Lahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Diabetes

Reading Time: 15 minutes

Lahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Diabetes!

Ang Pilipinas ay ikinukonsidera bilang isa sa mga hot spots ng diabetes sa buong Western Pacific region dahil sa ang sakit na ito ay parang epedemiya kung sumalot sa ating mga kababayan. Alam na alam ito ng ating pamahalaan kaya naman tinaasang masyado ang ipanapataw na buwis sa mga matatamis na inumin para mabawasan man lamang ang pag inom ng mga ito.

Ayon sa huling datus: 4 sa 100 Pilipino ang may malalang kaso ng diabetes sa buong bansa!

Sabihin pa, nangangailangan ng sapat na pampublikong edukasyon para turuan ang mga tao ng mga pagbabago sa lifestyle na kinakailangan para makaiwas sa diabetes o kung paano ito matutukoy ng mas maaga nang sa ganoon ay makontrol agad bago pa man nito mapinsala ang mga oragans tulad ng puso, kidney, utak mata, mga ugat at atay, dahil sa ang mga tissues sa lahat ng mga organs ng katawan ang puntiriya ng sakit na diabetes.

Ang artikulong ito ay sadyang ginawa para makatulong sa bawat pamilyang Pilipno na labanan ang nakamamatay na sakit na diabetes. Tatalakayin natin ang lahat ng mga bagay na kailngan mong malaman tungkol sa diabetes, mga uri, sintomas, gamot at pag-iwas sa sakit na ito.

Ano ang diabetes?

ano ang diabetes

Ang diabetes ay isang sakit na resulta ng pagkakaroon ng napakataas  na blood glucose, o blood sugar. Ang blood sugar ay an siyang pangunahing pinagkukunan ng laks ng katawan mo. Ito ay galing sa pagkaing ipinapasok mo sa katawan mo. Ang insulin, isang hormone na ginagawa ng pancreas o lapay, ang tumutulong na makuha ng mga selula bilang lakas ang iyong blood sugar.

Kung minsan, ang katawan ay walang sapat na insulin, o kaya ay hindi masyadong magamit ng katawan mo ang insulin. Sa ganitong mga pagkakataon, ang blood sugar ay mananatili sa iyong dugo at hindi makararating sa mga cells mo.

Sa pagdaan ng panahon, ang pagkakaroon ng sobrang asukal sa dugo ay maaaring maging sanhi ng seryosong mga problema sa kalusugan. Bagaman walang gamot ang diabetes, may magagawa ka para ma-manage mo ang sakit mo at manatili kang malusog.

Kung minsan, ang diabetes ay tinatawag na borderline diabetes. Ang pananalitang ito ay parang nagsasabi na wala ka pa namang diabetes, o hindi pa naman gaanong malala ang sakit mo. Pero tandaan na lahat ng uri ng diabetes ay mapanganib.

Ang mataas na blood sugar na hindi nagagamot ay maaaring makasira ng iyong mga ugat, mata, kidney at iba pang mga organs sa katawan.

Narito ang iba’t ibang uri ng diabetes:

Type 1 diabetes

Kung may type 1 diabetes ka, ang iyong katawan ay hindi nakakagawa ng insulin. Ang iyong immune system ay siyang sumisira sa mga cells ng iyong pancreas na siyang gumagawa ng insulin. Ang type 1 diabetes ay kadalasang nakikita sa mga bata bagaman ito ay malamang na tumama kahit na sa anong edad. Ang mga pasyente na may type 1 diabetes ay nangangailangang turukan ng insulin araw-araw para manatiling buhay.

Type 2 diabetes

Kung may type 2 diabetes ka, hindi maayos na nagagamit ng katawan mo ang insulin na ginagawa ng pancreas. Maaari kang magkaroon ng type 2 diabetes sa kahit na anong edad, kahit na sa pagkabata. Subalit ang diabetes na ito ay mas madalas na tumama sa mga adulto o mga matatanda. Ang type 2 diabetes ang pinaka-pangkaraniwang uri ng diabetes.

Gestational diabetes

Ito ay isang uri ng diabetes na tumatama sa mga kababaihan na buntis. Madalas na ang sakit na ito ay nawawala kapag naisilang na ang bata. Subalit kung may gestational diabetes ka mas malamang na macaroon ka ng type 2 diabetes pagdating ng panahon. Kung minsan, ang diabetes na natutukoy sa panahon ng pagbubuntis ay type 2 diabetes.

sanhi ng diabetes

Ang bawat uri ng diabetes ay may kanya-kanyang mga sintomas, sanhi at uri ng paggamot.  Pag-usapan muna natin ang pangkaraniwang mga sintomas ng sakit na ito.

Narito ang pangkaraniwang mga sintomas ng diabetes:

    • Matinding pagkagutom
    • Matinding pagkauhaw
    • Biglaang pangangayayat
    • Madalas na pag-ihi
    • Mga sugat na hindi gumagaling
    • Matinding pagod
    • Sintomas sa mga lalaki – Ang mga kalalakihan na may diabetes ay karaniwang nawawalan ng gana sa sex, nakakaranas ng erectile dysfunction, mahinang mga kalamnan.
  • Sintomas sa mga babae – Pagkakaroon ng urinary tract infection, yeast infection at tuyo, makating balat.

Mga sintomas ng type 1 diabetes

Narito naman ang mga sintomas ng type 1 diabetes, ang uri ng diabetes na nakukuha mula pa pagkabata.

    • Matinding gutom
    • Matinding pagkauhaw
    • Hindi ginustong pangangayayat
    • Ihi-nang-ihi
    • Panlalabo ng paningin
    • Pagkahapo
  • Mga pagbabago sa mood

Mga sintomas ng type 2 diabetes

Ang type 2 diabetes ay siyang pinakapangkaraniwang uri ng sakit na ito na kadalasang nakukuha sa hindi malusog na lifestyle. Narito ang ilan sa mga sintomas nito.

    • Palaging gutom
    • Palaging uhaw
    • Palaging naiihi
    • Biglaang panlalabo ng paningin
    • Matinding pagod
    • Ang mga sugat at pamamaga ay matagal maghilom
  • Pabalik-balik na impeksyon

Mga sintomas ng gestational diabetes

Karamihan sa mga babaeng nakakaranas ng gestational diabetes ay hindi nakakaramdam ng anumang sintomas. Ang sakit na ito ay kadalasang natutukoy kapag nagsasagawa ng blood test ang doktor na kadalasang isinasagawa sa ika-24 linggo ng pagbubuntis hanggang ika- 28 linggo ng pagbubuntis.

Sa ilang mga pagkakataon, ang mga nanay na may gestational diabetes ay nakakaramdam din ng matinding uhaw at pag-iihi.

Ngayon, pag-usapan naman natin ang mga sanhi ng sakit na diabetes.  Kapareho ng mga sintomas ng iba’t ibang uri ng diabetes, ang sanhi ng pagkakaroon nito ay iba-iba rin.ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ka ng partikular na uri ng sakit na ito.

Narito ang mga sanhi ng pagkakaroon ng sakit na diabetes.

Type 1 diabetes

Ang totoo, hindi pa talaga alam ng mga doktor kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng type 1 diabetes. Ang alam lamang natin, inaatake ng immune system ng pasyente at sinisira nito ang mga cells sa pancreas na responsable sa produksyon ng insulin.

Ang genes ay maaaring sisihin para sa ilang kaso nito. Posible rin na isang partikular na virus ang naging dahilan kung bakit inaatake ng immune system ang pancreas.

Type 2 diabetes

Ang pagkakaroon ng type 2 diabetes ay nagsisimula sa dalawang bagay: pagiging namamana nito at hindi malusog na lifestyle. Ang pagiging sobra sa timbang o sobrang taba ay nagpapataas ng posbilidad na ikaw ay maaaring magkaroon ng diabetes. Ang pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan, lalo sa may tiyan ay siyang dahilan kung bakit ang mga selula sa katawan mo ay resistant na sa epekto ng insulin sa dugo.

Ang kundisyong ito ay namamana ng mga anak sa kanilang mga magulang. Ang mga magkakapamilya sa angkan na may history ng diabetes ay nagtataglay ng genes na nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng diabetes at katabaan.

Gestational diabetes

Ang kundisyong ito ay resulta ng mga pagbabago sa hormones ng isang babae sa panahon ng pagbubuntis. Ang placenta o inunan ay nagpapalabas ng hormones na siyang dahilan kung bakit nagiging hindi masyadong sensitibo ang mga cells sa epekto ng insulin. Ito ang sanhi kung bakit maaaring tumaas ang blood sugar ng isang babae sa panahon ng pagbubuntis.

Ang babaeng tumataba kapag buntis o nagiging mataba dahil sa pagbubuntis ay mas malamang na magkaroon ng gestational diabetes.

Risk Factor: Sinu-sino ang maaaring magkaroon ng diabetes?

Pag-usapan naman natin ngayon ang mga salik ng pakakaroon ng diabetes. Sino ba ang mas posibleng magkaroon ng sakit na ito.

Type 1 diabetes

Mas malamang na magkaroon ka ng type 1 diabetes kung ikaw ay isang bata o teenager at ang mga magulang o mga kapatid mo ay meron nito, o kaya ay nagtataglay ka ng genes na maaaring linked sa sakit na ito.

Type 2 diabetes

Alam mo ba? Mas mataas ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng ganitong uri ng diabetes kapag ikaw ay:

    • Sobrang taba
    • Nasa edad 45 pataas
    • May magulang o mga kapatid na meron nito
    • Hindi masyadong aktibo sa mga gawain
    • Dati nang nagkaroon ng gestational diabetes
    • Ikaw ay Pinoy na mahilig kumain
  • Matakaw sa kanin o softdrinks

Gestational diabetes

Mataas ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng gestational diabetes kung ikaw ay isang buntis at:

    • Sobrang taba
    • Lampas na ng 25 taong gulang
    • Dati nang nagkaroon ng gestational diabetes ng nakaraang pagbubuntis
    • Nanganak ng sanggol na mahigit 9 pounds
    • May kapamilya na may type 2 diabetes
  • May polycystic ovary syndromes o PCOS

Anu-ano ang mga komplikasyon na dala ng diabetes?

Alam mo ba na ang mataas na blood sugar ay nakasisira ng mga organs at tissues sa katawan mo? Habang mas mataas ang blood sugar at mas matagal na hindi ito nalulunasan, mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga komplikasyon.

Ang mga sumusunod ay ang mga komplikasyon ng diabetes:

    • Pinsala sa mga ugat
    • Pinsala sa kidney
    • Pinsala sa mata at pagkabulag
    • Sugat na paa at pamama na hindi gumagaling
    • Sakit sa balat tulad ng mga impeksyong sanhi ng bacteria at fungi

Gestational diabetes. Ang hindi makontrol na gestational diabetes ay makakaapekto kapwa sa nanay at sa sanggol. Narito ang mga komplikasyon ng sakit na ito:

    • Premature na pagsilang
    • Mas mataas na timbang ng sanggol pagkapanganak
    • Mas malaking posibilidad ng pagkakaroon ng type 2 diabetes pagtagal
    • Biglaang pagbaba ng blood sugar
    • Paninilaw ni baby
  • Pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan

Ang nanay ay maaaring magkaroon ng mga komplikasyon tulad ng altapresyon, preeclamsia o type 2 diabetes. Baka kailanganin na i-cesarean ang isang nanay na may ganitong uri ng diabetes sa pagbubuntis.

Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon uli siya ng gestational diabetes sa kanyang susunod na pagbubuntis.

gamot sa diabetes

Ang mga doktor ay maaaring magrekomenda ng iba’t ibang uri ng paraan o approach sa paggamot sa diabetes. Ang ilan sa mga gamot na ito ay iniinom, ang iba naman ay itinuturok.

Pero dahil sa ang diabetes ay isang sakit na nakukuha sa maling mga kinaugalian at hindi malusog na lifestyle, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng malusog na estilo ng pamumuhay.

Talakayin natin sa bahaging ito ang gamot sa iba’t ibang uri ng diabetes.

Gamot sa type 1 at type 2 diabetes

Ang mga pasyenteng may type 1 at type 2 diabetes ay nangangailangang sumunod sa isang treatment plan, o plano kung paano haharapin at gagamutin ang sakit. Ito ay tinatawag na diabetes management plan. Nakatutulong ito sa mga pasyenteng may diabetes na manatiling malusog at masigla sa kabila ng pagkakaroon ng sakit.

Iba-iba naman ang plano para sa bawat pasyente, depende sa kalusugan ng pasyente at sa mungkahi ng kanyang doktor.

Treatment plan

Ang unang dapat na maunawaan pagdating sa paggamot sa diabetes ay ang iyong blood sugar level, ang dami ng glucose sa dugo mo. Ang glucose ay ang asukal na nakukuha sa mga pagkaing kinakain natin at naiimbak sa katawan. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng lakas ng mga cells sa katawan at ito ay dinadala ng dugo. Nakukuha ng mga cells ang glucose sa tulong ng insulin.

Ang katawan ng mga taong may type 1 diabetes ay hindi nakaka-produce ng insulin. Ibig sabihin, mananatili ang glucose sa dugo nila at hindi makakarating sa mga cells, na siyang sanhi ng pagtaas ng glucose level sa dugo. Ang mga pasyente naman na may type 2 diabetes ay hindi lubusang magamit ang insulin na ginagawa ng katawan.

Ang matass na blood sugar ay siyang sanhi kung bakit ang mga taong may diabetes ay nanghihina, kaya ang treatment plan para sa kanila ay panatilihing mababa ang blood sugar sa malusog na antas, na sinisiguradong mamumuhay at lalaki silang malusog at masigla.

Ang pagsunod sa planong ito ay makakatulong sa may sakit na patuloy na mabuhay ng malusog, subalit wala naman talagang gamot sa diabetes. Kaya ang mga taong may type 1 diabetes ay mananatili sa kanilang gamutan sa buong buhay nila. Subalit ang magandang balita naman ay ang estriktong pagsunod sa plano ay makakatulong na maging malusog ang pasyente at makatutulong na makaiwas sa mga problemang dala ng diabetes pagtagal.

Insulin araw-araw

Ang mga taong may type 1 at type 2 diabetes ay nangangailangang magturok ng insulin araw-araw. Dahil sa hindi na kaya ng katawan nilang gumawa ng sarili nitong insulin, kailangan ng katawan ng tamang antas para mapanatili sa malusog na anta sang blood sugar.

Ang tanging paraan para makakuha ng insulin ang katawan mo ay ang pagtuturok nito sa pamamagitan ng injection o insulin pump.

Tandaan: Kung ang isa ay iinom ng insulin bilang pills, ang mga asido sa sikmura at siyang sisira sa gamot kaya hindi ito gagana.

May iba’t ibang uri ng insulin para sa iba-ibang kalagayan. Ang uri ng insulin na gagamitin mo at kung ilang injection ang kailangan mo ay depende sa kung ano ang pangangailangan ng katawan mo at sa iyong pang araw-araw na schedule.

Habang ikaw ay lumalaki at nagbabago, ang dami ng insulin na kailangan mo ay magbabago rin. Ang pagpapaturok ng insulin ngayon ay halos wala nang sakit, mabuti na lang maliliit na ang mga karayom ngayon. Tuturuan ka ng doktor mo kung paano ka magtuturok at ilan ang kailangan mo araw-araw.

Kumain ng tama

Ang mga taong may type 1 diabetes ay mas kailangang magbantay sa kanilang mga kinakain kumpara sa mga taong wala nito. Kailangan nilang kumain ng balanseng pagkain ay 

pag-aralan kung ano ang kanilang kinakain at kalian sila dapat kumain.

Kailangan din nilang balansehin ang kanilang pagkain at ang dami ng insulin na kanilang itinuturok at mga aktibad na gagawin nila araw-araw. Ang pagkain ng ilang partikular na pagkain ay maaaring maging dahilan ng biglaang pagtaas ng sugar level, kung paanong ang pagtuturok ng insulin at ehersisyo ay maaaring magpababa ng iyong sugar level. Ang uri ng nutrients na nakapaloob sa pagkain ay siyang magdidikta kung gaano tataas ang iyong blood sugar pagkatapos mong kumain.

Ang tatlong pangunahing uri ng nutrients na nakukuha sa pagkain ay ang carbohydrates, protina, at fats; ang lahat ng ito ay makapagbibigay sa atin ng energy bilang calories. Ang mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay siyang dahilan ng pagtaas ng blood sugar. Ang mga pagkaing protina at fats ay hindi gaanong nakakaapekto sa blood sugar. Kailangan ng katawan natin ang mga sustansyang ito, sa iba’t ibang antas para mabuhay ng malusog.

Bilang bahagi ng paggamot sa diabetes, gagawa kayo ng doktor mo ng isang diabetes meal plan na maglalaman ng mga pagkaing nagtataglay ng lahat nang mga sustansya na kailangan mo. Ang mga planong ito ay kadalasang para sa breakfast, tanghalian, hapunan at meryenda.

Hindi naman sasabihin sa iyo ng meal plan mo kung anong partikular na pagkain ang kakainin mo, pero makakatulong ito sa iyo na makapamili sa kung alin sa basic food groups ang kailangan para mabalanse mo ang pagkain mo. Bawat meal plan ay magtataglay ng partikular na dami ng cabohydrates at babagay sa kung anong uri ng insulin ang ginagamit mo.

Ang iyong meal plan ay sadyang ginawa para sa iyo, base sa edad, mga gawain, schedule, at mga paborito. Flexible din ito para alam mo kung paano haharapin ang diabetes sa mga espesyal na okasyon tulad ng mga party at holidays. Ang pagsunod sa meal plan ay makatutulong sa iyo na mapanatili ang iyong blood sugar sa tamang antas.

Karagdagan pa, ang planong ito ay maaaring magekomenda sa iyo na bawasan ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa taba na hindi naman nagtataglay ng mga bitamina at mineral.

Kung sa bagay, ang sinumang kumakain ng malusog ay kailangang umiwas sa matataba dahil ang pagkain ng mga ito ay maaaring magdulot ng sobrang katabaaan na maaaring humantong sa seryosong mga karamdaman tulad ng sakit sa puso, pagdating ng panahon.

Bantayan ang dami ng blood sugar

Ang regular na pagcheck sa antas ng blood sugar ay isang mahalagang bahagi ng iyong diabetes treatment plan. Tutulungan ka nitong malaman kung gaano kaepektibo ang ginagawa mong mga pagsusumikap para labanan ang diabetes, tulad ng pagtuturok ng insulin at meal plan.

Ang pagpapanatili ng iyong blood sugar sa malusog na antas ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng mabuting pakiramdam at mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga komplikasyon sa hinaharap. Ang blood sugar testing ay siyang tanging paraan para malamang mo kung gaano ka epektibo ang ginagawa mong mga paraan.

Makabibili ka ng blood sugar meter sa mga botika na malapit sa inyo. Simple lang naman ang paggamit nito. Gagawa ng maliit na sugat daliri mo ang lancer, isang device na may napakiliit na karayom sa dulo. Ipapatak mo ang kaunting dugo sa isang bahagi ng meter at sasabihin sa iyo kung ano ang blood sugar level mo. Ito ay ginagawa pagkagising mo sa umaga o kung hindi ka kumain o uminom ng tubig sa loob ng animan na oras. Fasting blood sugar test ang tawag nito.

Maaari ring magrekomenda ang doktor mo na gumamit ka ng continuos glucose monitor o CGM. Ang CGM ay isang device na isinusuot na magsusukat ng antas ng blood sugar sa pagitan ng ilang minute sa loob ng 24 oras.

Nasusukat nito ang blood sugar mo gamit ang isang tulad-sinulid na device na nakapaloob sa balat sa isang ligtas na bahagi ng katawan. Ang sensor na ito ay maaaring manatli sa katawan ng ilang araw bago palitan ng bago. Mas maaasahan ang resulta nito kumpara sa araw-araw na pagtest gamit ang nakasanayang blood sugar testing.

Maaari ring magrekomenda ang doktor ng isa pang uri ng blood test na magsasabi sa iyo kung kumusta ang naging paggalaw ng iyong blood sugar sa nagdaang tatlong buwan.

Pag-ehersisyo ng regular

Ang regular na pag-eehersisyo ay isa sa mahahalagang bahagi ng paggamot sa diabetes. Nakatutulong ito para mapanatiling nasa tamang antas ang blood sugar mo.

ehersisyo gamot sa diabetes

Maaari ring mabawasan ng regular na ehersisyo ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga kumplikasyon tulad ng altapresyon at atake sa puso.

Karamihan sa mga ehersisyo ay pwede naman sa mga may diabetes tulad ng paglalakad-lakad sa aso, pagjogging at pagbibisikleta. Subukang mag-ehersisyo araw-araw para sa mabilis na resulta.

Sabihin sa doktor mo ang anumang plano sa pag-ehersisyo bago ka magsimula para maplano ninyo ng maayos ang iyong pagkain at pagturok ng insulin. Tutulungan ka ng dokto mo na makapaghanda sa iyong ehersisyo at bibigyan ka niya ng nasusulat na mga tagubilin kung paano ka tutugon kung sakaling magkaroon ng emergency habang ikaw ay nag-eehersisyo tulad ng biglaang pagbaba ng iyong blood sugar level o hypoglycemia.

Gamot sa gestational diabetes

Paano naman kung nagkaroon ka ng diabetes dahil sa pagbubuntis mo? Mahalagang bantayan at makontrol ang iyong blood sugar para mapanatiling malusog si baby at makaiwas sa mga komplikasyong dala nito habang nagbubuntis at sa panganganak. Baka kailangan mo ring bantayan ang iyong blood sugar kahit pa nakapanganak ka na.

Narito ang paraan ng paggamot sa gestational diabetes:

I-monitor ang blood sugar

Habang ikaw ay nagbubuntis, ang doktor mo ay maaaring humingi sa iyo na i-test mo ang iyong blood sugar apat hanggang limang ulit araw-araw pagkagising mo sa bantayan ang bloodsugar kung may diabetesumaga at pagkatapos mong kumain para matiyak nasa malusog na anta sang iyong blood sugar. Baka hindi ito kumbinyente sa iyo.

Para masuri ang blood sugar, kailangan mong kumuha ng kaunting patak ng dugo gamit ang isang maliit na karayom, at ilalagay ito sa test strip na nakainsert sa blood glucose meter, isang kasangkapan na nagsusukat at nagbabasa ng dami ng blood sugar.

Ang doktor mo ang siyang magmomonitor at mangangalaga ng iyong blood sugar hanggang sa panahon ng labor at panganganak. Kung ang iyong blood sugar ay tumaas ng husto, ang pancreas ng baby mo ay malamang na magpalabas ng napakataas na antas ng insulin na siyang maaaring maging dahilan ng pagbaba ng blood sugar ni baby sa unang araw niya sa labas ng sinapupunan ng nanay.

Ang pagkakaroon ng follow-up check up ay kailangan

Ang pagkakaroon ng gestational diabetes ay nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ka ng type 2 diabetes pagtagal. Kailangang mabantayan ang iyong blood sugar. Kailangan mong magkaroon ng malusog na lifestyle habit tulad ng tamang diet, at regular na ehersisyo ay makakatulong saiyo na mapababa ang panganib.

Linawin natin, hindi ka makakaiwas sa pagkakaroon ng Type 1 Diabetes, dahil ito ay nagsisimula sa pagkabata pa lamang at kadalasan ito ay epekto ng mga salik na wala tayong gaanong kontrol o magagawa.

Pero, ang magandang balita ay maiiwasan mo ang pagkakaroon ng diabetes na sanhi ng hindi malusog na lifestyle, ang Type 2 Diabetes.

Narito ang mabisang mga paraan ng pag-iwas sa Type 2 Diabetes:

Tamang pagkain

Ang pagkain ng tamang uri ng pagkain sa tamang dami nito ay isa sa pinakamabisang paraan para makaiwas sa pagtaas ng blood sugar at pagtaba ng sobra, na siyang dahilan ng pagkakaroon ng mga komplikasyon.

Hindi iminumungkasi ng mga doktor na magpapayat ka habang buntis. Kailangan ng katawan mo na maging malusog ka dahil sa iyo nakadepende ang kalusugan ng iyong lumalaking sanggol. Pero makakatulong siya upang magkaroon ka ng tamang timbang bago ka pa man mabuntis.

Ang set ng pagkain na dapat sa mga buntis ay naka-focus sa mga prutas, gulay at whole grains. Ito ay ang mga pagkaing mayaman sa sustansya at fiber na mababa sa fats at calories. Kailangan mong limitahan ang mga matatamis na pagkain. Wala namang eksaktong set ng pagkaing babagay sa lahat ng kababaihan. Kaya baka kailangan mong komunsulta sa doktor mo kung anong mga pagkain ang pwede sa iyo at sa budget mo.

Ehersisyo

Ang regular na pag-eehersisyo ay mahalaga rin sa pagpapanatiling malusog ng isang baba bago, habang at pagkatapos ng kanyang pagbubuntis. Ang ehersisyo ay nakakapagpababa ng blood sugar dahil pinabibilis nito ang pagpasok ng glucose sa mga selula, na ginagamit naman ng mga ito bilang lakas. Ang ehersisyo ay nakatutulong din na maging mas sensitibo ang mga cells sa insulin, nangangahulugan ito na mas kakaunting insulin ang kakailanganin ng iyong katawan para magamit ang asukal.

Isa pa, ang ehersisyo ay makatutulong sa iyo na mapaglabanan ang pangkaraniwang mga pananakit ng katawan na dala ngpagbubuntis tulad ng pananakit ng likod, pulikat, pamamaga, kahirapan sa pagdumi at kahirapan sa pagtulog. Ang ehersisyo ay makatutulong na mapanatili mo ang iyong lakas na kailangan mo sa labor at panganganak.

Kailangan mong hingin ang pahintulot ng doktor bago ka magsimulang mag-ehersisyo. Kadalasan makabubuti ang pag-eehersisyo ng ilang beses tuwing linggo kapag nagsisimula ka pa lang. Dagdagan ito habang tumatagal hanggang sa hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan mo.

Ang paglalakad, pagbibisikleta, at paglangoy ay magandang ehesisyo para sa buntis. Ang paggawa ng pang-araw araw na mga gawain ay pwede ring bilangin bilang ehersisyo.

Gamot sa diabetes

Kung ang tamang pagkain at ehersisyo ay hindi sapat, baka kailangan mong turukan ng insulin para paabain ang iyong blood sugar. Sampu hanggang sa 20 porsyento ng mga nanay na may gestational diabetes ang nangangailangan ng insulin para bumaba ang blood sugar nila.

Pagbabantay kay baby

Isa sa mahahalagang bahagi ng ng gamutan ay ang patuloy na obserbasyon kay baby. Baka mas kailanganin na sumailalim sa ultrasound ng ilang ulit at iba pang mga pagsusuri si baby. Baka kailangan pa ngang i-induce ang iyong paglabor kung sa tingin ng doktor na ito ay kinakailangan. Ang panganganak na lampas na sa due date ay maaaring magpataas ng posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon sa iyo at sa baby mo!

Paano makakaiwas sa diabetes?

Pagdating sa type 1 diabetes, nakalulungkot isipin na kakaunti lamang ang magagawa mo para makaiwas ka na magkaroon nito. Pero kung tungkol sa type 2 diabetes, ang pinaka pangkaraniwang uri ng sakit na ito ay may mga bagay na pwede kang gawin.

Ang mga sumusunod ay mga paraan para makaiwas sa diabetes:

Pagiging aktibo

Maraming mga pakinabang ang pagiging aktibo. Ang ehersisyo ay makatutulong saiyo na:

    • Magbawas ng timbang
    • Mapababa ng blood sugar
  • Palakasin ang pagiging sesitibo ng mga cells sa insulin

May mga pag-aaral na nagsasabing ang aerobic exercise ay nakatutulong upang makontrol ang diabetes.

Kumain ng maraming fiber

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay makatutulong na maging malusog ang digestive system at mabawasan ang sobrang calories sa katawan na siyang sanhin ng diabetes. Kumain ng prutas, beans, at maberdeng gulay.

Magpapayat

Kung ikaw ay sobra sa timbang, baka kailangan mong magpapayat para makaiwas ka sa sakit na diabetes. Ang bawat libra na mababawas mo sa katawan mo ay malaking bagay para makaiwas sa sakit na ito. Sa isang malakihang pag-aaral, ang mga participants na nagbawas ng timbang at nag eehersisyo ng regular ay nakaiwas ng 60% sa pagkakaroon ng diabetes.

Umiwas sa mga basurang pagkain (junk foods)

Ang junk foods ay talaga namang basurang pagkain. Kahit na sabihin pang ang mga ito ay mababa sa calories, ang basura ay basura pa rin.

Umiwas sa mga pagkaing may preservatives at mga pagkain sa fastfood. Ito ay makatutulong sa iyo na piliin ang mga pagkaing malulusog. Mas makabubuti na lutuin mo ang pagkain ng pamilya kaysa bumili ng mga pagkaing dati nang luto.

Tigilan mo na rin ang pag-inom ng alak at paninigarilyo kung ayaw mong magka-diabetes!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?