Ano Ba Ang Gamot sa Pagtatae?

Reading Time: 3 minutes

Kung ikaw ay nagtatae, ang iyong dumi ay masyadong malambot at matubig. Bagaman ang patatae o diarrhea ay lubhang pahirap sa mga taong nakararanas nito, ang pagtatae ay isang pangkaraniwang sakit at kadalasang hindi dapat ikabahala ang ganitong uri ng sitwasyon.

Ang pagtatae ay kadalasang tumatagal ng dalawa o tatlong araw depende sa iyong pangangatawan o sa sanhi kung bakit ikaw ay nagtatae. Kung kinakailangang ito ay gamutin, makabibili ka ng over the counter na gamot sa pinakamalapit na botika, over the counter – ibig sabihin, hindi mo na kailangang kumuha pa ng resita sa doktor pang makabili nito.

Maraming tao ang nagsasabi na sila ay tinatamaan ng pagtatae isa o dalawang ulit bawat taon. Kung ikaw ay nakararanas ng tinatawag na irritable bowel syndrome, makakaranas ka ng pagtatae mas madalas kaysa iba.

  • Masidhing kagusthan na magbawas, kahit ikaw ay wala sa lugar
  • Masyadong malambot o wasak na dumi
  • Matubig na dumi
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Kabag
  • Pagkakaroon ng bahid ng dugo, sipon o hindi natunaw na pagkain sa dumi
  • Biglaang pagbawas ng timbang
  • Lagnat

Kung ikaw ay may matubig na dumi sa loob ng tatlong araw at ikaw ay hindi umiinom ng sapat na dami ng tubig, malamang na ikaw ay ma dehydrate. Ang dehydration ay lubhang mapanganib kung hindi mabigyan ng karampatang lunas.

Kadalasan, ang pagtatae ay dulot ng impeksyon sa bituka na sanhi ng isang uri ng virus.
Subalit ito ay maaari ring sanhi ng mga sumusunod na kalagayan:

  • Pagpakalabis sa inuming de alcohol
  • Pagkakaroon ng allergy sa isang uri ng pagkain
  • Pagkakaroon ng diabetes
  • Pagkakaroon ng ulcer
  • Pagkain ng mga pagkaing nakasisira ng tiyan
  • Impeksyon dulot ng bakterya, sanhi ng food poisoning
  • Pag abuso sa gamot pampatae
  • Pagtakbo ng matagal
  • Ilang uri ng kanser
  • Operasyon sa tiyan

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Sumanggni sa iyong doktor kapag:

  • May dugo o maitim ang dumi
  • May napakataas na lagnat
  • Ang pagtatae ay nagtatagal ng mahigit dalawang araw
  • Pagkahilo at pagsusuka na maaaring dahilan kung bakit hindi ka na makainom ng tubig pampalit sa tubig na inilalabas ng pagtatae
  • Matinding sakit ng tiyan
  • Pagtatae kung ikaw ay papabalik galig sa ibang bansa

Sumangguni din sa doktor kapag nakita ang smusnod na sintomas ng dehydration:

  • Maitim o matingkad ang kulay ng iyong ihi
  • Biglaang pagkonti ng ihi
  • Mabilis na pintig ng puso
  • Sakit ng ulo
  • Natutuyong balat
  • Pagiging maiinitin ang ulo at pagkabalisa

Kung ang iyong pagtatae ay hindi naman malubha, hindi mo na kinakailangang uminom ng kung ano man. Ikaw ay maaari ding bumili ng over the counter na gamot tulad ng loperamide, Imodium o Diatabs. Maingat na sundin ang nakasulat na instruction sa pakete.

Panatilihin ang tamang suplay ng tubig sa katawan. Uminom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig araw araw. Uminom ng mga inuming mababa sa fiber, taba at caffeine. Ang pag inom ng tsaa, honey at Gatorade ay makakatulong din.

Kung ang pagtatae ay lubhang nagpapahirap sayo di kaya naman ay hindi nawawala sa loob ng dalawa o tatalong araw, walang masama kung ikaw ay sasangguni sa doktor.

Ang pinakamahusay na paraan para makaiwas sa pagtatae ay ang pagiging mapili sa mga iniinom at kinakain.

Kung pupunta ka sa mga lugar na hindi mo pa kabisado, huwag kang iinom basta-basta ng tubig, tulad ng:

  • Inumin na may tubig na gawa sa lugar na iyan
  • Fruit juice na hinaluan ng tubig
  • Pagsipilyo at pagmumug ng tubig na galing sa pinagkukunan nila
  • Uminom ng bottled water kung meron.
  • Pakuluan ng tatlong minute ang tubig bago ito inumin

Karagdagan pa, narito ang ilang mga tips para makaiwas sa pagtatae na dala ng pagkain:

  • Umiwas sa mga pagkaing binibenta sa mga kalsada
  • Umiwas sa mga prutas na hinugasan gamit ang kontaminadong tubig
  • Kumain lamang ng pagkaing maayos ang pagkakaluto at ihinain habang mainit pa
  • Umiwas sa mga pagkaing itinago sa mamasa-masang lugar

Maghugas ng mga kamay lalo nab ago kumain at humawak sa mukha. Huwag hayaang isubo ng mga bata ang anuman pati na ang kanilang mga kamay. Gumamit ng alcohol o hand sanitizer kung walang makuhang malinis na tubig.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ba Ang Gamot sa Pagtatae?
4 (80%) 25 votes