Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Sexually Transmitted Diseases

Reading Time: 10 minutes

Isa sa mga pangunahing problema ng makamundong panahon ay ang patuloy na dumaraming kaso ng sexually transmitted diseases. Narito ang lahat mong kailangan para makaiwas sa pagkakaroon ng STD.

Ano ang STD o sexually transmitted diseases?

Ang sexually transmitted diseases ay isang uri ng impeksyon na karaniwang nakukuha o naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Naipapasa ang STD kapag walang proteksyon gamit ang isang lalake kapag nakikipagtalik, halimbawa nito ang condom. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang STD ay maaari lamang maipasa sa pamamagitan ng sekswal na aktibidad. Maaari ring makuha ang sakit na ito gamit ang pagpasa o pagpahiram ng karayom at pati na rin ang pagpa-breast feed.

Tinaguriang isa sa pinaka pangkaraniwangang nakakahawang sakit ang STD. Milyun-milyong tao sa buong mundo ang kontaminado ng nakakatakot na sakit na ito. Isang seryosong sakit na kinakailangan ng mahabang gamutan, alam mo bang ilang uri ng sexually transmitted diseases kagaya ng HIV o aids ay walang lunas? Opo! at nakakalungkot man ngunit maraming Pilipino at patuloy pang dumarami ang may HIV o aids.

Isa pa sa nakakalungkot sa sakit na ito ay maaari rin itong maipasa sa isang bagong panganak na sanggol. Nahihirapan rin magkaroon ng abilidad magkaanak ang mayroong STD, mapa-babae man o lalake, walang pinipili ang sakit na ito. Hindi lang pisikal na katawan ng isang tao ang sinisira ng STD. Maging ang moral ng taong may sakit nito ay nasisira. Pinandidirian ang mga taong apektado nito, kaya naman maraming mga pribadong grupo ang sadyang binuo dito sa Pilipinas, para proteksyunan at huwag husgahan ang mga taong may STD.

Ang STD na galing sa bacteria ay kinabibilangan ng chlamydia, gonorrhea, and syphilis. Ang aids o HIV, genital herpes, genital warts ay galing naman sa viral STD. Samantalang ang (HPV), and hepatitis B. Trichomoniasis ay galing naman sa isang parasitos.

Ang germs o dumi na siyang sanhi ng STD ay nagtatago sa semen o similya, dugo, vaginal secretions, at laway o saliva. Lahat ng mga organismong ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik gamit ang vaginal o ari ng babae, anal, at oral. Ang ilang STD ay maaari ring maipasa sa pamamagitan ng skin contact at pagamit ng iisang toothbrush, towalya, damit, blade na pang-ahit, at iba pang mga personal na gamit.

Alam mo bang posibleng contaminado ka ng STD ng hindi mo nalalaman? Opo! may mga uri ng sakit na ito na hindi nagpapakita ng sintomas hanggang sa ito ay malala na. Gayunpaman, karamihan pa rin ng mga uri ng sakit na ito ay nagpapakita ng obvious na palatandaan o sintomas. Bawat sintomas nito ay naka-depende sa kung anong uri ng STD mayroon ka. Upang magkaroon ka ng malinaw na ideya, hahatiin natin sa dalawang uri ng sintomas mayroon ang mga sakit na ito. Unahin natin ang sa lalake, tandaan ang mga sumusunod na ito:

Mga sintomas ng STD sa lalake:

  • Ang lalakeng may STD ay karaniwang nakakaramdam ng masakit at hindi komportableng pakikipagtalik at pag-ihi. Kapag nag-uumpisa pa lang ay hindi kaagad ito mapapansin dahil may mga pagakakataon talagang nakakaramdam ang lalake ng ganito sa ilang pagkakataon.
  • Ang lalakeng may STD ay nagkakaroon ng hindi pang-karaniwang pasa, mga bukol, pantal o rashes sa palibot ng ari, bayag, puwit, hita, at bibig. Ngunit, kagaya nga ng sinabi ko, may mga uri ng STD na magpapakita ng ganitong mga sintomas kung kalian malala na ito.
  • Ang lalakeng may STD ay nagkakaroon ng hindi pang-karaniwang discharge o paglabas ng likidong may mabahong amoy mula sa ari. Kung minsan naman ay dugo ang lumalabas sa ari depende sa kung anong uri ng STD meron ang lalake.
  • Ang testicles o bayag ng lalakeng may STD ay kadalasang namamaga at namumula. Napaka-sensitibo rin nito at karaniwang masakit kapag masikip ang suot na underware o brief.

Ayon sa mga survey, maraming mga kalalakihan ang mabilis maghinala na meron silang STD. Pero posible nga na mag hinala ang mga lalake at mahulaan ito, sapagkat ayon sa pag-aaral, mas sexually active ang mga kalalakihan kumpara sa mga babae. Kung kaya’t mas malaki ang tsansa ng mga lalake na magkaroon ng sexually transmitted diseases.

Mga sintomas ng STD sa babae:

  • Katulad ng sa lalake, ang babaeng merong STD ay mayroon ring pananakit at hindi komportableng pakiramdam habang umiihi at nakikipagtalik. Sa umpisa ay hindi rin ito pansin at karaniwan ring isinasawalang bahala hanggang sa ito ay malala na.
  • Ang babaeng may STD ay halos magkapareho ang sintomas sa lalake. Nagkakaroon rin ang isang babae ng hindi pang-karaniwang pasa, mga bukol, pantal o rashes sa palibot ng ari, puwit, hita, at bibig. Ngunit, kagaya nga ng sinabi ko, may mga uri ng STD na magpapakita ng ganitong mga sintomas kung kalian malala na ito.
  • Kagaya ng sa lalake, ang babaeng may STD ay meron ding mabahong likidong discharge mula sa vagina o ari. Hindi pangkaraniwan ang discharge na ito sapagkat may mga pagkakataong walang tigil ito sa paglabas. Kung minsan rin ay dugo ang discharge depende muli sa uri ng STD meron ang babae.
  • Nagkakaroon naman ng nakakairitang pangangati ang ari ng babaeng may STD. Isang uri ng pangangati na ayon sa mga naging biktima ay mahirap raw tiisin na hindi kamutin. Nakakahiya man ngunit totoo ang mga ito.

Dagdag kaalaman sa mga babaeng may STD. Ayon sa mga eksperto, mas mataas ang risk o tsansa ng isang babaeng apektado ng sakit na ito ang magkaroon ng cervical cancer. Isang nakakamatay na uri ng kanser.

Kagaya sa unang nabanggit, halos lahat na ng uri ng impeksyon ay dala-dala ng sakit na ito. Kaakibat rin nito ang ibat ibang uri ng STD o kilala rin bilang STI. Maraming uri ang sakit na ito. May STD na nagagamot sa pamamagitan ng treatment, ngunit mas maraming uri ng STD na incurable o hindi nagagamot. Ano-ano pa ang mga dapat mong malaman tungkol sa mga uri ng sexually transmitted diseases? Narito ang mga sumusunod:

HIV virus o Aids

Isa ang aids sa pinaka-kinakatakutang uri ng STD sapagkat wala pang gamot para dito. Pangunahing inaatake ng HIV virus ang immune system ng isang tao. Kapag humina ang immune system ng isang tao, mas marami pang mga virus ang madaling makapasok sa katawan mo. Nakakamamatay ang HIV. Naipapasa ang sakit na ito sa pamamagitan ng likidong lumalabas sa ari ng babae at lalake. Ang taong may aids ay nakakaramdam ng mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng fever o lagnat
  • Ang pasyenteng may HIV o aids ay nakakaranas ng panginginig sa ilang pagkakataon
  • Pagkakaroon ng pananakit sa ibat ibang bahagi ng katawan
  • Pamamaga ng lymph nodes ng pasyente
  • Ang pasyenteng may HIV ay nagkakaroon ng sore throat
  • Masakit na ulo o headache
  • Vomiting o pagsuska at pagkakaroon ng mga rashes sa katawan

Gonorrhea

Ang isang uri ng STD na ito ay galing sa isang bacteria na kung tawagin sa ingles ay the clap. May mga kaso ng gonorrhea na hindi nagkakaroon ng sintomas. Ang magandang balita sa sakit na ito ay nagagamot ito kapag naagapan. Ngunit, maaring magdulot ito ng pagkabaog sa lalake at sa babae kapag napabayaan at lumalala.

  • Nagkakaroon ng maputi, dilaw, o beige na discharge o likido galing sa ari ng babae at lalake
  • Masakit at hindi komportableng pakiramdam habang nakikipagtalik. Babae man o lalake
  • Ang taong may Gonorrhea ay madalas na umiihi kumpara sa dati
  • Nagkakaroon ng hindi maipaliwanag na pangangati sa palibot ng ari ng babae at lalake
  • Nagkakaroon ng sore throat ang taong may sakit na gonorrhea

Syphilis

Isang malalang uri ng STD ang syphilis. Karaniwang hindi mapapansin sa mga unang stage ng sakit. Ang maganda sa syphilis ay nagagamot ang sakit na ito kapag naagapan. Ngunit kapag napabayaan ay maaari itong mauwi sa isang seryosong sakit na karaniwang tumatagal ng maraming taon. Narito ang ilan sa mga sintomas ng syphilis:

  • Pagkakaroon ng mga pantal o rashes sa ibat ibang bahagi ng katawan
  • Ang taong may syphilis ay nakakaranas ng fatigue o madaling pagkapagod
  • Pagkakaroon ng lagnat o fever
  • Kadalasang sumasakit ang ulo ng walang dahilan
  • Pananakit ng buong katawan at kasu-kasuhan
  • Hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang
  • Ang taong may syphilis ay maaaring makaranas ng paglagas ng buhok
  • Pagkawala ng paningin kapag napabayaan
  • Pagkawala ng kakayahang makadinig o hear loss
  • Memory loss o pagkawala ng memorya
  • Pagkakaroon ng impeksyon sa utak o spinal cord

Trichomoniasis

Ang isang uri ng STD na ito ay sanhi ng maliliit na organismo na kung tawagin ay protozoan. Ang sakit na ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng genital contact o pakikipag-talik. Ayon sa mga research, mahigpit kalahati ng populasyon ng may uri ng STD na ito ay hindi nakakaranas ng sintomas. Ngunit kung meron, narito ang mga posibleng maranasan mong sintomas:

  • Pagkakaroon ng discharge o paglabas ng mabahong likido mula sa ari ng lalake o babae
  • Hindi maipaliwanag na pangangati sa palibot ng genital organ o ari. Babae man o lalake
  • Masakit at hindi komportableng pakiramdam habang nakikipag-talik
  • Madalas na pag-ihi at kung minsan ay masakit na pag-ihi
  • Ang babaeng may uri ng STD na ito ay posibleng magkaroon ng impeksyon sa urethra
  • Maaari ring mabaog ang isang lalake o babae na mayroong tricomoiasis.

Herpes

Isa pang common na uri ng STD. Napapasa sa pamamagitan lamang ng pakikipag-talik. Masakit ang unang pag-atake ng herpes sa pasyente. Ngunit kadalasang gumagaling rin ito pakalipas ng ilang linggo sa pamamagitan ng pagagamot. Kung ang babaeng buntis ay may herpes, malaki ang tsansa na maipasa niya ito sa kanyang baby. Narito ang ilan sa mga sintomas ng herpes:

  • Pagkakaroon ng pamamaga sa ibat ibang bahagi ng katawan
  • Pamamaga sa palibot ng ari ng babae at lalake
  • Masakit at hindi komportableng pakiramdam habang nakikipag-talik
  • Pananakit ng ulo at pagkakaroon ng lagnat
  • Madalas at masakit na pag-ihi

HPV o human papillomavirus

Maraming uri ng impeksyon ang dala ng HPV, at ilan sa mga ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng skin contact o pagdidikit ng mga balat. Ilan rin sa uri ng HPV ay mga delikado at seryosong sakit na nakamamatay. Karaniwang sintomas ng HPV ay pagkakaroon ng nunal sa palibot ng ari at bibig ng lalake o babae. Ang HPV ay maaaring mauwi sa isang kanser katulad ng mga sumusunod:

  • Oral cancer
  • Kanser sa serviko
  • Vulvar Cancer
  • Penile cancer
  • Kanser sa rektal

Hepatits B

Isa pang uri ng delikadong impeksyon na sanhi ng isang birus na nakakapinsala sa atay ng tao. Maraming paraan para maipasa ang sakit na ito at pangunahin diyan ang pakikipag-talik. Maaring mamatay ang pasyenteng may hepatitis B. Ilan sa mga sintomas na dala nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, pagkawala ng ganang kumain, pagkapagod at panghihina, madilaw na mata at/o balat, pananakit sa puson, ibang kulay ng ihi, at maputing dumi.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga pangunahing uri ng STD. marami pang mga uri ng sakit na ito ngunit karamihan sa mga ito ay hindi naman delikado at gumagaling rin kaagad kapag naagapan. Ilan sa mga hindi nakakamatay na uri ng sexually transmitted diseases ay ang mga sumusunod:

  • Chancroid
  • lymphogranuloma venereum
  • granuloma inguinale
  • molluscum contagiosum
  • scabies o kurikong
  • Kulugo na tumutubo sa ari
  • Galis at kuto

Marahil ito ang tanong ng marami, meron ba talagang gamot sa STD? Napag-usapan natin na ilan sa mga uri ng STD ay maaaring magamot. Ngunit ang mga gamot na ito ay mabibili sa mga botika kung kaya’t kinakailangan sa pagkakataong ganito ang payo o reseta ng isang doktor. Narito ang ilan sa mga STD na maaaring magamot. Tandaan ang mga sumusunod:

Gonorrhea and Chlamydia – Ang dalawang uri ng impeksyon na ito ay maaaring gumaling sa pamamagitan ng treatment gamit ang antibiotics. Ang mga antibiotics na ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng pag-inom o pag-inject sa pasyente. Kailangan na maging ang sexual partner mo ay dumaan rin sa pagagamot.

  • Genital Herpes – Ang herpes katulad ng unang nabanggit ay maaaring magamot. Ngunit hindi tuluyang gagaling ang sakit na ito. Maaari lamang na mabawasan ang pinsala ng outbreak. Malaking bagay na ito para sa isang taong contaminado ng herpes. Ang mga antiviral drug na maaaring ipang-gamot ay mabibili sa pamamagitan ng reseta ng isang doktor.
  • Syphilis – Kung maaagapan ang sakit na ito lalo na sa unang taon ng stage. Maaring itong malunasan sa pamamagitan ng pag inject ng antibiotic sa katawan. Hindi ipinapahintulot sa taong dumadaan sa treatment sa ganitong sakit ang pakikipagtalik, hanggang sa tuluyang gumaling ang pasyente. Magkonsulta sa doktor tungkol sa bagay na ito.
  • Trichomoniasis – Madaling malunasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng metronidazole or tinidazole kapag naagapan. Ang dalawang gamot na ito ay iniinom, ngunit ipinapayo na dapat pati ang sexual partner mo ay uminom rin ng gamot na ito.
  • Human Papillomavirus (HPV) – walang lunas ang sakit na ito, gayunpaman, maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna o vaccination. Maaari ring tanggalin ng mga doktor ang mga nunal na tumubo sa palibot ng ari sanhi ng HPV. Ginagawa ito sa pamamagitan ng operasyon.

Ito naman ang mga uri ng sexually transmitted diseases na incurable o walang lunas. Gayunpaman, ang mga impeksyon na ito ay maaaring mabawasan ang mga sintomas gamit ang mga reseta ng doktor. Narito ang mga sumusunod:

  • HIV o aids – Walang lunas ang nakakatakot na sakit na ito. Ngunit ayon sa mga huling pag-aaral, patuloy ang pagunlad ng medisina na maaaring sumugpo sa aids. Nakakamatay ang HIV virus, ngunit may mga gamot na maaaring ireseta ng mga doktor upang mapahaba ng buhay ng pasyente at makapamuhay rin ng normal. Karaniwang pampataas ng immune system ang pang depensa sa aids. Magkonsulta sa doktor tungkol sa gamot na para dito.
  • Viral Hepatitis – Katulad ng aids, patuloy pang pinag-aaralan ang sakit na ito upang mabigyan ng lunas. Ayon sa huling pag-aaral, may mga bagong na discover na gamot para sa hepatitis na sanhi ng STD. Gayunpaman, hindi pa ito inilalabas sa market dahil dumadaan pa ito sa masusing pag-aaral. Katulad ng ibang STD, kailangan na maging ang partner mo ay dumaan rin sa tamang gamutan.

Wala pa man lunas sa ibang uri ng STD, may mga gamot naman na maaaring makapag-pabawas ng sintomas na dala nito. Makakatulong rin ang mga gamot na ito upang makapamuhay ng normal ang taong may sakit na ito. Ang magandang balita ay patuloy ang pagunlad ng pag-aaral ng medisina tungkol sa mga posibleng lunas para sa STD.

Pinaka-magandang lunas para sa sakit na ito ay iwasan. Paano? Pinaka-madaling paraan ay iwasan ang makipagtalik. Totoo nga naman, ngunit katulad nga ng tinalakay natin, maraming uri ng sexually transmitted diseases ang naipapasa hindi lang sa pamamagitan ng sex o pakikipagtalik. Sa madaling sabi, hindi 100% na ligtas ang paraang ito. Upang makatulong saiyo, narito ang ilan sa mahahalagang tips para maiwasan ang sakit na ito. Tandaan ang mga sumusunod:

  • Una sa lahat, iwasan ang pakikipagtalik sa ibat ibang partner. Ito ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng STD kung kaya dapat iwasan ang masamang bisyong ito!
  • Kung may pagkakataon at kinakailangan, magpabakuna upang maiwasan at malabanan ang ganitong uri ng virus.
  • Iwasan rin ang pakikipagtalik sa mga prostitutes. Mas malaki ang tsansa na tamaan ng sakit na ito ang mga lalakeng patuloy na gumagamit ng mga prostitutes sa pakikipagtalik.
  • Para naman makasigurado, gumamati palagi ng proteksyon kapag nakikipagtalik. Katulad ng condom. Safe at walang side effects ang pagamit nito
  • Huwag na huwag magtitiwala sa ibang tao. May mga masasamang loob ngayon na nagbebenta ng kanilang katawan para lang ikalat ang sakit na STD. Karaniwan sa kanila ay mga banyaga.
  • Iwasan rin ang makipag-share o makigamit ng personal na bagay lalo na sa taong hindi mo lubos na kilala. Iwasan ang makipag-share ng towel, damit, underwares, toothbrush, bathtub, at marami pang iba.
  • Dahil may mga STD na maaaring maaring maipasa sa pamamagitan ng laway o saliva. Iwasan rin ang makipagshare ng pagkain sa hindi kakilala. Maging ang pagamit ng kutsara at tinidor.
  • Regular na magpatingin sa doktor upang ma-monitor ang tunay na kalagayan ng kalusugan mo.
  • Para sa mga babae, may mga uri ng birth control methods na nakakabawas ng tsansa sa pagkakaroon ng STD. Ilan sa mga ito ay ang birth control pills, birth control shot, birth control implants, at intrauterine devices o (IUDs). Gayunpaman, wala pa ring siguridad sa mga ito.
  • Bago makipagtalik sa hindi masyadong kilala, mahalaga rin na pagusapan ninyo ang mga kanya-kanyang history ninyo sa pakikipagtalik. Magandang malaman mo ito galing sa iyong partner upang mabigyan ka ng ideya.
  • Regular na magsagawa ng STD screening. Sa paraang ito, mababawasan ang tsansa na tamaan ka ng sakit na ito.

Sana ay nakatulong ng malaki ang artikulong ito saiyo, tandaan na lahat ng nabanggit ay dumaan sa masusuing pag-aaral na pinatunayan naman ng mga eksperto. Sa huli, ang pagiingat pa rin sa sarili ang pinaka-mahalaga sa lahat.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Sexually Transmitted Diseases
5 (100%) 1 vote