Search

Sakit sa Tagiliran: Ano ang Sanhi ng Pananakit ng Kanan o Kaliwang Tagiliran

Sakit sa Tagiliran: Ano ang Sanhi ng Pananakit ng Kanan o Kaliwang Tagiliran

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Sakit sa Tagiliran: Ano ang Sanhi ng Pananakit ng Kanan o Kaliwang Tagiliran
5 (100%) 1 vote

Masakit ba ang iyong likod o ang iyong tagiliran? Kung minsan ang sakit ay maaring maramdaman sa kanan o kaliwang tagiliran. Nangangamba k aba kung ano ang sanhi ng sakit sa tagiliran mo?

Ang sakit sa tagiliran o pananakit ng tagiliran ay isa sa mga sakit sa nagpapahirap sa mga Pinoy, lalo na sa mga mangangawa. Ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng mga kasagutan sa mga tanong may kaugnayan sa sakit sa tagiliran; maging ito ay pananakit ng kanang tagiliran o sakit sa kaliwang tagiliran.

Sakit sa kaliwang tagiliran

Sakit sa kaliwang tagiliran? Hindi ka nag-iisa, marami ang pinahihirapan ng ganitong uri ng kundisyon. Kadalasan na, ang pananakit ng kaliwang tagiliran ay pinagmumulaan ng pangamba. Bago ka magisip ng kung anu-ano, heto ang posibleng mga dahilan ng sakit sa kaliwang tagiliran.

Pagkapunit ng kalamnan. Ang pagkabugbog o pagkapunit ng mga kalamnan sa kaliwanmg bahagi ng likod ay maaaring maging sanhi ng pananakit sa kaliwang bahagi ng tagiliran. Malamang na nabugbog ang iyong mga muscles habang ikaw ay naglalaro ng paborito mong sports. Baka nagkamali ang posisyon ng pagtulog mo kagabi kaya masakit ang tagiliran mo ngayon. Muscle strain ang tawag sa ganitong uri ng pananakit.

Dahil sa ito ang pangunahing sanhi ng sakit sa kaliwang tagiliran, dito magsisimulang magsuri ang iyong doktor. Magtatanong siya tungkol sa iyong medical history at magsasagawa ng pisikal na pagsusuri para malaman kung may napunit na kalamnan, may pananakit kapag nagsasagawa ng ehersisyo, at panghihina ng kalamnan.

Bagaman ang pananakit ay malubha, ito ay muscle strain lamang kung ito ay mawala sa loob ng ilang araw.

Sakit sa kaliwang tagiliran na nanggagaling sa panloob na mga organo

Kung ang sakit sa kaliwang tagiliran ay hindi naman dahil sa problema sa mga kalamnan, malamang na tingnan ng iyong doktor ang iyong mga internal organs. Bagaman bibihira itong mangyari, ang iyong kaliwang tagiliran ay maaaring magkaroon ng pananakit dahil sa problema sa iba’t ibang mga organo tulad ng:

Ang mga sintomas ng sakit sa kaliwang tagiliran na dahil sa isang problema sa internal organ ay maaaring iba iba depende sa kung anong organo ang apektado. Ang iyong kamakailang medical history ay makakatulong para matukoy kung alin sa mga organo ang pinanggagalingan ng iyong mga sintomas. Ang mga pagsusuri tulad ng x-ray, CT scan at pagsusuri sa dugo ay maaaring hingiin ng doktor para matukoy kung anong partikular na organo ang may problema.

Pananakit ng kanang tagiliran

Ang pananakit ng kanang tagiliran ay maaaring dahil sa pinsala na tinamo ng mga kalamnan at muscle tendons, problema sa spinal cord o mga sakit may kaugnayan sa mga internal organs. Sa normal na kalagayan, ang katawan ay may kakayahang pakisamahan ang mga pinsala sa kanang tagiliran. Subalit, iminumungkahi namin na kumunsulta ka sa doktor mo kapag ang pananakit ng kanang tagiliran ay nakaka abala na sa iyong pang-araw araw na mga gawain.

Sa ilang mga kalagayan, ang pananakit ng tagiliran ay mararamdaman sa kanang bahagi lamang imbes na sa buong likod. Ang pag-alam sa posibleng dahilan ng pananakit ng kanang tagiliran, at ang mga karaniwang sintomas nito ay maaaring makatulong sa tamang diagnosis at epektibong gamutan.

Mga sanhi ng pananakit ng kanang tagiliran

Ang sakit sa tagiliran ay karaniwan nang resulta ng sumusunod na mga kalagayan:

  • Pinsala sa mga kalamnan at litid na nakapalibot at nagsusuporta sa spine.
  • Mga problema sa gulugod
  • Mga sakit na nakakaapekto sa mga internal organ na nasa gitna ng likod, tiyan at baywang

Iminumungkahi ang pakikipagkita agad sa doktor kung ang pananakit ng tagiliran sa kanang bahagi kung ito ay mas lumalala paglipas ng ilang araw, o kung ito ay bigla na lamang na sumasakit o kung may kasama itong iba pang sintomas.

Tulad nang nabanggit na, karamihan sa mga kaso ng pananakit ng kanang tagiliran ay dahil sa hindi naman gaanong malalang mga pinsala sa mga kalamnan at kadalasan nang kaya ng katawan na paggalingin ang sarili sa ganitong mga kalagayan. Bagaman ang ganitong uri ng sakit sa tagiliran ay maaaring magdulot ng matinding pananakit, ito ay mawawala lamang pagkaraan ng ilang araw.

Sa ilang mga pagkakataon, ang pananakit ng tagiliran sa bandang kanana ay maaaring palatandaan ng isang seryosong karamdaman. Halimbawa, ang mga sumusunod na mga karamdaman ay may sintomas na pananakit ng tagiliran sa bandang kanan.

Appendicitis. Ang sakit na ito kung ang appendix na nasa kanang bahagi ng tiyan ay mamaga o pumutok. Ito ay maaaring magdulot ng matinding pananakit sa kaliwang tagiliran. Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang pagkahilo, pagsusuka o lagnat. Ang mga sintomas na ito ay maaaring maramdaman ng biglaan o paunti-unti.

Abdominal aortic aneurysm. Ang sakit na ito ay ang paglobo o pagputok ng abdominal aorta. Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang matindi at biglaang pananakit ng tiyan o likod, pagbaba ng presyon ng dugo, pagkahilo at pagkawala ng malay.

Osteomyelitis. Ang sakit na ito ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa gulugod o spine. Kung ikaw ay may impeksyon sa spine, makakaranas ka ng matinding sakit sa tagiliran, likod at lagnat. Ang iba pang sintomas ay kinabibilangan ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang at posibleng pamamaga at pamumula sa palibot ng spine.

Dapat na maging alisto ang mga tao kapag nakakaramdam na anong sintomas may kaugnayan sa tagiliran, sa bandang kanan man ito o kaliwa. Kailangan mong magpacheck-up kung ang pananakit ng tagiliran ay napakasakit anupa’t nahahadlangan na nito ang iyong pang-araw araw na mga gawain tulad ng paglalakad, pagtayo o pagtulog. Magkonsulta rin sa doktor kung ang pananakit ay hindi naaalis ng pag inom ng over the counter na mga gamot sa sakit.

Tandaan na ang mga nabanggit ay hindi ilinista para maging isang kumpletong batayan ng lahat ng posibleng mga sanhi ng pananakit ng tagiliran. May mga sakit na maaaring makuha sa pagdaan ng panahon tulad na lamang ng fibromyalgia o ankylosing spondylitis, na maaaring maka-apekto sa kalakhang bahagi ng mga sistemang kailangan para makakilos ng maayos.