Gamot sa Mabahong Pepe – Kaalaman at Solusyon

Ang isang babae ay larawan at kadalasan ay modelo ng kalinisan dahil sa likas nitong katangian na maalaga at maayos sa sariling katawan. Kaya naman ang unang pagsasanay sa kalinisan ng isang bata ay nakaatang sa balikat ng ina. Ngunit anong dapat gawin kung magkaroon ng kakaibang amoy na nagmumula sa maselang bahagi ng katawan ang isang babae. Ano ang gamot sa mabahong pepe?

Normal na bahagi ng reproductive system ang pagkakaroon ng vaginal discharge. Ito ang natural na paraan ng katawan upang mailabas ang mga bacteria mula sa loob ng cervix. Tumutulong ito upang mapanatiling malusog ang reproductive organ at maiwasan ang impeksyon. May mga pagkakataong ang discharge ay nagkakaroon ng hindi kaaya-ayang amoy dahil sa mga pagbabago o hormonal changes.

Mga pagbabago sa katawan na dahilan ng mabahong discharge

Iba-iba ang dami ng discharge sa bawat babae. May kinalaman din ang dami nito sa kalagayan o pagbabago na nangyayari sa loob ng katawan. Ang paggamit ng birth control o contraceptive pill at pag inom ng antibiotic ay maaaring magpaiba ng dami, kapal at maging amoy ng discharge. Ang pagnipis o pagkatuyo ng paligid ng ari ng babae bilang tanda ng menopause o kilala sa katawagang Vaginal Atrophy ay isa ring dahilan nito.

Ang mga sabong mabango at lotion na inaakala nating magbibigay ng kasiguruhan ng pananatili ng bango ay maaari rin palang maging dahilan ng mabahong amoy sa paglipas ng oras. Mataas din ang alcohol content ng mga ganitong uri ng sabon kung kaya’t nakapagdudulot ito ng panunuyo at pangangati sa balat na ilan din sa mga sanhi ng mabahong discharge. Ito ang dahilan kung kaya’t ipinapayo ng mga espesyalista ang paggamit ng feminine wash o mga sabong may sapat na antas ng PH na kailangan ng bahaging ito ng katawan.

Bago hanapin ang gamot sa mabahong pepe, alamin muna ang sanhi

May mga pagkakataon na ang pagkakaroon ng mabahong discharge ay sanhi ng hindi magandang kalagayan ng kalusugan ng isang babae. Ilan dito ay ang vaginitis o ang pagkakaroon ng iritasyon o pangangati sa paligid ng ari, impeksyon pagkatapos ng isang operasyon o di naman kaya ay Pelvic Inflamatory Disease. May mga pagkakataon naman na ang pagkakaroon ng mabahong discharge ay sanhi ng STD (Sexually Transmitted Disease). Sa ganitong pagkakataon mahalaga na alamin at hanapin hindi lamang ang dahilan kundi lalo na ang gamot sa mabahong pepe.

May ilan ding mga bagay na dapat obserbahan at bantayan upang masabing kailangan na ngang hanapin ang gamot sa mabahong ari ng babae. Kapag ang mabahong discharge ay malapit sa pagiging brown o kaya naman ay may bleeding ngunit hindi pa naman panahon ng menstrual flow, maaari itong maagang palatandaan ng cervical problem. Ipinapayong makipagkita kaagad sa iyong OB Gyne.

Isang seryosong sitwasyon na dapat bantayan ay ang gonnorhea, isang sakit na dala ng bacterium Neisseria gonorrhoeae isang uri ng STD na kadalasang nagsisimula sa madilaw, malabo at mabahong discharge at sinasabayan ng bleeding at masakit na pakiramdam sa pag-ihi. Kahawig din na palatandaan nito ay ang Trichomoniasis isa ring seryosong problema sa reproductive health na dulot ng parasite.

Ano at kailan dapat gamitin ang mga gamot sa mabahong pepe?

Maraming iba’t ibang nabibili sa botika na gamot sa mabahong ari ng babae. Ngunit mahalaga na bago sumubok ng ano man sa mga ito ay malinaw kung ano ang nagiging dahilan nito. Kung ang mga nabanggit na palatandaan ng problema sa reproductive health ay makikita, huwag mag-atubiling bumisita sa doctor. Ngunit may mga problema na kaya namang solusyunan sa tahanan sa pamamagitan ng tamang pamumuhay at hindi na kailangan pang humanap ng mamahaling gamot sa mabahong pepe.

Kalinisan

Ang tamang paglilinis at pangangalaga ng katawan ay isang mahalagang susi at gamot sa mabahong ari ng babae kung hindi man maiwasan ito. Sa paggamit ng pamunas o wipes, siguraduhing manggagaling sa harapan patungo sa likuran ang direksyon ng pagpunas upang masigurong walang dumi o human fecal ang maaaring mapunta sa vaginal area.

Sa mga pagkakataong hindi maiiwasan ang magpawis, ugaliing magpunas o magpalit ng underwear upang mapanatiling tuyo ang vaginal area. Ang natuyong pawis ay isa sa matinding dahilan ng pag kakaroon ng di kaaya-ayang amoy.

Ugaliin ang madalas na pagpapalit ng sanitary napkin sa panahon ng menstrual period. Mahalagang nakakahinga ang balat sa mga panahong ito kung kalian mas mainit ang pakiramdam ng balat. Ngunit siguraduhin din na ang pipiliing brand ay maaasahan at hindi magiiwan ng pakiramdam ng balat na kakababad sa basa.

Pagpili ng Tamang Damit

Hindi lahat ng uso ay makabubuti sa katawan, hindi rin lahat ng maganda ay maginhawa sa pakiramdam. Sa pagpili ng isusuot na damit laging unahin ang tama at komportableng panloob na isusuot sa ilalim nito. Kapag masikip at hindi komportable an gating kasuotan, madaling magpawis ang mga tagong bahagi ng ating katawan, dahilan upang ang mga naipong dumi gaya ng fecal ay sumama sa pawis patungo sa vaginal area. Ito rin ay naging simula ng pamumuo ng bacteria. Pumili ng mga damit siguradong makahihinga ng maayos an gating balat. May mga tight fitting na damit na hindi lang magandang isuot, komportable din sa katawan. Tandaan hindi lamang kagandahan ang mahalaga, kalinisan at kabanguhan din.

Tamang Pagkain, gamot sa mabahong pepe

Kakatuwa ngunit totoo na ang tamang kinakain ang pangunahing gamot sa mabahong pepe. Ang mga pagkaing mataaas ang acid at matatapang ay may malaking epekto sa amoy ng katawan maging sa amoy ng discharge. Sa kabilang banda ang mga gulay at prutas na ma-juice naman ay mabisang gamot sa mabahong discharge ng babae. Kung hindi maiiwasan ang pagkain ng ganitong uri ng mga pagkain, siguraduhing matatapatan ito ng sapat na dami ng tubig upang maiwasan at magsilbing gamot sa mabahong ari ng babae.

Probiotics at hindi antibiotic; solusyon sa mabahong discharge ng babae

Kadalasang kapag may problema sa katawan ang naiisip nating ibibigay ng doktor ay antibiotic. Ngunit hindi laging antibiotic ang kailangan. Sa mga pagkakataong ang hinahanap ay ang gamot sa mabahong ari ng babae, mahalagang palakasin ang kakayahan ng antibody upang malabanan ang mga bad bacteria na sanhi nito. Ang pagdadagdag ng probiotic sa ating katawan ay makatutulong upang mapataas ang PH level ng vaginal area na sya namang magpapalakas dito upang labanan ang nakaamabang impeksyon.

Bahagi ng araw araw na routine ng isang tao ang paglilinis ng katawan. Higit sa pagiging maganda o guwapo binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang kalinisan na kadalasan ay nasusukat sa pamamagitan ng amoy. Hindi kaaya-ayang karanasan ang makaamoy ng hindi kanais-nais. Higit na nakaiilang ito kung alam mo na nanggagaling sa iyong sarili, lalo pa kung ito ay nagmumula sa maselang bahagi ng iyong katawan.

Laging tandaan, ang kalusugan ay nagmumula sa pangangalaga sa sarili at sa tamang pagpili. Ayon sa kasabihan prevention is better than cure. Hindi na kailangan pang hanapin ang gamot sa mabahong pepe kung sa simula pa lamang ng problema maaagapan na.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Please follow and like us:
0