Search

Pasmadong Kamay: Ano ang Gamot sa Pasma?

Pasmadong Kamay: Ano ang Gamot sa Pasma?
loading...

Ang pasmadong kamay ay kadalasang tumutukoy sa panginginig ng mga kamay. Ang pasmadong kamay ay hindi naman nakamamatay subalit maaari itong maging sagabal sa pang araw araw na mga gawain. Ito ay maaari ring palatandaan ng sakit sa isip at pagtanda. Kailangan mong makipag usap sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng panginginig ng kamay.

May mga taong nagsasabi na ang pasmadong kamay ay sintomas ng Parkinson’s disease. Subalit ang pinakang itinuturong dahilan ng panginginig ng kamay ay ang tinatawag na essential tremor.

Ang essential tremor ay ang pinakapangkaraniwang sakit sa isip na nakaaapekto sa mga matatanda, subalit ito hindi pa lubusang maunawaan ng mga dalubhasa. Ang sakit na ito ay marahil na sanhi ng mga interapsyon sa tamang paggana ng cerebellum, ang bahagi ng utak na direktang kumokontrol sa pagkilos ng tao. Hindi tiyak ng mga dalubhasa kung ano ang dahilan ng mga interapsyong ito at paano ito matitigil. Hindi rin nila matiyak kung ito ba ay dala ng proseso ng pagtanda.

Ang mga tao na may pasmadong kamay ay nakakaranas ng madalas na panginginig ng mga kamay. Ang pagkilos na ito ay hindi makontrol at maaaring maranasan hindi lang sa paa kundi pati na rin sa mga braso, ulo at lalamunan.

Sa pagkukumpara, ang mga tao na may Parkinson’s disease ay nakaka ranas ng panginginig ng mga kalamnan kung hindi nila ito ginagamit, habang nabawasan ang panginginig habang mas lalo nilang ginagamit ang kanilang mga kalamnan.

Ang panginginig ng mga kamay ay maaaring dulot din ng mga sumusunod:

  • Pangingisay
  • Sobrang aktibong thyroid gland
  • Sakit sa cerebrum
  • Huntington’s disease
  • Side effect ng isang partikular na gamot
  • Sobrang pag inom ng kape
  • Sobrang pag inom ng alak
  • Sobrang pag aalala
  • Mababang blood sugar

Ano ang gamot sa pasmadong kamay

Hindi naman lahat ng kaso ng nanginginig o pasmadong kamay ay nangangailangan ng gamot, ang iyong doktor ang magsasabi kung kailangan mong sumailalim sa medikasyon. Baka kailanganin mong uminom ng gamot sa pasmadong kamay.

Narito ang ilan sa mga gamot na maaaring ireseta sa panginginig ng mga kamay:

Sotalol o Betapace at Atenolol o Tenormin. Ang mga gamot na ito ay beta-blocker, na nagkokontrol sa mga aktibidad ng mga neurons. Ang iyong doktor ay magrereseta ng iba pang mga gamot kung hindi nito magagamot ang iyong panginginig.

Gabapentin o Neurontin at topiramate o Topamax. Ito ay mga gamot na gingamit para lunasan ang pangingisay. Magbibigay ng iba pang reseta ang doktor kung ito ay hindi umepekto.

Alprazolam o Xanax. Ito ay gamot sa pasma o panginginig kung ang dahilan ay anxiety o sobrang pag aalala o panic disorder. Ayon sa mga dalubhasa, ang gamot na ito ay maaari ring gamiting pangggamot sa panginginig ng mga kalamnan. Ang gamot na ito ay dapat inumin ng may estriktong pag iingat dahil sa ito ay maaaring maging sobrang nakaka adik.

Botox. Ang botox ay isa ring mabisang gamot sa pangingig o pasmadong kamay. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng permanenteng panghihina ng mga kalamnan sa lugar kung saan ito ituturok. Kaya makipag usap sa iyong doktor tungkol sa mga pakinabang at panganib ng paggamit nito. Ang matagumpay na botox treatment ay maaaring maging epektibo sa loob ng tatlong buwan. Kaya kakailanganin mo ng follow up injection para patuloy ang ginhawa.

Pag opera para sa pasmadong kamay. Huwag kang mag alala, hindi naman agad irerekomenda ng doktor ang pag oopera para sa panginginig ng iyong kamay sa unang gamutan. Ang pag oopera ay para lamang sa mga pasyente malala na ang panginginig ng kamay. Ang operasyon ay mas malamang na irekomenda ng doktor habang ikaw ay nagkakaedad o kaya ay lalong lumalala ang panginginig.

Deep brain stimulation o DBS. Ito ay isang paraan ng pag oopera para lunasan ang panginginig. Ang seruhano ay maglalagay ng isang elektronikong aparato sa iyong utak. Kapag ito ay naitanim na sa utak mo, ang aparato ay magpapalabas ng mga signal na lalaban sa aktibidad ng utak na sanhi ng panginginig ng iyong kamay at katawan. Ang DBS ay irinerekomenda sa mga taong may malalang kaso ng panginginig.

Therapy sa pasmadong kamay

Maaaring irekomenda ng doktor ang isa o higit pang mga pagbabago na maaari mong gawin para maibsan ang mga sintomas ng pasmadong kamay.

Ito ay ang mga sumusunod:

Gumamit ng mas mabibigat na mga kasangkapan. Maaari mong palitan ang magagaan at maseselang mga gamit tulad ng babasaging mga baso o plato ng mas mabibigat na mga gamit. Ang bigat nito ay tutulong saiyo na hindi ka masyadong mahirapan dahil sa panginginig.

Gumamit ng mga kasangkapang espesyal na dinisenyo para sa may pasmadong kamay. Ang pag hawak sa mga kasangkapan tulad ng lapis, ballpen, mga kasangkap sa pagtatanim at sa kusina ay maaaring napakahirap sa mga taong may pasmadong mga kamay. Baka kailangan mong mag hanap ng mga bersyong sadyang ginawa para sa may ganitong mga problema.

Ang pasma at ang mga Pilipino

Ano ang pasma ayon sa mga Pinoy? Ang pasma ay isang sakit na kilala dito sa Pilipinas. Walang eksaktong medikal na salitang pwedeng maging katumbas nito sa wikang ingles o kastila.

Ang sintomas ng pasma ay ang panginginig at pagpapawis ng mga kamay pagkatapos na gawin ang isang mabigat na gawain. Ang mga magsasaka na nagtatrabaho sa bukid na gumagamit ng mabigat na araro, ang mga babae na naglalaba at namamalantsa, at ang mga atletang na liligo agad pagkatapos mag laro ay siyang kadalasang nakakaranas ng pasma. Ang kanilang kamay ay siyang unang nagiging pasmado.

Ano ba ang gamot sa pasma ayon sa mga Pilipino? Kasama sa mga gamot sa pasmadong kamay ay ang langis ng niyog, alcohol at ihi.

Ang mga nanay ay nagagalit kapag binabasa ng mga anak ang kanilang mga kamay at paa matapos ang maghapong takbuhan at laro. Para hindi ka mapasma, kailangan mong magpahinga muna. Kung hindi, ang iyong mga kamay at paa ay magiginig hanggat mawalan ka ng pwersa. Oo, mangingig ang iyong mga kamay kung ito ay magkapasma, habambuhay! Hindi ka na pwedeng maging cameraman kung ikaw ay pasmado dahil hindi mo na mahinto ang iyong kamay sa panginginig!

Ang salitang pasma ay galing sa salitang kastila na espasmo, katumbas ng salitang ingles na spasm.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pasmadong Kamay: Ano ang Gamot sa Pasma?
Rate this post

loading...