Gamot Sa Kabag: Ano Ba Ang Gamot sa Hangin Sa Tiyan?

Ang kabag ng tiyan ay isa sa karaniwang sakit na nararanasan ng mga Pinoy. Ano kaya ang sanhi ng kabag ng tiyan at paano ito maiiwasan? Ano ba ang gamot sa kabag? Ang artikulong ito ay tutulong saiyo upang masagot ang mga katanungan tungkol sa kabag.

Tinatalakay din sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Mga home remedy na maaring gawin sa kabag
  • Mga gamot na maaring makuha sa ating kusina at kapaligiran
  • Mga kailangang gawin upang maiwasan ang kabag
  • Mga kaugalian at gawain na dapat iwasan para hindi ka magkaroon ng kabag

Ano ang kabag?

Ang kabag ay ang pakiramdam na parang laging busog at matigas ang tiyan dahil sa pagdami ng gas sa small intestine. Kung minsan, ang pasyenteng may kabag ay nakararanas ng mga sintomas katulad ng pananakit at paghilab ng tiyan, pagtatae, kinakapus ng paghinga, at pananakit sa mababang bahagi ng likod.

Ang pangunahing dahilan ng kabag ay ang pagdami ng gas sa small intestine, kung minsan ay dahil din ito sa constipation, ulcer, anorexia, anxiety, paninigarilyo, impatso, premenstrual syndrome, pagmemenopause, at irritable bowel syndrome.

Paano ba makakaiwas sa kabag?

Narito ang mga dapat iwasan upang hindi magkaroon ng kabag sa tiyan:

Pagpupuyat at stress – Kapag laging puya ay mahihirapan kang gawin ang iyong regular na rutina araw-araw . Tumataas ang cortisol level o stress hormones ng katawan kapag lagi kang puyat. Ang cortisol at ang mataas na blood sugar na dala ng pagpupuyat ay lubhang nakaka-stress sa bituka ng tao, kaya naman pinagmumulan ito ng kabag.

Kawalan ng ehersisyo – Ang kawalan ng ehersisyo ay madalas na nagiging sanhi ng mga problema sa kalusugan, isa na rito ang kabag ng tiyan. Ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng kabag ng tiyan ay ang hangin na na-iipon sa bituka. Kapag walang ehersisyo ay ay hindi ito madaling mailabas sa sistema ng katawan kaya naman nag-dudulot ito ng kabag, ang pakiramdam na laging busog.

Mabilisang pagkain – Dapat na tandaan na ang proseso ng pagtunaw ng pagkain ay nagsisimula sa bibig at hindi sa tiyan. Ang mabilis na pagkain ay nadudulot ng kabag dahil sa maraming hangin na pumapasok sa bibig habang kumakain. Kapag mabilis ang pagkain ay hindi masyadong nagunguya ang pagkain kaya naman nahihirapan ang ating tiyan na tunawin ang ating mga kinain.

Paninigarilyo – Ang paninigarilyo araw-araw ay nagdudulot ng kabag sa tiyan dahil sa hangin na pumapasok sa tiyan na naiipon sa digestive tract. Sinasabi ng mga pag-aaral na ang mga chemicals na pumapasok sa katawan dahil sa paninigarilyo ay lubos na mapanganib sa kalusugan. Ang mga kemikal ding ito ay nagdudulot ng hindi maayos na galaw ng mga kalamnan sa sikmura na siyang dahilan ng pagkakaroon ng kabag at heartburn.

Labis na pag-inom ng mga inuming may soda – Ang mga inumin na may soda katulad ng softdrinks at iba pa ay paborito ng karamihan. Ang pag-inom ng maraming soda ay nagdudulot ng kabag sa tiyan dahil sa taglay nitong carbonated gas. Bagaman kadalasan na dumidighay pagkatapos na uminom ng softdrinks ay may natitira at naiipon paring hangin sa ating sikmura, kaya naman ng dudulot pa rin ito ng kabag ng tiyan.

Hindi pag inom ng maraming tubig – Ang hindi pag-inom ng tama ay nagdudulot din ng kabag ng tiyan, at nakasasama din ito sa ating kalusugan. Kapag kulang sa tubig o dehydrated, nagiging sanhi din ito ng kabag ng tiyan.

Pagkain ng mga processed food – Ang katawan ay nangangailangan ng asin para sa maayos na metabolic functions, ngunit ang sobrang asin ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan kabilang na ang abdominal fluid retention. Ang mga processed foods kadalasan nang naglalaman sodium o asin na nagsisilbing preservative. Ang mga pagkaing ito ay nagdudulot din ng kabag ng tiyan.

Ang isa sa pinakakilala at pinagkakatiwalaang gamot sa kabag ng tiyan ay ang Buscopan. Kung sakaling mayroong mas malalang mga sintomas ay mas makabubuti na kumunsulta sa doctor.

Ang kabag ay maiiwasan. Ngayong alam na natin ang mga dahilan nito, iwasan ang mga gawaing kinasanayan na natin na nagdudulot ng kabag ng tiyan. Kumunsulta sa doctor kung kinakailanagan.

Ano ang gamot sa kabag?

Para magamot ang kabag, dapat na lumabas sa tiyan ang sobang hangin na naipon sa small intestine.

Narito ang mga maaari mong gawing home remedy bilang gamot sa kabag:

Gumamit ng luya. Ang luya ay isang halamang gamot na kilalang mabisang lunas sa kabag. Ito ay mayroong aktibong sangkap na gingerols at shogaols na tumutulong upang mawala ang pamamaga ng bituka at maging relax ang mga kalamnan nito.

Mga hakbang sa paggamit ng luya bilang halamang gamot sa kabag:

  • Maglagay ng apat hanggang limang maninipis na hiwa ng luya sa isang cup at saka lagyan ito ng kumukulong tubig. Takapan ito at hayaan ng 10 minuto. Lagyan ito ng kaunting honey/asukal at kalamansi juice para magkalasa. Inumin ito ng tatlong beses sa isang araw.
  • Maaari ding kumain ng isang kutsaritang ginadgad na sariwang luya bago kumain ng karaniwang pagkain. Maaari ding dagdagan ng luya ang iyong karaniwang pagkain araw araw.
  • Ang mga adulto o nakatatanda ay maaaring kumain ng 0.25 to 1 gramo ng luya na ginawang powder (Ginger powder) araw-araw.

Aseite de manzanilla o chamomile oil: Mabisang gamot sa kabag

Alam mo ba na ang pinakamabisang gamot sa kabag ay nabibili sa botika kahit walang reseta ng doktor? Ang maganda pa, hindi mo na kailangang kumain at uminom ng kung ano.

Ang aseite de manzanilla ay kilalang gamot sa kabag, ito ay nabibili sa mga botika bilang anti-flatulence o anti-kabag.

Ipapahid mo lang ang langis na ito sa tiyan mo hanggang sa bandang bahagi ng iyong likuran at maya-maya ay lalabas na ang hangin sa tiyan mo.

Cabbage soup para sa kabag at ulcer

Ang sabaw ng repolyo ay nakapagpapagaling ng ulcer! 13 na mga pasyenteng may ulcer ang sinubukang gamutin gamit ang katas ng repolyo. Ang average healing time para sa 7 sa mga pasyenteng may duodenak ulcer ay 10.4 na araw lamang kumpara sa mga pasyenteng ginagamot gamit ang mga gamot sa botika na kadalasan ay umaabot ng 37 araw. Ang average healing time naman para sa 6 sa mga pasyente na may gastric ulcer na ginamot ng katas ng repolyo ay 7.3 araw lamang kumpara sa kumpara sa mga pasyenteng ginagamot gamit ang mga gamot sa botika na kadalasan ay umaabot ng 42 araw

Ang cabbage o repolyo ay may taglay na ilang mga compounds o elementong kontra-ulcer. Kaya naman kapag isinama ang gulay na ito sa pang-araw-araw na pagkain o diet, ay mas bibilis pa ang paggaling ng sakit na ulcer sa oras na sumpungin ito. Tunay ngang mabisang gamot sa kabag o ulcer ang repolyo kaya mainam na may alam kang ilang mga recipe na repolyo ang panguhaning sangkap. Narito ang cabbage soup recipe na mabisa at masarap na luto ng repolyo na maaaring gawin:

2 tasa shredded repolyo

1 tasa chopped celery

1 tasa diced patatas

½ tasa okra

½ tasa diced sibuyas

6 tasa tubig

Paraan:

Paghalu-haluin ang lahat ng sangkap na nabanggit sa 6 tasang tubig at pakuluin ito sa. Siguraduhing naka-set sa high heat ang kalan. Pakuluin nang hanggang 30 minuto o hanggang sa ang mga gulay ay may tamang lambot na. Lagyan ng ginger, oregano at cumin powder. Idagdag ang cilantro sa ibabaw ng soup bilang garnish o dekorasyon para mas maging kaaya-aya itong kainin.

Mahalagang kumain o humigop ng cabbage soup 3 hanggang 4 na beses kada linggo sa loob ng isang buwang hanggang sa bumuti ang pakiramdam at kundisyon, o at tuluyan nang mawala ang kabag o ulcers.

Kalabasa para sa kabag

Katulad ng nabanggit, isa sa mga dahilan kung bakit kinakabagan ang isang tao ay ang mabilisang pagkain. Nagreresulta ito sa hindi maayos o lubusang hindi pagkatunaw ng kinain. At, kung nakagawian na ito, maari itong mauwi sa sakit na ‘ulcer’. Huwag mabahala kung mangyari ito sa iyo. Bago ka sumubok sa mga gamot sa kabag na kadalasan ay matapang at may side effect, subukan muna ang natural remedy. Isa ang kalabasa sa mga mabibisang gamot sa kabag na natural. Ito ay tumutulong upang maiwasan ang kabag at ang paninigas ng tiyan. Mayaman ang Kalabasa sa Vitamin A, potassium at fiber na tumutulong sa malusog na panunaw.

Ang pagkain ng isang tasang kalabasa ay tumutulong upang maging maayos ang galaw ng mga kalamnan sa bituka at mabilis na mailabas ang hangin sa tiyan. Maaring i-steam, i-bake, ilaga o isama ito sa inyong mga lutuin.

Mga dapat gawin

Ang pagkakaroon ng ulcer o ano mang klase ng sakit ay magastos. Kung minsan hindi lang iisang gamot ang iniinom para maibsan ang pakiramdam. May mga panahon ding hindi iisang klase lang ng pagsusuri ang isinasagawa para matukoy ang mga dapat na gamot sa kabag. Para makaiwas sa malaking gastos, narito ang ilang mga paraang maaaring gawin nang hindi kinakailangang  bumili ng, o magbayad sa kahit na ano:

  1. Ugaliin ang pagkain ng balanced diet –  Piliin lamang ang mga uri ng pagkain na kaunti ang carbohydrate content at madaling matunaw sa tiyan katulad na lamang ng patatas, lettuce, saging at kanin. Mas maigi rin kung kakain ng unti-unti sa buong maghapon kaysa sa maramihan ang kain nang minsanan lang.
  2. Nguyain nang mabuti ang kahit na anong kinakain – Dapat, palaging nakasara ang bibig kapag ngumunguya para hindi pasukan ng hangin. Makatutulong din sa mamabilis at mabuting pagtunaw ng pagkain ang pagnguya ng nakasara ang bibig.
  3. Uminom muna ng tubig bago kumain – Makatutulong ito para mabawasan ang acid sa tiyan mo. Mabisang natural na remedy rin ito bilang gamot sa kabag lalo na kung sasabayan mo ng pag-inom ng tubig ang pagkain mo. Siguradong matutunaw kaagad ang kinain kung uugaliin mo ang pagkain nito. Magagawa mong tama ang remedyong ito kung iinom ka ng tubig kalahating oras bago kumain.
  4. Umiwas na sa pagninigarilyo – Pangkaraniwan na lamang sa maraming tao ang paninigarilyo pagkatapos kumain. Bagama’t ganito ang nakaugalian na at kung isa ka sa mga nakararaming ito, mas mabuting tigilan na ang ugaling ito. Ang hinithit mong usok ay nakapagdudulot ng sobra-sobrang hangin sa tiyan o. Nakakapagpatigas din ito ng mga arteries mo.
  5. Bawasan o hangga’t maaari, huwag nang iinom ng softdrinks at kape – alam na naman ng halos lahat ng tao na ang dalawang inuming ito ay may mataas na acid at sugar content na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng sobrang hangin sa tiyan. Kaya naman, kung mapapansin, madalas ang pagdighay ng isang taong mahilig sa softdrinks.
  6. Regular na pagpapahid ng langis – Nabanggit na ring mabisa ang natural na gamot sa kabag na ito sa unahang bahagi ng artikulo. Kaya naman, dapat na ugaliin ang pagpapahid ng langis nang madalas. Ilan sa mga langis o oil na nakakatulong maibsan ang kabag ang peppermint at chamomile oil. Samantala, pinaka-popular naman ang aziete de manzanilla bilang pamahid na gamot sa kabag ng bata man o matanda.
  7. Mag-exercise araw-araw – ang pag-e-ehersisyo nang regular ay makakatulong para magkaroon ka ng proper digestion sa katawan. Epektibo rin ang paglalakad-lakad kung ikaw ay dumaranas o nakakaramdam ng sobrang pagka-bloated ng tiyan o kinakabag.

Kapag si baby ang may kabag

Mas mahirap kung si baby ang may kabag, hindi ba? Kung hindi pa nagsasalita ang iyong anak, napakahirap intindihin ang kaniyang kundisyon. Dahil hindi niya masabi ang tunay na nararamdaman, madalas ay iniiyak na lamang niya ang discomfort na ito. Kapag may sanggol sa inyong bahay at siya ay umiiyak nang walang tigil, baka may kabag na ito. Narito ang ilang mga indikasyong maaaring obserbahan at bantayan para masiguradong may kabag nga si baby:

  1. Sobrang pagsinok o pagdighay – Mas mainam kung, sa tuwing pagkakatapos dumede ni baby ay padidighayin ito. Pero dapat tandaang ang sobrang pagdighay o pagsinok ng bata ay isa ring senyales na siya ay kinakabagan.
  2. Madalas na pag-utot – Kung si baby ay madalas na umuutot (nang nasa 15 hanggang 20 beses) sa isang araw, siguradong may kabag na siya. Malamang, hindi siya natunawan kung siya ay kumakain nan g solid food. Kung puro gatas pa lang ang pagkain niya, baka hindi mo siya napa-dighay ng maayos.
  3. Naninigas ang tiyan – Pangkaraniwan na senyales na ito ng kabag sa isang sanggol. Posibleng ito ay dahil sa sobrang hangin na pumasok sa bituka ng sanggol.
  4. Matinding paglalaway – Normal na sa isang sanggol ang paglalaway lalo na kung siya ay tinutubuan ng ngipin. Subalit may mga oras na dahil mabilis at sobra ang napakain kay baby, siya ay naglalaway ng sobra at kinakabagan.

Natural na gamot sa kabag ni baby

Maraming mga paraan bilang gamot sa kabag ng sanggol. Narito ang ilang mga epektibong pamamaraan:

  • Siguraduhing tama ang posisyon ng pagpapakain. Kung ikaw ay nagpapasuso, siguraduhing mapanatili ang leeg at ulo ni baby sa posisyong mas mataas pa sa kaniyang tiyan. Kung bottle-fed o formula naman ang pinapadede sa sanggol, padedehin siya sa vertical position at medyo nakahilig ang bote para umakyat ang hangin sa bata mula rito.
  • Padighayin habang kumakain o pagkatapos pakainin si baby. Ayon sa mga paediatrician, mabuting position ang pag-upo sa bata o pagpapatindig sa kaniya. Mainam din na posisyon ang paghawak sa sanggol sa ibabaw ng kaniyang balikat.
  • Kung breastfeeding mom ka, mainam na kumonsulta sa isang espesyalista. Dapat rin ay lagging tama ang paraan ng iyong pagpapakain. Siguraduhing alam mo kung sobrang hina o bilis ba ng iyong pagpapasuso.
  • Tamang bote lamang ang gamiti para sa formula milk o expressed breast milk. Siguraduhing malambot ang tsupon ng bote. Tama rin dapat ang flow ng gatas mula sa tsupon para hindi masobrahan si baby sa pagkain at nang sa gayon ay hindi rin kabagan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

KATULAD NA MGA ARTIKULO