Search

Gamot Sa Singaw: Mga Dapat Gawin Para Mabawasan Ang Sakit

Gamot Sa Singaw: Mga Dapat Gawin Para Mabawasan Ang Sakit

Naranasan mo na bang magkaroon ng singaw? Yun bang pakiramdam na gusting gusto mong kumain subalit nanapipigilan ka ng biglang pagsakit pag nasagi ng iyong iyong ngipin o pagkain ang iyong sugat? Ang singaw sa dila o bibig ay isang pangkaraniwang sakit sakit nating mga Pinoy. Basahin mo ang artikulong ito upang maunawaan mo ang ilan sa mga kaalaman na dapat mong malaman tungkol sa singaw tulad ng:

  • Ano ang singaw?
  • Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng singaw?
  • Ano ang mga sintomas ng singaw?
  • Ano ang gamot sa singaw?
  • Paano ba maiiwasan ang singaw?

Ano ang singaw?

Ang singaw o canker sore ay isang maliit at mababaw na sugat na matatagpuan sa bibig. Ito ay nagiging sanhi ng kahirapan sa pagsasalita o pagnguya ng pagkain sa mga taong meron nito.

May dalawang uri ng singaw. Simpleng singaw ang tawag sa singaw na maaaring dumapo saiyo tatlo hanggang apat na ulit kada taon. Ito ay pangkaraniwan at maaring tumagal ng hangang dalawang linggo. Ito ay madalas na dumapo sa mga taong may sampu hanggang 20 taong gulang. Ang komplikadong singaw naman ay mas bihira at madalas na dumapo sa mga taong dati nang nagkaroon nito.

Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng singaw?

Ang eksaktong dahilan ng pagkakaroon ng singaw sa bibig ay hindi pa matukoy hanggang sa mga panahong ito. Ang pagkasugat ng mga tissue sa bibig ay siyang itinuturing na pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng pangkaraniwang singaw. Ang pangkain ng maaasim na mga prutas tulad ng lemon, pinya at manggang hilaw ay sinsabing maaring pagmulan o magpalala ng singaw. Ang matatalim na ngipin at pustiso say maaari ring makasugat sa bibig at pagmulan ng singaw.

Ang ilang kaso ng komplikadong singaw ay sanhi ng pagkakaroon ng isang partikular na kondisyong medikal tulad ng mahinang immune system, kakulangan sa bitamina B-12, zinc, folic acid o kakulangan sa iron. May ilang sakit sa sikmura na maaaring magdala ng singaw tulad ng celiac disease o Crohn’s disease.

Pareho ba ang singaw at ang baklay? Hindi, subalit ang cold sore o baklay at ang singaw ay kadalasan ng napagkakamalang magkapareho. Ang baklay ay mga paltos na may lamang tubig. Ang baklay ay lubhang napakasakit. Hindi tulad ng singaw, ang baklay ay sanhi ng virus at lubhang nakakahawa. Ito ay kadalasang tumutubo sa labas ng bibig , sa may ibaba ng ilong o sa baba, samantalang ang singaw ay tumutubo lamang sa loob ng bibig.

Ano ang mga sintomas ng singaw?

Ikaw ay may singaw kapag nararamdaman mo ang sumusunod na mga sintomas:

  • Mayroon kang nararamdamang masakit na pamamaga sa loob ng iyong bibig – sa dila o san gala-ngala o sa loob ng pisngi
  • May mahapdi ngunit mababaw na sugat sa alin mang bahagi ng bibig
  • Paltos sa bibig bilog, puli o abuhin ang kulay na may mapulang gilid.

Ang malubhang singaw ay may kasamang:

  • Lagnat
  • Panghihina
  • Namamagang kulani

Ano ba ang gamot sa singaw?

Ang sakit na iyong nararamdaman na dala ng singaw sa bibig o sa dila ay kadalasan nang nababawasan sa pagdaan ng mga araw. Ang singaw ay madalas nang gumagaling kahit na hindi ginagamot ng doktor sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Kung ang iyong singaw ay lalong lumalaki at sumasakit na para bang hindi gumagaling, baka kailanganin moa ng pagbisita sa iyong doktor o dentista. Magreriseta sai Doc ng mabisang pang-mumog na may antimicrobial properties para labanan ang posibleng impeksyon na dumapo saiyo. Maaari din siyang magbigay ng ointment na pangpahid o pain killers para matulungan kang makayanan ang pananakit.

May mga alternatibong gamot din na pwede mong subukan sa bahay. Narito ang mga ilan:

Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin – Ang asin ay nakapagpapalabas ng fluid sa laman ng tao. Kapag ikaw ay may singaw, ang apektadong bahagi ng iyong bibig ay namamaga dahil sa pagkaipon ng fluid sa iyong sugat, Ito ay kayang palabasin ng asin na nasa iyong pangmumog. Ito rin ang dahilan kung bakit ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin ay nakapagpapabawas ng sakit ng masakit na lalamunan. Ang maligamgam na tubig din ay kilalang taga alis ng pananakit at pamamaga. Ang asin ay mayroon ding antibiotic property na nagtatanggal ng impeksyon.

Kumuha ng ¼ na cup ng mainit na tubig at ihalo dito ang ½ na kutsaritang asin. Imumog ito tatlong beses kada araw hanggang sa mawala ang singaw.

Magmumog ng tubig na may aloe vera – Ang aloe vera ay kilalang-kilala sa buong mundo bilang ang hari o reyna ng mga halamang nakapagtatanggal ng sakit. Ang gulaman na makukuha sa aloe vera ay subok na pantanggal ng sakit hindi lang sa sunburn kundi pati na rin sa singaw. Siguraduhing organic ang dahon ng aloe vera na gagamitin mong pang mumog. Kumuha ng isang kutsara ng tubig at tunawin dito ang isang kutsara ng gulaman ng aloe vera. Imumog ito nang tatlong beses kada araw hanggang matanggal ang singaw.

Gumamit ng coconut oil – Ang coconut oil ay mabisang antibiotic at panglaban sa pamamaga. Bukod sa hindi masama ang lasa nito, ito ay garantisadong gamot para maibsan ang sakit na dala ng singaw! Kumuha ng coconut oit at ilagay ito sa ito cotton buds at ipahid sa apektadong bahagi ng bibig. Siguraduhing dumikit ito sa singaw ng ilang minuto upang maramdaman ang dala nitong lunas.

Paano ba maiiwasan ang pagkakaroon ng singaw?

Baga man walang gamot sa singaw, ito ay kadalasang bumabalik ilang beses bawat taon. Narito ang mga paraan upang mabawasan ang dalas ng pagkakaroon ng singaw.

  1. Pagiwas sa mga pagkaing maaasim at maaanghang
  2. Pagiwas sa paggunya ng chewing gum
  3. Paggamit ng malambot na toothbrush na hindi nakakasugat sa bibig at dila

Kailangan mong bumisita sa dentista kapag:

  • Tinubuan ka ng malaking singaw
  • Ang sugat ng singaw ay parang kumakalat
  • Hindi maalis-alis na singaw sa loob ng 3-4 na linggo
  • Malubhang pananakit kahit uminom ka na ng pain reliever at umiiwas ka na sa mga pagkaing nakapagpapalala ng sakit
  • Nahihirapan kang uminom ng tubig dahil sa sakit
  • Mataas na lagnat kasabay ng paglitaw ng malalaking singaw.

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO