Search

Gamot Sa Kabag: Ano Ba Ang Gamot sa Hangin Sa Tiyan?

Gamot Sa Kabag: Ano Ba Ang Gamot sa Hangin Sa Tiyan?

Nakaranas ka na ba na magkaroon ng kabag? Marahil ay naghahanap ka ng mabisang gamot sa kabag kasama ang mga impormasyon kung paano mo ito maiiwasan. Sa edisyong ito paguusapan natin ang mga sumusunod:

  • Ano ang kabag?
  • Ano ang mga sanhi ng kabag?
  • Ano ba ang gamot sa kabag?
  • Paano ba maiiwasan ang kabag?

Ano ang kabag?

Ang kabag ay ang pagkaipon o sobrang pagdami ng hangin sa loob ng tiyan. Dahil sa sobrang hangin sa tiyan, ang pagkakaroon ng kabag ay maaaring maging napakasakit at sagabal sa mga pang araw-araw na mga gawain.

Ano ang sanhi ng kabag?

Kapag ikaw ay kumakain, umiinom o lumulunok ng laway, ikaw ay lulunok din ng hangin paunti-unti na naiipon sa iyong sistemang panunaw o digestive system. Ang hangin sa tiyan ay maaari ding maipon kapag ang iyong tiyan ay tumutunaw ng pagkain. Ang pagkakaroon ng maraming hangin sa tiyan ay hindi normal kaya kailangan mo itong ilabas sa pamamagitan ng pag-utot o pagdighay.

Ang sobrang paglunok ng hangin ay ang pangunahing sanhi ng kabag. Normal lamang na makalunok ng hangin kapag kumakain o humihinga subalit napakadali na makalunok ng sobrang dami ng hangin ng halos hindi mo nalalaman. Nakalulunok ka ng sobrang hangin kapag ikaw ay:

  • Mahilig magnguya ng chewing gum
  • Ikaw naninigarilyo
  • Mahilig sa matitigas na kendi
  • Maluwang na ang iyong pustiso
  • Hindi nginunguya ng maigi ang pagkain anupa’t linulunok ng malalaki ang pagkain

Ang paginom ng maiinit na inumin tulad ng kape ay makapagpapataas ng carbon dioxide sa tiyan na maaaring magdulot ng kabag.

Ang ilang uri ng carbohydrates na nasa pagkain ay hindi kayang tunawin at i-absorb ng ating mga bituka. Ang mga carbohydrate na ito ay dinadala papuntang colon at doon tinutunaw sa pamamagitan ng mga mikrobyo. Ang prosesong ito ay nakagagawa ng hangin sa tiyan na nauuwi sa kabag kapag hindi nailabas ng iyong katawan.

Narito ang ilan sa pagkain na maaaring magdala ng kabag:

  • Mga beans
  • Broccoli
  • Repolyo
  • Pasas
  • Sibuyas
  • Mansanas

May mga medikal na kalagayan din na maaaring nagdadala ng kabag. Ito ay tulad ng:

  • Pagkaimpatcho
  • Kahirapan sa pagdumi
  • Gastroenteritis

Maaari ka ring magkakabag kung ikaw ay umiinom ng isang partikular na uri ng gamot tulad ng ibuprofen, laxative o gamot sa fungi.

Ano ba ang gamot sa kabag?

Ang kabag ay kadalasang nagagamot sa pamamagitan ng paggawa ng ilang mga pagbabago sa iyong mga kaugalian sa pagkain at lifestyle.

Subalit kung ang iyong kabag ay hindi maalis-alis, may mga gamot na maaaring mabili sa botika na hindi na nangangailangan ng riseta.

Baguhin ang iyong mga kaugalian sa pagkain

Iwasan moa ng mga pagkain may carbohydrates na hindi kayang tunawin ng iyong tiyan. Ang ilang mga processed foods ay dapat mo ring iwasan dahil ito ay maaaring naglalaman ng mga sangkap na nagiging dahilan ng kabag, tulad ng:

  • Mga pagkaing may artipisyal na pampatamis
  • Chewing gum
  • Maiinit na mga inumin

Kailangan mo ring kumain ng balanseng diet. Huwag kalimutang kumain ng prutas at gulay araw-araw. Piliing kainin ang mga pagkaing may carbohydrates na madaling tunawin ng tiyan. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Patatas
  • Kanin/Bigas
  • Letsugas
  • Saging
  • Ubas
  • Mga citrus

Mahalagang tandaan na ang mga tao ay may iba’t ibang reaksyon sa bawat uri ng pagkain. Ang mga pagkain na hindi nagiging sanhi ng kabag sa isang tao ay maaari namang siyang pangunahing sanhi ng iyong kabag. Kung ikaw ay seryoso sa iyong mga kinakain, mas makabubuti na ikaw ay gumawa ng food diary, na ilinilista ang mga pagkain na nagpapalala o nagpapawala ng kabag.

Maaring maramdaman mo rin na mas maganda sa pakiramdam ang pagkain ng anim na mas maliliit na kainan kaysa sa kinaugaliang tatlong malalaking kainan araw-araw. Ang mas kaunting nakain ay mas madaling tunawin ng bituka.

Mayroong mga pagaaral na nagsasabi na ang pag-inom ng mainit na tsaa ay nagpapalala ng mga sintomas ng kabag. Sinasabi din na ang pagkain ng kaunting luya ay nakapagaalis ng kabag. Subalit tandaan na kailangan mo munang komunsulta sa doktor bago kumain ng luya kung ikaw ay buntis.

Paglunok ng hangin

Kapag ikaw ay kumakain, siguraduhing nginunguya mo ang iyong pagkain ng maigi para mabawasan ang hangin na iyong nalulunok. Ito ay makatutulong din na mapabilis ang proseso ng pagtunaw ng pagkain. Umiwas sa nakaugalian nang pagnguya ng chewing na nagpapalaki ng posibilidad na ikaw ay makalunok ng mas maraming hangin.

Tigilan mo na ang paninigarilyo. ANg paninigarilyo ay dahilan kung bakit nakalulunok ka ng sobrang dami ng hangin. Ang usok na galing sa tabako ay nakaka-irita sa bituka.

Pag-eehersisyo

Ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo ay makakatulong na magampanan ng iyong sistemang panunaw ang kanyang papel sa buhay. Ito ay napatunayang nakatutulong upang mabawasan ang insidente ng pagkakaroon ng kabag.

Bumili ng gamot sa kabag

May mga gamot na maaaring mabili sa botika kahit walang riseta.

Ang charcoal tablet ay nagaabsorb ng hangin sa loob ng tiyan sa Sistemang panununaw, na tumutulong na maibsan na masakit na sintomas ng kabag. Ang paginom ng charcoal tablet ay hindi irinirekomenda sa mga taong may kasalukuyang iniinom na gamot sapagkat maaaring pahinain nito ang epekto ng iyong gamot. Kaya kung ikaw ay kasalukuyang umiinom ng gamot, kumusulta sa pinakamalapit na doktor o pharmacist bago uminom ng charcoal tablet.

Ang simethicone ay ang pinakakilalang gamot sa sakit ng tiyan dito sa Pilipinas. Ito ay ang isa sa pinakamabilis na lunas sa kabag.

May mga food supplement na ibinebenta sa botika na nakatutulong daw na mag-alis ng mga sintomas ng kabag. Sinasabi ng mga gumagamit ng ilan sa mga ito na ang pag-inom ng mga supplement ay nakatutulong.
Ang pag-inom ng mga inuming sagana sa probiotics ay nakatutulong na maiwasan ang kabag. Ang probiotics ay mga mabubuting mikrobyo na tumutulong sa pagtunaw ng mga carbohydrates na hindi kayang tunawin ng bituka. Makukuha ang probiotics sa mga food supplements na ibinibenta sa mga botika. Probiotics din ang ipinagmamalaki ng Yakult, na mabibili kahit saan dito sa atin sa Pilipinas. Tumutulong ito na padamihin ang mga good bacteria sa iyong tiyan. Ang mga siyentista ay nagpapatunay na ang probiotics ay nakatutulong upang maiwasan o gamutin ang kabag.

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO