Alamin Ang Mabisang Gamot sa Goiter

Reading Time: 6 minutes

Naghahanap ka ng solusyon at gamot sa goiter? Pinapahirapan ka ba ng sakit na ito? Ang artikulong ito ay punong-puno ng mahahalagang datos patungkol sa isang uri ng bukol sa leeg na kung tawagin ay goiter.

Ang goiter ay hindi pang-karaniwang uri ng sakit. Gayunpaman, marami na at patuloy pang dumarami ang mga pinoy na tinatamaan ng pahirap na sakit na ito. Ayon sa mga eksperto, ang goiter ay isang uri ng sakit na kung saan ay namamaga ang thyroid glands ng isang tao. Hugis paru-paru kung ilarawan ang thyroid glands na ito na matatagpuan sa lalamunan.

Pahirap sa isang tao ang sakit na ito, dahil sa pamamaga, lumalaki at sumisikip ang lalamunan ng pasyente at nagiging resulta ito sa kawalang gana sa pagkain na maaaring makaapekto sa kanyang kalusugan. May mga kaso ng goiter na maliliit lamang ang bukol, at karaniwan sa mga ito ay hindi sumasakit o painless sa ingles. Ang malalaking bukol naman ay nagdudulot ng pagubo sa pasyente at idagdag mo pa ang pagkipot ng lalamunan na nagiging resulta ng problema sa paglunok ng pagkain.

Isang autoimmune disease kung tawagin ang goiter sa ilang progresibong bansa, at karaniwan itong nada-diagnose sa pamamagitan ng pisikal na eksaminasyon at kung kinakailangan ay nag-sasagawa rin ng Thyroid function blood test.

Bawat karamdaman ay may kanya kanyang sanhi. Isa itong magandang indikasyon at nagbibigay rason sa mga tao upang maiwasan ang bawat sakit, at kabilang dito ang goiter. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang sanhi ng sakit na ito ay galing sa ibat ibang rason. Kaya naman narito ang ilan sa mga sanhi ng goiter na makakatulong saiyo. Tandaan ang mga sumusunod:

Kakulangan sa Iodine

Ang kakulangan sa iodine ang pinaka-mayor na rason ng pagkakaroon ng goiter sa buong mundo. At karaniwan sa mga taong kulang sa iodine ay ang mga vegetarian. Para sa dagdag kaalaman, ang iodine ay nakukuha sa pagkain ng ibat ibang seafoods o pagkaing dagat, mga halaman na mayaman sa iodine ang lupa, at pag-inom ng gatas ng baka.

Grave’s disease

Isang uri ng autoimmune disease. Ayon sa mga eksperto ang grave’s disease ay siyang sanhi ng hyperthyroidism. Isang uri ng malalang goiter.

Hashimoto’s disease

Isang uri ng abnormalidad na kung saan ay nagkakaroon ng sobrang pagawa ng thyroid hormones. Ang sobrang pagawa nito ay nagiging sanhi ng pamamaga ng thyroid glands na maaaring mauwi sa goiter.

Isang uri ng abnormalidad na kung saan ay nagkakaroon ng sobrang pagawa ng thyroid hormones. Ang sobrang pagawa nito ay nagiging sanhi ng pamamaga ng thyroid glands na maaaring mauwi sa goiter.

Pagbubuntis/pregnancy

Opo! ayon sa pag-aaral, malaki ang tsansa ng babaeng buntis na tamaan ng sakit na goiter. Dahil ito sa tinatawag na inflammation na pinatunayan naman ng mga doktor.

Thyroid cancer

Isa sa pinaka-malalang sanhi ng goiter. Kaya kapag nakaramdam ng kakaiba sa lalamunan o kaya ay may nakapang bukol. Magpatingin kaagad sa doktor upang matukoy at maagapan.

Dagdag kaalaman, ang sakit na goiter ay laganap sa mga kababaihan. At ang babaeng may edad 40 pataas ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng sakit na ito. Dahil nga isa itong autoimmune disease, ang goiter ay namamana at maaari kang magkaroon nito kung sa inyong pamilya ay may history ng sakit na goiter.

Kapag nagsisimula pa lamang ang pagtubo ng goiter, wala masyadong ipapakitang sintomas ang sakit na ito. Ngunit sa pagtagal ay unti-unting itong magpapakita ng mga senyales. Maging alerto kaibigan sa mga senyales na ito sapagkat ito ang magbibigay saiyo ng idea kung ano ang dapat mong gawin.

Narito ang ilan sa mga sintomas o senyales ng sakit na goiter:

  • Isa sa pangunahing sintomas nito ay ang pagtubo ng maliit na bukol sa leeg, at sa pagtagal ay unti-unti itong lumalaki,
  • Kasabay ng paglaki ng leeg dahil sa bukol. Magsisimula ng manikip ang lalamunan ng pasyente.
  • Ang taong may goiter ay hirap sa paghinga at karaniwang hirap sa paglunok ng anumang pagkain.
  • Kapag malaki na ang bukol sa leeg, magsisimula ng mamaos ang pasyente. Kasabay ng pamamaos na ito ay ang paguubo.
  • Hirap rin sa pagalaw ng ulo ang pasyenteng may goiter. Mas mabilis rin hingalin dahil minsan ay kinakapos sa hangin.
  • Kapansin-pansin rin sa pasyenteng may goiter ang pagbagsak ng timbang nito.
  • Kapag malala na ang goiter. Ang pasyente ay nagkakaroon ng high pitch sound o matinis na boses.

Ilan pang sintomas na maaaring ipakita ng sakit na ito ay hindi direktang galing sa goiter. Halimbawa, ang overactive thyroid na sanhi ng goiter ay magpapakita ng mga ganitong klaseng sintomas:

  • Hair loss o pagkalagas ng buhok ng pasyente
  • Matinding pamamawis dahil sa abnormalidad ng sweat glands
  • Pagbabago sa mood ng pasyente katulad ng nervousness
  • Fatigue o mabilis mapagod kahit sa kaunting aktibidad ng katawan
  • Pagiging sensitibo sa init ng araw at pagdagdag ng apetite kahit hirap sa pagkain
  • Abnormal na palpitation ng puso

Para sa isang taong may goiter, mahalagang malaman at maintindihan ang tatlong uring ito ng goiter. Ang mga uri na ito ay natutukoy sa pamamagitan ng eksaminasyon at mga sintomas na ipinapakita. Tandaan lamang ang mga sumusunod:

Diffuse smooth goiter

Nangyayari ito kapag ang buong thyroid glands ay namamaga

Nodular goiter

Isang uri ng goiter kung saan ay maliit lamang ang bukol. Karaniwang hindi lumalaki ang bukol na ito

Retrosternal goiter

Isang uri ng malalang goiter na kung saan ay lumalaki sa likod ng breastbone. Ang ganitong kondisyon ay nangangailangan ng operasyon upang matanggal ang bukol

Kung nangangamba ka dahil sa sakit na ito, huwag magalala kaibigan sapagkat maraming lunas o gamot sa goiter. Umpisahan natin sa mga halamang gamot na ito:

Bawang

Ang mahiwagang halamang ito ay isang mainam na gamot sa goiter. Alam mo bang mayroon itong sangkap na may kakayahang magpalakas ng thyroid glands ng ating lalamunan? Maaari kang kumain ng tatlong hilaw na bawang kada umaga at mayroon ring mga garlic supplements na nabibili sa mga botika.

Green Tea

Ang paginom ng green tea ay nakakatulong sa pagpalakas ng thyroid glands ng ating lalamunan. Gumawa lamang ng tsaa nito at para sa mabilis na resulta ay uminom ng tea dalawang beses sa isang araw.

Seaweed

Isang uri ng halaman na kung tawagin ay kelp. Mayaman ito sa potassium, magnesium, at iodine na siyang pangunahing sangkap na panlaban sa goiter. Puwedeng kainin ang kelp ng hilaw at puwede rin itong gawing salad. Maghanap sa internet kung paano gumawa ng kelp salad.

Apple cider vinegar

Ang natural remedy na ito ay tumutulong din para tumaas ang iodine absorption ng katawan kaya talagang makakaiwas sa goiter.

Para sa dagdag tip, gumamit ng iodized salt para sa mga lutuing bahay kung may goiter. Laging tandaan na ang kakulangan sa iodine ay isang pangunahing sanhi ng sakit na goiter.

Wala pa ring tatalo sa kakayahan ng mga doktor. Ang kaalaman nila tungkol sa goiter ay walang katulad kaya naman mas makakabuti pa rin ang check up ng isang dalubhasa lalong lalo na kapag malala na ito. Ilan sa mga kaso ng malalang goiter ay maaring magsagawa ng tests na katulad ng mga sumusunod na ito:

  • Radioactive Iodine scan – Isang uri ng proseso na kung saan ay magbibigay ng isang detalyadong imahe ng gland ng lalamunan ng pasyente. Ginagawa ang prosesong ito matapos magsagawa ng radioactive iodine injection.
  • Ultrasound scan – Nakakatulong rin ang prosesong ito upang matukoy ang aktuwal na laki o size ng goiter.
  • Fine-needle aspiration – Isang uri ng operasyon na kung tawagin ay biopsy. Ang prosesong ito ay isinasagawa upang matukoy kung ang bukol sa leeg ay kanserus.
  • Goiter Surgery – Ito ang pinaka-huling isinasagawa sa isang pasyente, depende rin kung gusto niya itong ipatanggal o paliitin ang bukol

Paano maiiwasan ang sakit na goiter?

Marami ang gamot sa goiter, ngunit marami ring paraan upang maiwasan ang sakit na ito. Nanaisin mo bang dumaan pa sa gamutan kung puwede mo naman itong maiwasan? Narito ang ilan sa mga mahahalagang tips na dapat mong gawin upang makaiwas sa sakit na goiter:

  • Upang makaiwas sa goiter, kinakailangan kumain ka ng pagkaing mayaman sa iodine. Sa bagay na ito ay hindi dapat mamroblema ang mga pinoy sapagkat ang Pilipinas ay mayaman sa pagkaing dagat. Mataas rin ang iodine content ng mani at gatas.
  • Kumain rin ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C katulad ng mga citrus fruits. Ang vitamin C ay pangunahing sangkap upang mas maging matatag an gating thyroid glands.
  • Iwasan ang pagkain ng mga gulay na kung tawagin ay cruciferous vegetables gaya ng broccoli, cauliflower, repolyo, labanos, bok choi. Ang mga gulay na nabanggit ay may taglay na goiterogens na pinaniniwalaang sanhi ng goiter.
  • Kumain ng pagkaing mayaman sa Tyrosine. Ito ang mga pagkaing sagana sa fiber katulad ng mani, soya, saging, at buto ng kalabasa. Ang isdang salmon ang isang pangunahing source na tyrosine. Ayon sa mga doktor, mahusay itong sangkap na nakakapag-palakas ng ating thyroid glands.

Ang goiter ay isang delikadong sakit kapag napabayaan. Ang maliit na bukol ay maaaring lumaki at mauwi sa kanser kapag ang katawan natin ay walang sapat na iodine. Upang makasigurado, mas makakabuti pa rin ang magpatingin sa doktor tungkol sa sakit na ito.

* featured image Designed by Freepik

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?