Gamot sa Makating Lalamunan: Kailan Dapat Uminom ng Gamot

Reading Time: 2 minutes

Ang makati o namamagang lalamunan ay nakakairita at sagabal sa pang-araw araw na mga gawain. Gayunman, ang pagkakaroon ng makati o namamagang lalamunan ay kadalasan nang sanhi ng di gaanong malubhang medikal na kondisyon at nawawala nang hindi kinakailangan ng paggamot sa ospital. Subalit, tandaan na ang padalos-dalos nap ag-inom ng gamot ay nakapipinsala

  • Sipon
  • Laryngitis
  • Kissing disease na kadalasang nakukuha sa pakikipaghalikan
  • Pagkakaroon ng beke o ng trangkaso
  • Tonsillitis
  • Rabies

Ang mga iyan ay ilan lamang sa mga popular na sanhi ng makati o namamagang lalamunan. Ang mga impeksyong dala ng virus at baktirya ang pinakaugat ng pagkakaroon ng makati at namamagang lalamunan.
Ang pamamaga ng lalamunan na nagtatagal ng mahigit isang linggo ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:

  • Iritasyon ng lalamunan dahil sa sobrang init ng panahon
  • Sobrang paninigarilyo
  • Madalas na pagsigaw
  • Paghinga gamit ang bibig tuwing barado ang ilong
  • Pagkakaroon ng acid reflux
  • Sobrang pagkapagod

Ang sintomas ng makati at namamagang lalamunan ay maaaring iba-iba depende sa sanhi nito. Narito ang ilan sa mga palatandaan at sintomas ng makating lalamunan.

  • Makati at masakit na pakiramdam sa lalamunan
  • Ang pananakit ay lalong lumalala kapag kumakain o nagsasalita
  • Kahirapan sa paglunok
  • Pamamaga ng kulani sa leeg o panga
  • Namamaga at namumulang tonsil
  • Nana sa tonsil
  • Pamamaos ng boses

Ang pangkaraniwang mga impeksyon ay maaari ring maging sanhi ng makating lalamunan. Narito ang mga sintomas na kasabay ng makating lalamunan dahil sa impeksyon.

  • Lagnat
  • Pag-ubo
  • Baadong ilong
  • Pagbahin
  • Pananakit ng katawan
  • Pagkahilo
  • pagsusuka

Ang gamot sa makati at namamagang lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pamamaga. At dahil kadalasang sanhi ng makating lalamunan ang impeksyon na dala ng virus, mahalagang tandaan na ang paginom ng antibiotic na gamot ay hindi makakatulong upang mawala ang iyong sakit. Ang antibiotic ay hindi gamot sa anumang impesyon na dala ng virus. Ang di kinakailangang paggamit ng antibiotic ay maaaring magdulot ng allergy at matitinding side effects tulad ng pagkahilo, pagsusuka, mga pantal sa balat at pagtatae.

Kung ang sanhi ng makating lalamunan ay dulot ng bakterya tulad streptococcus, ikaw ay maaaring bumili ng gamot tulad ng Strepsils na hindi na nangangailangan ng reseta galling sa doktor. Ang Bactidol ay maaaring gamitin para labanan ang makati at amamagang lalamunan na dulot ng impeksyon na sanhi ng bakterya.

Ang namamagang lalamunan ay isa sa mga pangunahing sintomas ng rabies na dala ng kagat ng aso. Kaya kung ikaw ay nakagat ng aso o pusa, huwag nang mag-alinlangang bumisita sa pinakamalapit na klinika. Ang pamamaga ng lalamunan dahil sa rabies ay palatandaan na ang rabies ay kumalat na sa katawan at sa kasamaang palad, ito ay hindi na magagamot.

Ang makati at namamagang lalamunan ay halos imposibleng maiwasan sapagkat ito ay kadalasng dulot ng impeksyon na dala ng virus. Subalit ang regular na pag sipilyo ng ngipin at pag inom ng maraming tubig ay napatunayan nang mabisa upang makaiwas sa mga sakit na dala ng bakterya tulad ng makating lalamunan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Makating Lalamunan: Kailan Dapat Uminom ng Gamot
3.8 (76.36%) 11 votes