag ehersisyo ng leeg araw araw. Marahang igalaw ang ulo sa kaliwa at sa kanan, taas at mababa.

Ugaliin ang tamang pagtayo o pag upo.

Palaging baguhin ang iyong posisyon. Iwasan ang pag upo o pagtayo ng hindi gumagalaw sa loob ng mahabang panahon.

Masahihin ang leeg ng marahan. Makakatulong din ang paggamit ng neck pillow sa pagtulog.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pananakit ng Batok
4.7 (93.33%) 3 votes