Search

Sintomas ng Dengue: Mga Dapat Gawin Kapag May Dengue

Sintomas ng Dengue: Mga Dapat Gawin Kapag May Dengue

Alam mo ba na ang tag-ulan dito sa Pilipinas ay halos magkasing kahulugan ng biglaang paglala ng mga kaso ng dengue? Nito lamang nakaraang mga taon, daang libong Pilipino na ang tinamaan ng dengue at daan-daan na ang namamatay. Gusto mo bang matuto ng higit pa tungkol sa sakit na ito? Paguusapan natin ang ilang sa mga sagot sa mga katanungan tungkol sa sakit na dengue.

  • Ano ang dengue?
  • Ano ang sintomas ng dengue?
  • Paano sinusuri ang dengue?
  • Ano ang gamot sa dengue?
  • Paano makaiiwas sa dengue?

Ano ba ang dengue?

Ang dengue ay isang sakit na dala ng lamok. Ito ay pangkaraniwan sa mga trokal at sub-tropikal na bahagi ng mundo kung saan mainit ang klima. Ang hindi gaanong malalang kaso ng dengue ay nagdadala ng mataas na lagnat, mga pantal at pananakit ng mga kalamnan at mga kasukasuan. Ang malalang dengue ay sanhi ng pagdurugo, paghina ng presyon ng dugo at pagkamatay.

Ang dengue ay sanhi ng isa sa apat na mga virus na nagdadala ng sakit. Ang virus ay sadyang tumitira sa katawan ng lamok na Aedis egypti at naisasalin ito sa mga taong makakagat nito.

Milyon-milyong kaso ang naitatala sa buong mundo taon taon. Ang dengue ay pangkaraniwan dito sa South East Asia kasama na ang Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit kailangang palawakin pa ang pamamahagi ng impormasyon para maiwasan ang sakit na dengue.

Ano ang sintomas ng dengue?

Kapag ikaw ay nahawa ng dengue virus sa kagat ng lamok, kakikitaan ka ng mga sintomas nito pagkaraan ng apat hanggang anim na araw. May ibang kaso na inaabot pa ng sampung araw bago sila kakitaan ng mga sumusunod na mga sintomas.

  • Biglaang pagkakaroon ng mataas na lagnat
  • Biglaang pagsakit ng ulo
  • Pagsakit ng mata
  • Matinding pagsakit ng mga kalamnan at kasukasuan
  • Pagkahapo
  • Pagsusuka
  • Pamamantal, na maaaring magpakita pagkaraan ng ilang araw na pagkakaroon ng lagnat
  • Pagdurugo, kasama dito ang pagdurugo ng ilong at gilagid
  • Pagkakaroon ng mga pasa sa katawan

Kung minsan, ang mga sintomas ng dengue ay hindi malala anupa’t napagkakamalan itong sintomas ng trangkaso. Ang mga bata ay madalas na magkaroon ng di malalang sintomas kumpara sa mga matatanda. Subalit kung ito ay pababayaan ay maaaring magdulot ng mas komplikadong mga problema. Pwede itong mauwi sa tinatawag na dengue hemorrhagic fever, isang bihira ngunit malalang kaso ng napakataas na lagnat at pagkasira ng mga ugat na daanan ng dugo, tuloy-tuloy na pagdurugo ng ilong at gilagid at biglaang pamamaga ng atay. Maaari din itong maging dahilan ng pagtigil ng sirkulasyon ng dugo sa katawan na maaaring ikamatay.

Ang mga tao na may mahinang immune system at mga dating nang tinamaan ng dengue fever ay mas malamang magkaroon ng hemorrhagic fever.

Paano ba sinusuri ang sakit na dengue?

Sinusuri ng mga doktor ang dugo ng taong may ganitong mga sintomas para makita kung positibo sa virus ang dugo. Kung ikaw ay nagkasakit ilang araw matapos ang pagbisita sa lugar kung saan may dengue outbreak, sabihin agad ito sa doktor na nagangalaga sa’yo. Makakatulong ito upang masuri ka sa posibleng pagkakaroon ng mga sintomas ng sakit.

Ano ba ang gamot sa dengue?

Nakalulungkot isipin na ang wala pang gamot sa dengue fever. Subalit ang dengue ay kusang nawawala kung ang iyong katawan ay may malakas na immunity. Kung ikaw ay may dengue, kailangan mo na komunsulta agad sa pinakamalapit na hospital. Bibigyan ka doon ng sapat na pangangalaga upang mapanatili ang iyong tubig sa katawan. Babantayan ng hospital ang anumang mga pagbabago sa mga sintomas na nakikita sa iyo. Ikaw ay palalakasin na uminom ng maraming tubig at kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas.

Tandaan: ang basta-bastang paginom ng gamot sa sakit ng katawan ay hindi irinirekomenda sa mga taong posibleng may dengue. Ang pagginom ng gamot tulad ng aspirin ay magpapalala lamang sa pagdurugo. Kaya kung ikaw ay may sakit at nagdududa na baka ikaw ay may dengue, magpadala agad sa doktor!

Gamot sa dengue – Herbal na lunas?

Nitong mga nakaraang taon, naging mas matindi ang dengue dito sa Pilipinas. Ngunit sadyang matatalino ang mga Pilipino, nadiskubre nila na ang pag-inom ng nilagang dahon ng tawa-tawa o Euphorbia hirta ay nakatutulong upang magpataas ng platelets ng mga taong may dengue. May mga pagaaral na ngayon na isinasagawa upang patunayan o pabulaanan ang ganitong mga report. Sinasabi ng mga siyentista na mukhang positibo ang resulta ng kanilang naunang mga pagsusuri, kaya nsinasabi nila na pwedeng uminom ng nilagang dahon ng tawa-tawa ang mga pasyente ng dengue subalit tiyaking mabigyan sila ng lunas sa ospital.
Hindi naman sang-ayon sa naturang pahayag ang Department of Health o DOH. Idinidiin nila may iba’t ibang variety ang tawa-tawa kaya’t mahirap tukuyin kung alin sa mga ito ang nakagagamot o nakapipinsala. Sinabi pa ng tagapahayag ng DOH na napakaaga pa para sa mga siyentipiko ang magrekomenda sa halamang gamot kaya hindi nila ito mairerekomenda.

Nagawan ng paraan ng mga tagapagsaliksik na maihiwalay ang kemikal sa halamang ito na nakapagpapataas ng blood platelets kaya umaasa ang DOH na magiging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Paano ba maiiwasan ang dengue?

Ilinabas na ng DOH ang anunsyo na makabibili na bakuna para sa dengue. Ngunit kamakailan lamang, lumabas ang mga balitang isang batang lalaki ang namatay matapos na turukan ng bakuna sa dengue. Ito ang dahilan kung bakit ang ilan sa atin ay nag dadalawang isip na magpabakuna, kahit ito ay libre.

Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong isagawa para hindi ka makagat ng lamok na nagdadala ng dengue:

  • Itapon ng maayos o takpan ang mga bagay na maaring pamugaran ng kiti-kiti, tulad ng mga gulong, lata o mga boteng plastic
  • Linisin ng regular ang mga lalagyan ng tubig tulad ng flower vase at inuman ng mga alagang hayop
  • Linising maayos ang mga alulod ng bahay para hindi pamugaran ng lamok
  • Lagyan ng screen ang mga bintana at pinto para mabawasan ang mga lamok na nakakapasok sa loob ng bahay
  • Paglalagay ng mosquito repellent sa balat

Ang pag-iwas ay talagang mas mainam kaysa sa pagpapagamot. Kung magtutulungan ang bawat isa sa atin sa pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad, makakasiguro tayo na magiing ligtas tayo laban sa dengue!

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO