Ano Ang Gamot sa Mataas na Kolesterol?

Reading Time: 7 minutes

Ang kolesterol ay isang uri ng lipid. Ito ay isang malagkit, tulad taba na materyal na ginagawa ng atay sa natural na paraan. Mahalaga ito sa produksyon ng cell membranes, mga hormone, at vitamin D.

Ang kolesterol ay hindi natutunaw sa tubig, kaya maaari itong gumalaw sa dugo ng hindi natutunaw. Para matulungang gumalaw ang kolesterol sa katawan, ang atay ay gumagawa at nagpapalabas din ng lipoproteins.

Ang lipoproteins ay mga particles na gawa sa fat at protina. Sila ang tagapagdala ng kolesterol at triglyceride (isa pang uri ng lipid) sa dugo. Ang dalawang uri ng lipoprotein ay ang low-density lipoprotein (LDL) at high-density lipoprotein (HDL).

Kung ang iyong dugo ay nagtataglay ng maraming LDL cholesterol (kolesterol na dala ng low-density lipidprotein), ito ang tinatawag na high cholesterol o mataas na cholesterol. Kung hindi ito malulunasan, ang mataas na kolesterol ay maaaring mauwi sa maraming mga problema sa kalusugan kasama na ang atake sa puso at stroke.

Kadalasan, hindi kinakikitaan ng mga sintomas ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol. Kaya mahalaga na regular na ipasuri ang iyong cholesterol.

Ang LDL cholesterol o bad cholesterol

Ang low-density lipoprotein o LDL ay madalas ding tawaging bad cholesterol o ang masamang uri ng kolesterol. Ito ang tagapagdala ng kolesterol sa mga ugat na daanan ng dugo. Kung mataas ang bilang ng LDL cholesterol sa dugo mo, maaari itong maipon sa mga dingding ng iyong mga ugat.

Ang mga naipong kolesterol sa ugat ay tinatawag na cholesterol plaque. Ito ay maaaring maging dahilan ng pagkipot ng mga ugat, at magpataas ng panganib na ikaw ay magkaroon ng pamumuo ng dugo. Kung ang pamumuo ng dugo ay bumara sa puso o utak, maaari itong maging dahilan ng atake sa puso o stroke.

Ang HDL cholesterol o good cholesterol

High-density lipoprotein o HDL ay kilala din bilang good cholesterol. Tumutulong ito na ibalik ang LDL cholesterol sa atay upang tuluyan nang maalis sa katawan. Makatutulong ang good cholesterol upang makaiwas sa pagkakaroon ng pamumuo ng plaque sa iyong mga ugat.

Kung nasa tamang dami ang iyong HDL cholesterol, matutulungan ka nito na mapapababa ang posibilidad na pamumuo ng dugo, sakit sa puso, at stroke.

Ang triglycerides ay isa pang uri ng lipid. Pero iba ito sa kolesterol. Kung ang katawan ay gumagamit ng para sa paggawa ng mga selula at hormones, gumagamit naman ang katawan ng triglycerides bilang pinanggagalingan.

Kung kakain ka ng maraming calories kaysa sa kayang gamitin ng katawan mo, iko-convert ang mga calories na ito upang maging triglyceride. Ang triglycerides ay naitatago bilang taba. Gumagamit din ang katawan  ng lipoprotein para makarating ang mga triglycerides sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa pmamagitan ng dugo.

Kung palagi kang kumakain ng sobrang calories, na mas marami kaysa sa kayang gamitin ng katawan mo, ang dami ng triglycerides sa katawan mo ay maaaring lumobo. Maaari itong maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit tulad ng sakit sa puso at stroke.

Ang doktor ay maaaring magsagawa ng isang simpleng blood test para sukatin ang triglyceride level, pati na ang iyong kolesterol.

Narito ang ilang mga tips para mapanatili ang tamang antas ng kolesterol sa katawan:

Bantayan ang saturated at transitive fats sa pakete ng mga produktong pagkain na binibili, kasama na ang asukal nito. Mas mababa sa mga ito ang kinakain mo ay mas maganda.Dapat na hindi lalampas sa 10 porsyento ng calories na kinakain mo araw araw ang saturated fats o dagdag asukal.

Huwag kang mag-alala na baka hindi sapat ang kolesterol nakukuha mo sa pagkain. Kaya naman ng katawan na gumawa nito, kumain ka man ng kolesterol o hindi.

Kumain ng mas maraming malusog at hindi saturated na taba. Subukang palitan ang mantika sa pagluluto ng extra virgin coconut o olive oil, bumili ng karneng malaman, at kumain ng mani imbes na French fries o kaya mga junk foods bilang meryenda.

Ang pagkain ng mga pagkain na mataas sa kolesterol, saturated fats, at transitive fats ay makapagpapataas ng posibilidad na tumaas ang kolesterol sa dugo mo. Ang ibang mga salik sa iyong lifestyle ay maaari ring maging dahilan ng mataas na kolesterol. Kasama sa mga ito ang hindi gaanong paggalaw at paninigarilyo.

Ang iyong genes ay maaari ring makaapekto sa posibilidad na ikaw ay magkaroon ng mataas na kolesterol. Ang genes ay naipapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak. May partikular na mga genes na siyang nagdidkta sa katawan na gumawa ng mas maraming kolesterol at taba. Kung ang iyong mga magulang ay may mataas na kolesterol, mataas ang posibilidad na ikaw ay magkaroon din ng ganitong kundisyon.

Ang iba pang sakit tulad ng diabetes at hyperthyroidism, ay maaari ring makapagpataas ng posibilidad na magkaroon ka ng mataas na kolesterol at kaunay na mga kumplikasyon ng sakit na ito.

Narito ang ilan pang mga salik na nakadaragdag sa panganib na tumaas ang kolesterol:

  • Pagiging sobrang taba
  • Pagkain ng hindi malusog na diyeta
  • Hindi pag-eehersisyo
  • Paninigarilyo o paggamit ng mga produktong gawa sa tabako
  • May mga kapamilyang nagkaroon ng mataas na kolesterol
  • May diabetes, sakit sa bato, o hyperthyroidism

Ang mga tao sa lahat ng edad, kasarian, at lahi ay malamang na magkaroon ng mataas na kolesterol. Kaya mahalaga na malaman mo ang mga pamamaraan upang mapababa ang posibilidad na magkaroon ka nito, kasabay ng iba pang nakamamatay na mga kumplikasyon na kaugnay nito.

Tulad ng nasabi na, walang sintomas ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol. Ito ay kadalasang malalaman kapag nagpasuri ka na dahil sa pagkakaroon mo ng sumusunod na mga kumplikasyon:

  • Pananakit ng dibdib
  • Atake sa puso
  • Stroke
  • Highblood
  • Masakit na paglakad dahil sa baradong mga ugat na siyang dahilan kung bakit hindi makadaloy ng maayos ang dugo sa mga paa

Ano ang mga kumplikasyon ng mataas na kolesterol?

Kung hindi ito magagamot, ang mataas na kolesterol ay maaaring maging sanhi ng pagkaipon ng plaque sa iyong mga ugat na daanan ng dugo. Sa pagdaan ng panahon, pasisikipin nito ang iyong mga ugat. Ang sakit na ito ay tinatawag na atherosclerosis.

Ang atherosclerosis ay isang malalang sakit. Maaari nitong limitahan ang pagdaloy ng dugo sa iyong mga ugat. Patataasin din nito ang panganib na magkaroon ka ng nakamamatay na mga pamumuo ng dugo.

Ang atherosclerosis ay maaaring magdulot ng iba pang nakamamatay na mga kumplikasyon katulad ng:

  • Stroke
  • Atake sa puso
  • Pananakit ng dibdib
  • Highblood
  • Sakit sa bato

Ang mataas na kolesterol ay maaaring ring magdulot ng pagkakaroon ng bato sa apdo dahil sa dulot nitong bile imbalance.

Paano ba sinusuri ang mataas na kolesterol?

Kung ikaw ay 20 taon gulang na pataas, iminumungkahi ng mga dalubhasa na kailangan mong magpasuri ng iyong cholesterol level isang beses sa bawat apat hanggang anim na taon. Kung ikaw ay mga kamag-anak na may mataas na kolesterol o kaya ay may posibilidad na magkaroon ng iba pang sakit sa puso o ugat, malamang na hikayatin ka ng doktor mo na magpasuri ng mas madalas.

Ang doktor ay maaaring gumamit ng lipid panel para sukatin ang iyong kolesterol, kasama na ang iyong LDL cholesterol, at dami ng tryglycerides sa iyong dugo. Ang total cholesterol level ay ang pinagsamang dami ng kolesterol sa dugo mo, kasama na ang LDL at HDL.

Kung ang iyong total cholesterol o ang iyong LDL cholesterol ay napakataas, sasabihin ng doktor na mataas ang cholesterol mo. Ang mataas na kolesterol ay lubhang mapanganib lalo na kung ang iyong LDL ay napakataas at ang iyong HDL naman ay napakababa.

Kukunan ka ng dugo para sa pagsusuri na ito. Pero bago iyan, kailangan mong maghanda para sa blood test. Sasabihin sa iyo ng doktor mo na huwag ka na munang kumain ng mga 12 oras bago ka kunan ng dugo. Pagkatapos ng blood sampling ay ipadadala sa laboratoryo ang dugo. Sasabihin sa iyo ng doktor ang resulta kung nagawa na ito.

Sa ilang mga pagkakataon, maaaring magriseta ang doktor ng gamot na makatutulong sa iyo na mapababa ang antas ng kolesterol sa dugo mo.

Ang statin ang pinaka madalas na iriseta ng doktor para sa mataas na kolesterol. Pinipigilan nila ang atay sa paggawa ng mas maraming kolesterol.

Narito ang ilang halimbawa ng gamot na statin:

  • atorvastatin
  • fluvastatin
  • rosuvastatin
  • simvastatin

Ang ilang produkto ay naglalaman ng kumbinasyon ng mga gamot para pabagalin ang kakayahan ng katawan na pag-absorb ng kolesterol sa mga kinakain at bawasan ang produksyon ng kolesterol sa atay.

Kung ikaw may mataas na kolesterol, irirekomenda sa iyo ng doktor na kailangan mong baguhin ang lifestyle mo para bumaba ito. Halimbawa, baka kailangan mong baguhin ang mga kinakain mo, kaugalian sa pag-eehersisyo, at iba pang mga aspeto ng iyong pang-araw araw na rutina. Kung naninigarilyo ka, sasabihin sa iyo ng doktor na kailangan mong huminto sa lalong madaling panahon.

Pababain ang mataas na kolesterol sa pamamagitan ng tamang pagkain

Para matulungan kang magkaroon ng malusog na antas ng kolesterol, ang iyong doktor ay malamang na magrekomenda ng mga pagbabago sa iyong diyeta.

Halimbawa, baka imungkahi niya ang mga sumusunod na mga pagbabago:

  • Limitahan ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa kolesterol, saturated fat, at transitive fat
  • Piliin ang mga pagkaing mayaman sa lean protein, tulad ng manok, isda at legume
  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber, tulad ng prutas, mga gulay, at whole grain
  • Bawasan ang pagkain ng mga piniritong pagkain
  • Mag iwas sa fast food at junk food

Ang pagkain ng isda at iba pang mga pagkain na mayaman sa omega-3 fatty acid ay makatutulong sa iyo na mapababa ang iyong LDL. Halimbawa, ang salmon, mackerel, at tuna ay mayaman sa omega-3 fatty acid. Ang abocado ay nagtataglay din ng omega-3.

Mga pagkaing bawal sa may mataas na kolesterol

Ang kolesterol ay matatagpuan sa mga pagkaing galing sa mga hayop, tulad ng karne, itlog, at gatas. Para matulungan kang malunasan ang mataas na kolesterol, hihikayatin ka ng doktor mo na bawasan ang pagkain ng mga produkto na mataas sa kolesterol.

Halimbawa, narito ang mga pagkaing mayaman sa kolesterol:

  • Mataba, mapulang karne
  • Atay at ibang laman loob na karne
  • Itlog
  • High-fat na produktong galing sa gatas, tulad ng keso, ice cream at butter

Depende sa rekomendasyon ng doktor mo, maaari ka namang kumain ng naturang mga pagkain, pero dapat ay sa limitadong dami lamang.

Sa ilang mga pagkakataon, maaari mong mapababa ang iyong kolesterol kahit na hindi ka uminom ng gamot. Halimbawa, sapat na ang pagkain ng malulusog na pagkain, mag ehersisyo ng regular, at pag-iwas sa paninigarilyo.

May mga tao na nagsasabi na ang may partikular na halamang gamot o food supplement na nakatulog sa kanila na mapababa ang kanilang mataas na kolesterol. Narito ang ilang halimbawa ng natural na lunas sa kolesterol:

  • Bawang
  • Plant sterol supplement
  • Oat bran, na nasa oatmeal
  • Blond psyllium, na nasa psyllium food suppliment

Gayunman, ang antas ng mga ebedensiya na sumusuporta sa mga pag-aangking ang mga ito raw ay nakagagamot ay nag iiba-iba. Mahalagang tandaan na ang mga produktong may “NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS” ay hindi aprobado bilang gamot. Kailangan pa ng mas maraming mga pananaliksik para malaman kung ang mga ito nga ba ay nakagagamot sa mataas na kolesterol.

Sabihin sa doktor mo ang plano mong uminom ng halamang gamot. Sa ilang mga pagkakataon, ang mga herbal na gamot ay maaaring magkaroon ng reaksyon sa mga gamot na dati mo nang iniinom.

Hindi mo maiiwasan ang mataas na kolesterol kung ito ay nasa mga genes mo. Gayunman, ang may mga bagay sa lifestyle mo na maaari mong maisaayos.

Para mapababa mo ang iyong kolesterol:

  • Kumain ka ng mga pagkaing mababa sa kolesterol at taba, dapat na ito ay mayaman sa fiber
  • Huwag kang magpasobra sa pag inom ng alak
  • Panatilihin ang malusog na timbang
  • Mag-ehersisyo ng regular
  • Huwag ka nang manigarilyo

Kailangan mong sundin ang mga rekomendasyon ng doktor mo, lalo na sa pagkakaroon ng regular na checkup. Kung ikaw ay mas posibleng magkaroon ng mataas na kolesterol, malamang na kailangan mo ang masuri ng mas madalas.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ang Gamot sa Mataas na Kolesterol?
5 (100%) 1 vote