Gamot sa Hadhad: Makati ba ang Iyong Singit?

Reading Time: 3 minutes

Kumakati ba ang iyong singit? Hindi mo ba mapigilang ito ay kamutin? Naku, baka hadhad na ang makati diyan sa singit mo. Sa artikulong ito, pag uusapan natin ang mga sumusunod:

  • Ano ang hadhad?
  • Anu ano ang mga sintomas ng hadhad?
  • Sinu-sino ang mga nanganganib na magkaroon ng hadhad?
  • Ano ang gamot sa hadhad?

Kaya kung naghahanap ka ng mabisang gamot sa hadhad, basahin mong mabuti ang artikulong ito.

Ano nga ba ang hadhad?

Ang hadhad o jock itch (tinea cruris) ay isang impeksyon sa balat na dala ng fungi. Ito ay kadalasang nakakaapekto sa balat sa ari, sa singit at sa puwet. Ang hadhad ay maaaring magdulot ng pangangati, at pamumula sa mainit na mga bahagi ng katawan. Ito ay maaaring tumubo ng mistulang pabilog sa balat ng singit.

Ang hadhad ay tumutubo sa mga taong malakas pagpawisan tulad ng mga atleta. Ito ay madalas ding tumubo sa mga taong sobra ang bigat.

Bagaman ang hadhad ay nakakairita, ang sakit na ito ay hindi naman seryoso. Panatilihing tuyo at malinis ang iyong singit at maglagay ng antifungal cream kung nangangati ang iyong singit. Ang pagpapahit ng cream sa singit ay isang mabisang gamot sa hadhad.

Ang hadhad ay kadalasang nagsisimula sa pamumula ng apektadong bahagi ng balat na kumakalat sa singit na hugis half moon. Ang gilid ng pamumula ay napapalibutan ng mga pantal na kahawig ng sa bungang araw. Ang hadhad ay napakakati na parang sinusunog. Ang balat na may hadhad ay parang makaliskis.

Ikonsulta sa doktor ang iyong nararamdaman kung ikaw ay may mga pantal sa balat na hindi gumagaling sa loob ng dalawang linggo, kahit na ginamot mo na ng antifungal cream. Malamang na nawala ito subalit bumalik pa ulit, baka kailangan mong humingi ng reseta sa doktor.

Ang hadhad ay sanhi ng isang uri ng fungus na nakakahawa sa pamamagitan ng paghihiraman ng pribadong mga gamit tulad ng tuwalya at damit. Ang hadhad ay dala ng kaparehong fungus na sanhi ng alipunga. Kaya pwede palang kumalat ang impeksyon sa paa papuntang singit sa panmamagitan ng pag punas ng tuwalya. Kaya kung ikaw ay may alipunga, sikaping magamot ito agad nang hindi na maging hadhad.

Ang organismong sanhi ng hadhad ay nabubuhay sa mamasmasa at hindi nahahanginang kapaligiran. Ikaw ay nanganganib na magkaroon ng hadhad kung:

  • Ikaw ay lalaki
  • Ikaw ay teenager
  • Ikaw ay sobra sa timbang
  • Nagsusuot ka ng masisikip na mga damit
  • Mahina ang iyong immune system
  • Ikaw ay may diabetes

Para sa hindi naman malalang mga kaso ng hadhad, maaaring magmungkahi ang doktor na gumamit ka ng over the counter na gamot sa fungi, bagaman ito ay ointment, lotion o spray. Maaaring maalis agad ang pamamantal sa pamamagitan ng mga gamot na ito subalit kailangan mo paring patuloy na maglagay nito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Kung ikaw ay may alipunga, gamutin ito kasabay ng pag gamot mo sa hadhad. Babawasan nito ang panganib na bumalik ang hadhad. Kung malala ang hadhad o hindi umiepekto ang gamot na nabili mo sa botika, baka kailangan mo ang malakas na resetang cream o ointment. Minsan, kailangan mong uminom ng isang uri ng antifungal cream bilang gamot sa hadhad.

Ang pagiging malinis sa katawan ay isa sa pinakamahusay na paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng hadhad. Ang regular na paghugas ng mga kamay ay talagang nakababawas sa posibilidad na makakuha ka nito at maipasa mo ito sa iba. Mahalaga rin na panatilihin mong tuyo at malinis ang iyong balat, lalo na sa may hita.

Regular na hugasan ang hita gamit ang sabon, patuyuin ito nang mabuti pagkatapos maligo. Maglagay ng pulbos o baby powder sa palibot ng hita dahil nakakatulong ito na mabawasan ang sobrang moisture.

Iwasan ang pagsusuot ng masisikip ng mga pantalon na makapagpapalala lamang ng hadhad. Ang masikip na pantalon o short pants ay makagagasgas sa balat, kaya ito ay mas nakahantad na sa impeksyon. Baka pwedeng magsuot ka na lamang ng boxer short imbes na boxer brief.

Makaktulong rin ang pagsusuot ng maluluwang na pang-ibaba kapag mainit o maalinsangan ang panahon. Ang maluluwang na damit ay makakatulong na mabawasan ang pamamawis na siyang gusting-gusto ng mga mikrobyo na sanhi ng hadhad. Siguraduhing labhan agad ang mga gamit sa pagwork out pagkatapos gamitin.

Ang alipunga ay isa pa sa mga impeksyon na dulot ng kaparehong fungi na sanhi ng hadhad. Kung may alipunga ka, gamutin ko na ito agad. Maiiwasan mo na mahawa nito ang singit mo sa pamamagitan ng paggamit ng magkaibang tuwalya kapag pinapatuyo ang hita at ang mga paa.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Hadhad: Makati ba ang Iyong Singit?
4 (80%) 21 votes