Solusyunan ang Problema sa Hilik sa Pamamagitan ng Simpleng Pamamaraan at Gamot!

ano ang mabisang gamot sa paghilik
Reading Time: 6 minutes

Ano Ang mabisang Gamot sa Paghilik?

Ang paghilik ay isang pangkaraniwang kundisyon na maaaring makaapekto kanino man, bagaman ito ay mas kadalasang nararanasan ng mga kalalakihan at ng mga taong matataba. Ang paghilik ay kadalasang lumalala habang nagkakaedad.

Ang paminsan minsang paghilik ay hindi naman seryoso at talagang nakakainis nga lang sa katabi mong matulog. Subalit, kung ikaw may problema sa paghilik, hindi mo lang naiistorbo ang mga malapit sa iyo kundi naaapektuhan din nito ang kalidad ng iyong pagtulog. Kailangan ng tulong medikal ng mga taong malakas kung humilik para magkaroon ng sapat na pahinga sa gabi.

sanhi ng paghilik

Ang paghilik ay nagyayari kapag ang hangin na lumalabas at pumapasok sa bibig at ilong ay nahaharangan dahil sa ilang mga dahilan.

May harang sa daanan ng hangin sa ilong

May mga tao na humihilik lamang kapag may allergy sila o kaya ay may impeksyon sa sinus. May mga problema sa itsura ng ilong tulad ng deviated septum o polyp sa ilong na maaaring maging sanhi ng harang o bara.

Mahinang mga kalamnan sa lalamunan at dila

Ang mga kalamnan sa lalamunan at sa dila ay maaaring maging napaka-relax kaya ito nagiging harang na sa daanan ng hangin. Ito ay dahil sa mahimbing na pagkakatulog, pag-inom ng alak, o paggamit ng pills pampatulog. Ang pagtanda ay isa sa karaniwang dahilan ng pagiging mas relax ng mga kalamnan.

Makapal na mga tissue sa lalamunan

Ang pagiging overweight ay maaaring maging sanhi ng makapal na mga tissue sa lalamunan. Ang  mga bata na may malalaking tonsil ay mas madalas na humilik.

Ang paghilik ay kadalasan ding maiuugnay sa sakit sa pagtulog na obstructive sleep apnea o OSA. Hindi naman lahat ng mga taong malakas humilik ay may OSA, pero kung ang paghilik mo ay maiuugnay sa sumusunod na mga sintomas, maaaring indikasyon ito na kailangan mong makipagkita sa doktor para sa pagsusuri.

    • Naramdaman mo mismong tumitigil ang paghinga mo habang tulog ka
    • Matinding pagkaantok kahit sa araw
    • Kahirapan sa pagtoon ng atensyon
    • Masakit ang ulo tuwing umaga
    • Masakit ang lalamunan pag gising sa umaga
    • Natulog ka naman pero parang pagod ka parin
    • Nabibilaukan habang tulog
    • Pananakit ng dibdib tuwing gabi
    • Masyadong malakas na paghilik, naiistorbo pati na ang pagtulog ng asawa mo
  • Sa mga bata, masyadong maikli ang attention span, mahinang performance sa eskwela.

Ang pasyenteng may OSA ay kadalasang hihilik ng napakalakas at biglang tatahimik kapag huminto ang paghinga. Kadalasan, ang paghinto ng iyong paghinga ay siyang magiging dahilan ng iyong pagkagising, at baka magising ka na naririnig mo pa ang malakas na hilik mo o paghahabol ng hininga.

Baka maging mababaw parati ang tulog mo dahil sa kundisyong ito. Ang pagtigil sa paghinga ay maaaring mangyari ng ilang ulit tuwing natutulog sa gabi.

Ang mga taong may sleep apnea ay nakakaranas ng pagtigil sa paghinga ng atleast limang ulit sa loob ng isang oras na pagtulog.

Ano ang mga kumplikasyon ng paghilik?

Ang madalas na paghilik ay maaaring palatandaan ng problema sa kalusugan, tulad nga ng sleep apnea. Ang kundisyong ito ay sanhi ng iba pang mga sakit tulad ng:

    • Ang paghinto sa paghinga sa loob ng ilang sigundo o minuto pa nga habang natutulog ay maaaring dahil sa bara sa daanan ng hangin
    • Madalas na paggising sa pagtulog kahit na hindi mo ito napapansin
    • Mababaw na pagtulog, ang pagkakagising ng ilang ulit sa gabi ay nakakasira ng normal na pattern ng pagtulog na nagiging sanhi ng kakulangan sa pangiha na kailangan upang maisaayos ng katawan ang sarili nito.
    • Mahihirapan ang puso, ang matagal na pagkakaroon ng sleep apnea ay maaaring maging sanhi ng mas mataas na presyon ng dugo at paglaki ng puso. Mataas din ang posibilidad ng atake sa puso at stroke.
  • Ang kakulangan sa tulog ay maaaring maging sanhi ng mas mababang kalidad ng pamumuhay at mataas na panganib ng aksidente sa kalsada.

ano ang gamot sa hilik

Para gamutin ang paghilik, baka irikomenda ng doktor moa ng ilang mga pagbabago sa lifestyle mo tulad ng mga sumusunod:

    • Magbawas ng timbang
    • Mag-iwas sa pag-inom ng alak bago matulog
    • Mag-iwas sa mga nakagagambala ng pagtulog
    • Gamutin ang problema sa ilong na nagiging sanhi ng harang
  • Matulog nang nakatagilid

Oral appliances

Kung hindi malunasan ng mga pagbabagong ito ang iyong problema sa paghilik, maaaring magrekomenda ang doktor ng oral appliances na maaaring maging gamot sa paghilik.

Ang oral appliances ay kasangkapan na ipinapasok sa bibig bilang dental mouthpiece na makakatulong na maisaayos ang posisyon ng iyong panga, dila, at ngala-ngala, para mapanatiling nakabukas ang daanan ng hangin.

Kung gusto mong gumit ng kasangkapang ito, tutulungan ka ng iyong dentist na maisaayos ang sukat at posisyon nito sa bibig mo. Sasangguni ka rin sa isang sleep specialist para matiyak na talagang epektibo ang oral appliance sa iyo. Kailangan mong magbisita sa dentist isang beses bawat anim na buwan sa unang taon, at isang beses kada taon sa mga susunod na taon, para matiyak kung kasya pa sa iyo ang kasangkapang ito.

Matinding paglalaway, pagkatuyo ng bibig, pananakit ng panga at mukha ang posibleng mga side effects ng paggamit ng kasangkapang ito.

Operasyon sa daanan ng hangin. May ilang paraan ng pag-oopera na isinasagawa para mabuksan at maiwasan ang pagkipot ng daanan ng hangin kapag natutulog.

Halimbawa, sa proseso na tinatawag na uvulopalatopharyngoplasty o UPPP, bibigyan ka ng general anaesthesia at babawasan ng doktor ang sobrang tissue sa lalamunan mo.

Isa pang proseso ay ang maxillomandibular advancement, kung saan iaabanate ng seruhano ang ibang bahagi ng panga para maging bukas ang daanan ng hangin.

Ang isa sa pinakabagong paraan ng pag-oopera para gamutin ang paghilik ay ang hypoglossal nerve stimulation, ginagamitan ng stimulus ang ugat na kumukontrol sa paggalaw paharap ng dila, kaya hindi na mahaharangan ng dila ang daanan ng hangin kapag tulog ka.

Ang pagiging epektibo ng mga operasyong ito ay depende sa pasyente at hindi gaanong garantisado.

Narito ang ilan sa mga pamamaraang magagawa mo agad para makaiwas sa paghilik:

Matulog sa ibang posisyon

Nakatihaya ka ba kung matulog, malamang na iyan ang dahilan kung bakit ka humihilik! Kaya isa sa pinakamabisang paraan para makaiwas sa paghilik ay ang pagtulog sa ibang posisyon.

Ang pagtulog ng nakatihaya ay siyang dahilan ng pagurong ng dila sa lalamunan na siyang tumatakip sa daanan ng hangin.

Pag-aralang matulog sa ibang posisyon:

    • Matulog nang nakatagilid
    • Matulog nang nakadapa
  • Gumamit ng extrang unan na hadlang para makabalik ka sa kinasanayan mong posisyon kapag natutulog

Kung hindi ka naman natutulog ng nakatihaya, pag-aralang matulog ng nakaangat ng kaunti ang ulo. Gumamit ng dagdag na unan para mapanatiling nakabukas ang daanan ng hangin.

Pero tandaan, ang pagtulog na nakaangat ang itaas na bahagi ng katawan ay maaaring maging sanhi ng masakit na batok at leeg. Siguraduhing komportable ang iyong posisyon bago ka matulog sa gabi.

Gamutin ang anumang pagbabara

Ang pagbabara o congestion ay isa rin sa mga dahilan ng paghilik. Kung ikaw ay may sipon, alam mo na ito ay totoo. Maliban sa pag-inom ng gamot sa baradong ilong, maaari ka ring gumamit ng vapor rub o inhaler para maibsan ang bara.

Magbawas ng timbang. Ang bigat at paghilik ay hindi namn direktang magkaugnay, subalit ang sobrang timbang ay isa sa mga dahilan ng paghilik.

Tumaba ka ba nitong mga nakaraan? Napapansin mo bang mas malakas ang hilik mo ngayon? Baka ang iyong paghilik ay dahil sa pagdagdag ng iyong timbang.

Tumataba ang mga parte ng ating katawan, nangyayari din ito sa leeg! Ang sobrang taba sa leeg ay maaaring maging dahilan ng paghilik.

Huwag iinom ng alak kapag malapit nang matulog

Baka matukso kang uminom ng alak matapos ang isang buong araw ng pagtatrabaho. Pero tandaan, ang pag-inom ng alak ay isa rin sa mga sanhi ng paghilik.

Ang mga pampatulog o sedative ay dahilan ng paghilik! Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

    • Alak
    • Ilang mga gamot
  • Sleeping pills

Ang sedative ay dahilan para maging relax ang mga kalamnan sa katawan. Kung minsan, sanhi ito para ang iyong mga kalamnan sa lalamunan ay maging sobrang relax. Ang sobrang relax na lalamunan ay sanhi ng paghilik. Kaya iwasan mo ang pag-inom ng alak apat na oras bago ka matulog.

Ang mga pag-aaral ay nagsasabing ang mga taong hindi naman humuhilik ay nagiging malakas humilik pagkatapos uminom ng alak.

Gamutin ang baradong sinuses. Ang tunog ba ng iyong hilik ay galing sa ilong mo? Malamang na ang daanan ng hangin sa ilong at sinuses mo ay barado o kumikipot kapag ikaw ay natutulog. Ang namamagang sinuses ay problema rin kung minsan.

Kung barado ang ilong o sinuses mo, ang hangin na lumalabas sa ilong mo ay maaaring maging sanhi ng paghilik.

Mabuti na lamang ay may magagawa ka para maaayos ito:

    • Maligo ng maligamgam na tubig bago matulog
  • Gumamit ng tubig na may asin bilang panghugas sa ilong

Allergic ka ba sa mga bagay na nasa kwarto mo?

Bumili ka ba ng unan? Gumagamit na ba ng electric fan ngayon? Katabi mo na bang matulog ang aso mo?

Ang allergens ay maaaring magdala ng allergy sa iyo na siyang sanhi ng iyong paghilik.

Narito ang ilan sa pangkaraniwang allergens:

    • Alikabok
    • Dust mites
    • Balakubak ng mga alaga
    • Amag
  • Pollen

Ang paghilik mo ba ay nag-umpisa lamang nitong mga nakaraang linggo? Kun ganoon, alamin moa ng mga bagong bagay na naipasok mo sa kwarto mo nitong mga nakaraan.

Subukan mong matulog ng sapat. Madali lamang itong sabihin kaysa gawin. Lahat tayo ay abala anupa’t mahirap na makumpleto ang rekomendadong oras ng pagtulog sa gabi.

Pero alam mo ba na ang hindi sapat na tulog ay sanhi ng paghilik?

Ang matinding pagkapagod ay nagiging dahilan ng malalim na tulog. Ang ganitong uri ng pagtulog ay nakakarelax ng mga kalamnan sa lalamunan.

Kaya para mabawasan ang paghilik mo, subukan mong matulog ng sapat araw-araw para maiwasan ang paghilik.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Solusyunan ang Problema sa Hilik sa Pamamagitan ng Simpleng Pamamaraan at Gamot!
4 (80%) 1 vote