in

Alamin Kung Ano Ang epektibong Gamot sa Asthma!


ad

Ang asthma ay isang pangkaraniwang sakit sa paghinga hindi lamang ng mga bata kundi pati na ng mga matatanda. Ang artikulong ito ay makakatulong sa iyo na lunasan ang pagkakaroon ng asthma.

Ano ba ang asthma?

Una sa lahat, ang sakit na ito ay pangkaraniwan sa ating mga kababayan, mga bata man o matanda ay wala itong pinipili. Isa itong pang matagalan at pabalik-balik na sakit na kung saan ang iyong baga o lungs ang naaapektuhan. Paliwanag ng mga eksperto, ang asthma sa ingles ay ang pamamaga ng bronchial tubes. At kapag ito ay namaga, nagiging sanhi ito ng pagkipot ng daanan ng hangin sa ating baga.

Ano ang mga pangunahing sanhi ng asthma?

Ayon sa mga doktor, merong ibat ibang sanhi ang asthma at kabilang na riyan ang mga sumusunod na ito:

Maruming kapaligiran

Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyo na lahat tayo ay may asthma? Totoo! Lahat tayo ay mayroon nito simula pa lamang pagkabata. Meron lamang mga pagkakataon na nakakapagpagising sa sakit na ito. Katulad na lamang ng polusyon, maruming hangin, mabahong amoy, alikabok, at mga usok.

Henetiko (Genetics)

Tama, namamana ang sakit na hika o asthma, at karaniwang naaapektuhan nito ay mga bata dahil mahina pa ang kanilang panlaban o immunity. Sa pagtagal ng panahon, may mga kaso na nawawala rin ang asthma sa pagtanda ng tao.

Medical condition

Ano ang ibig sabihin nito? Pansinin ninyo ang mga bata, kadalasang inaatake sila ng asthma sa tuwing sila ay may sipon, ubo, o kaya naman lagnat. Sa medisina, ang asthma ay isang allergy o alerhiya, at madalas na inaatake nito ang mga taong partikular na ang mga batang mahina ang resistensya o immune system.

Narito ang ilan pa sa mga sanhi ng pag-atake ng hika o asthma:

  • Pisikal na aktibidad (napapagod ang katawan)
  • Kapag natuyuan ng pawis sa likod lalo na sa mga bata
  • Pagkain na ipinagbawal ng doktor kung may asthma katulad ng (hipon, at iba pang lamang dagat)
  • Paninigarilyo at paginom ng alak
  • Matinding emosyon dulot ng stress o depresyon
  • Mainit o malamig na panahon

Ano ang mga sintomas ng asthma?

Nahihirapan ka bang huminga? Alam mo bang hindi lahat ng taong hirap huminga ay may sakit na asthma? Opo! Sa katunayan, ang mga sintomas ng sakit na ito ay naka-depende mismo sa isang tao. Ibig sabihin magkakaiba-iba ang pinapakitang sintomas.

Halimbawa, may ilang tao akong kilala na kung atakihin ng asthma ay umaabot ng isang linggo! Ganyan katagal. Meron namang iba na isang araw lang, at ang iba naman ay oras o minuto lang ang itinatagal.

Pero ano nga ba ang mga pangunahing sanhi ng asthma? Marahil ay may alam kana dito pero nasisigurado kong hindi lahat. Kaya naman narito ang ilan sa mga sintomas ng asthma na dapat mong bantayan:

  • Pinakapangunahing sintomas ng asthma ay ang hirap sa paghinga
  • Kasabay ng problema sa paghinga, meron rin itong kasamang paninikip at pananakit ng dibdib
  • Hirap matulog kapag gabi dahil sa discomfort sa paghinga
  • Ang isang taong may asthma ay merong whistling (sipol) sound kapag humihinga
  • Madalas na pag-ubo na kung minsan ay may kasamang plema
  • Panghihina ng buong katawan
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Ang taong may asthma ay mabilis ring mapagod
  • Kung minsan ay may kasamang lagnat ang pag-atake ng asthma

Bagaman hindi lahat ng uri ng kahirapan sa paghinga ay asthma na,  mas makabubuting magpatingin ka kaagad sa doktor kung maranasan mo ang isa o ilan sa mga sintomas na ito para matukoy kung asthma nga ang nagpapahirap sa iyo.

Ibat ibang uri ng asthma

Kung inaakala mo na ang asthma ay basta asthma lang, nagkakamali ka! Maraming mga mananaliksik at mga eksperto ang nagpatunay gamit ang kanilang pag-aaral na ang asthma ay nahahati sa dalawang kategorya.

Narito ang 11 uri ng asthma na maaaring magpahirap sa iyo:

  • dala ng aspirin
  • dala ng pagtanda
  • dahil sa pagbabara ng daanan ng hangin
  • asthma dahil sa allergy
  • Non-allergic na asthma
  • asthma dahil sa pag-eehersisyo
  • asthma na nakuha sa pagtatrabaho
  • asthma na panggabi
  • asthma na dala ng malabis na katabaan
  • Cough-variant na asthma

Bawat uri nito ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang matukoy sila. Gayunpaman, ang mga sintomas ng mga ito ay halos magkakatulad lamang, nagkakaiba lamang sila sa tagal ng atake o dalas ng pag-atake.

Ano ang mabisang gamot sa asthma?

Kung pagbabasehan ang pag-aaral ng medisina, wala pa talagang gamot sa asthma, mayroon lamang mga alternatibong gamot na makakapag-bawas ng pag-atake nito. Ang mga gamot sa asthma na ito ay makakatulong rin upang mabawasan ang lala ng sintomas na dulot nito.

Gamot sa asthma gamit ang tubig: Magpakulo ng tubig pagkatapos ay palamigin ito hanggang sa katamtamang init. Gawin itong pomento gamit ang malinis na towel dalawang beses sa loob ng isang araw.

Halamang gamot sa asthma: Narito ang ilan sa mga halamang gamot sa asthma na maaaring makatulong sa iyo na maibsan ang matinding pag-atake ng asthma:

  • Talampunay – Ang halamang gamot na ito ay kahawig ng talong at isa ito sa epektibing mga natural na gamot sa asthma.

Paraan: Magbalot ng dalawang tuyong dahon ng talampunay. Sindihan ang magkabilang dulo at hithitin na parang sigarilyo tuwing ika-6 na oras. Paalala, dahan-dahan lang sa pagamit nito dahil masama ang epekto nito sa tao kapag nasobrahan.

  • Kulitis – Magpakulo ng limang murang tangkay ng kulitis, samahan ito ng bulaklak at dahon sa limang baso ng tubig. Paano ba ito inumin? Para sa matanda, uminom ng isang tasa apat na beses sa loob ng isang araw. Kalahating tasa naman para sa mga bata, apat na beses sa isang araw.
  • Sampalok – Kumumuha ng balat ng puno ng sampalok na may haba na isang talampakan. Tadtarin ito at pakuluan sa tatlong baso ng tubig sa loob ng sampong minuto. Paano inumin? Para sa matanda, uminom ng isang tasa ng pinakuluang sampalok matapos kumain at bago matulog. Kalahating tasa ulit para sa mga bata apat na beses sa loob ng isang araw.
  • Oregano – Gumawa ng oregano tea. Magpakulo ng katamtamang dami ng tubig at ilagay sa isang tasa. Kumuha ng tatlong dahon ng oregano at ibabad sa pinakuluang tubig. Hayaan itong nakababad sa loob ng 10 minuto bago inumin.
  • Bawang – Maglaga lamang ng tatlong piraso ng bawang sa ¼ na tasa ng tubig. Gawin itong tea at inumin isang beses sa loob ng isang araw.
  • Luya – Ang luya ay isa pang mahusay na panlaban sa asthma. Mayroon itong katangian na nagpapabawas ng pamamaga ng daanan ng hangin papunta sa baga dahil sa asthma.

Sundin lamang ng maayos ang mga paraan kung paano ito gamitin at gawin ito ng may pagtatiyaga hanggang sa mawala o mabawasan ang sintomas ng asthma.

Ano ang mga paraan ng pag-iwas sa asthma?

Dahil sa hirap ng buhay, kadalasan nang mga bata lamang ang binibigyan ng pangunang lunas kapag nagkakaroon ng asthma, dahil alam natin na maaaring ikamatay ng mga bata ang sobrang pag-atake ng sakit na ito. Pero sa mga matatanda, kadalasan nang ipinagwawalang bahala natin ito dahil sa mahal ng mga bilihin at hirap sa paghahanap buhay.

Pero hindi mo nanaman kailangan ang gamot sa asthma kung sa una pa lamang ay makakaiwas ka na sa pagkakaroon nito, hindi ba?

Ang sumusunod na mga tips ay makakatulong sa iyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng asthma.

  • Iwasan ang madumi at maalikabok na lugar
  • Kung pawisin ka, huwag na huwag hahayaang matuyuan ng pawis sa likod
  • Huwag rin masyadong magbabad sa init ng araw
  • Iwasan rin ang makalanghap ng pulbos o kahit na nga usok
  • Mag ehersisyo araw-araw upang lumakas ang baga at malabanan ang asthma
  • Kumain ng masustansiyang pagkain upang maging malakas ang immune system
  • Kapag malamig ang panahon, takpan ang ilong at bibig
  • Iwasan ang pagamit ng matatapang na pabango o perfume

Links

Gamot sa Hika: Ano ang Mabisang Lunas Kapag Inaatake ng Hika?

Mga Gamot sa Hika na Dapat Subukan

Mabisang Halamang Gamot Para sa Hika


ad

Written by Dr. Joshua Margallo

Residency training in UP-PGH Department of Family & Community Medicine Graduated from Matias H. Aznar Memorial College of Medicine, Cebu City in 1989. As a general practitioner I see my patients in a holistic approach and coordinate a referral to other specialists when needed. Additional services I offer are: family counseling, health and wellness promotion and preventative medicine.

Gamot sa Highblood: Pangunahing Sanhi ng Kamatayan ng Mga Pilipino

Ano Ang Mabisang Gamot sa High Blood Pressure?