in

Ano ang Gamot sa Dyspepsia?


ad

Nakaranas ka na ba ng Dyspepsia? Hindi lahat ng tao, alam ang karamdamang ito? May mga iba pa ngang nagbibiro kapag natanong tungkol sa karamdamang ito ng, “Ano iyon? Kinakain ba iyon?” Kung isa ka sa mga nakapagbiro na ng ganito, o, wala kang ideya kung ano ang sakit na ito, huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng artikulong ito para maunawaan mo ang sakit. Maging ang tamang gamot sa Dyspepsia ay matutuklasan mo rito. Narito ang mahahalagang impormasyong makatutulong sa iyo para mas maintindihan pa ang sakit:

  • Mga katotohanan tungkol sa dyspepsia
  • Mga gamot sa dyspepsia
  • Natural na paraan sa para mawala ang dyspepsia
  • Mga dahilan ng dyspepsia
  • Mga sintomas ng dyspepsia
  • Paano ito maiiwasan
  • Mga pagkain na puwedeng makatulong

Ang dyspepsia ay karaniwang tawag sa sakit ng tiyan dahil hindi natunawan. Ang hindi komportableng pakiramdam at sakit sa itaas na bahagi ng tiyan o sikmura ang isa sa pangunahing sintomas nito. Ang iba pang sintomas ay kabag, pagdighay at iba pa.

Kung tutuusin, maaari rin namang hindi ituring na sakit ang dyspepsia dahil ang madalas na dahilan naman nito ay ang ating mga kinakain at iniinom. Kung minsan naman, ang nagiging dahilan ng dyspepsia ay impeksyon o kaya dahil sa pag-inom ng gamot dahil sa iba pang mga sakit na nararamdaman.

Ano ang dyspepsia?

Bago mo pa problemahin ang gamot sa dyspepsia na iinumin, alami mo muna kung ano ito. Ano ba ang mga sintomas at sanhi nito? Kadalasang sintomas na nararamdaman ng isang taong may maydsyspepsia ay ang pakiramdam na busog kahit na kaunti lamang ang kinain, o kaya ay kinakabagan. Ang mga kinakain at iniinom ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng dyspepsia. May dalawang paraan para gamutin ang dyspepsia. Ito ay depende kung gaano kalala an discomfort sa tiyan na nararamdaman.

Sanhi ng dyspepsia

Ang karaniwang sanhi ng dyspepsia ay mga nakaugalian nang paraan ng pagkain at mga uri nito gaya ng:

  • Mabilis kumain at marami ang kinakain
  • Pagkain ng matataba at maaanghang na pagkain
  • Sobrang pag-inom ng inuming may alcohol at caffeine
  • Sobrang pag-inom ng inuming may soda at chocolate
  • Emotional trauma
  • Bato sa apdo
  • Gastritis o pamamaga sa loob ng tiyan
  • Infection na dahilan ng bacteria na H.pylori
  • Sobrang nerbiyos
  • Sorbang katabaan
  • Pancreatitis o pamamaga ng pancreas
  • Peptic ulcer
  • Paninigarilyo
  • Stomach ulcer

Mga sintomas ng dyspepsia

Narito ang ilang sintomas ng dyspepsia:

  • Panghihina
  • Sakit ng tiyan
  • Pakiramdam na parang laging busog
  • Kabag

Kung minsan ang ganitong mga sintomas ay dahilan din sa sakit na ulcer.

Kumonsulta agad sa doktor kapag ang mga sintomas na naramdaman ay ganito:

  • Pagpayat at walang ganang kumain
  • Pagsusuka
  • Pagkakaroon ng dugo sa dumi
  • Paninilaw ng balat at mata
  • Pananakit ng dibdib
  • Sakit ng dibdib hanggang sa panga at batok

Ang dyspepsia at heartburn, kung minsan, ay parang magkapereho ngunit magkaiba ang ganitong kondisyon. Ang heartburn ay dahilan sa acid reflux kaya ang pakiramdan nito ay parang mainit at masakit sa dibdib at kadalasang nararamdaman ito pagkatapos kumain.

Mga paraan at gamot sa dyspepsia

Gamot sa dyspepsia sa natural na paraan

Kapag ang sintomas na nararamdam ay hindi naman malala, puwedeng ang gamot sa dyspepsia ay sa natural lamang na pamamaraan. Ang isa sa mga ito ay baguhin ang mga nakasanayan na. Ang mga pagkain gaya ng matataba at maaanghang ay puwedeng maging sanhi ng dyspepsia. Ang mga inumin na mayroong caffeine, chocolate at alcoholic beverages ay maaari ringmaging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon.

Matulog ng 7 hanggang 8 oras gabi-gabi upang matulungang maging maayos ang indigestion. Ang pag-e- ehersisyo ng tama at hindi paninigarilyo ay makakatulong din para sa maayos na panunaw ng pagkain at maiwasan ang indigestion.

Gamot sa dyspepsia na puwedeng ireseta o irekomenda ng doktor

Kapag malala ang sintomas na nararamdaman sa pagkakaroon ng dysopepsia, nararapat lamang na magpatingin na sa doktor. Siya lamang ang puwedeng makapagbigay ng tamang gamot base sa mga sintomas na nararanasan mo o sa mga pagsusuring ginawa niya sa iyo. Ang mga gamot na ito ay tulad ng:

Antacids – Ito ang pangunahing gamot sa dyspepsia. Ito ay dahil sa pagkaing hindi natunaw kaya nagkakaroon ng acid sa tiyan.

Narito ang ilan pang uri ng gamot sa dyspepsia na maaaring ibigay ng doktor o kaya ay mabili sa botika:

  • Alka-seltzer
  • Maalox
  • Rolaids
  • Roipan
  • Mylanta

H-2-receptor antagonists – Ang ganitong uri ng mga gamot sa dyspepsia ang mas tumatagal ang epekto kaysa sa antacids. Ngunit ang antacids naman ay mas mabilis na nagpapagaling ng acid sa tiyan.

Narito ang ilang uri ng gamot sa dyspepsia na H-2-receptor antagonists:

  • Zantax
  • Tagamet
  • Pepcid
  • Axid

Ang ilang mga uri ng gamot sa dyspepsia na ito ay mabibili sa botika ngunit ang iba naman ay kailangan ng reseta ng doktor.

Sa pag-inom ng ganitong uri ng gamot ay puwedeng makaranas ng ilang side-effect gaya ng panghihina, pagsusuka, sakit ng ulo at pagtatae. Kaya naman dapat lamang na kumonsulta sa iyong doktor bago uminom o gumamit ng ganitong klase ng mga gamot.

Proton pump inhibators (PPIs) – Ang ganitong uri ng gamot sa dyspepsia ay mas malakas ang epekto kaysa sa mga unang gamot na nabanggit sa artikulong ito. Kung minsan ang ganitong uri ng mga gamot ay ginagamit ding gamot sa may mga sakit na GERD o gastroesophageal acid relux disease.

Narito ang ilang uri ng ganitong gamot:

  • Aciphex
  • Nexium
  • Prevacid
  • Prilosec
  • Protanix
  • Zegerid

Mas makabubuting itanong sa iyong doktor ang mga posibleng maging side effects ng ganitong mga uri ng gamot.

Prokinetics – Ang ganitong uri ng gamot ay tumutulong upang maging madali ang pagtunaw ng pagkain. Ang isa sa gamot na ito ay Reglan. Ang mga side effects na puwedeng maranasan sanhi ng pag-inom ng gamot na ito ay ang pagkaramdam ng pagod, depression, hindi makatulog, panghihina at pananakit ng kalamnan.

Antibiotics – Ang H.pylori ang siyang sanhi ng peptic ulcer na nagiging dahilan ng indigestion o hind natunawan. Sa ganitong kondisyon, maaaring magbigay ang doktor ng antibiotic. Ang mga side effects na maaaring maranasan ay ang pagsakit ng tiyan, pagatae at fungal infection.

Antidepressants – Kapag sa kabila ng mga gamot sa dyspepsia na ibingay, ay hindi pa bumubuti ang iyong pakiramdam at wala namang nakikitang dahilan ang doktor na ibang dahilan, maaaring bigyan ka niya ng mas mababang dose ng antidepressants.

Ang antidepressants ay nakatutulong upang mawala ang sakit at hindi komportableng pakiramdam na dulot nito. Ang mga side effects na puwedeng maramdaman sa paggamit ng gamot na ito ay sakit ng ulo, panghihina, hirap sa pagdumi at pamamawis.

Mga pagkaing makakatulong para maiwasan ang dyspepsia at indigestion

Kung nakagawian mo nang kumain at uminom ng mga nabanggit na maling pagkain at inumin, ngayon na ang tamang panahon para baguhin ito. Narito ang ilang pagkaing puwedeng makatulong sa iyo:

  • Mga prutas
  • Mga pagkaing may nuts
  • Yogurt
  • Cereals
  • Uminom ng maraming fluid o tubig

Ang pagkain at pag-inom sa maling paraan at lifestyle change ay puwedeng maging dahilan ng dyspepsia. Kaya naman magkaroon ng balanced diet at healthy lifestyle para makaiwas sa sakit. Kumonsulta sa doktor kapag nakaramdan ng ganitong kondisyon. Siya ang best person na makapagbibigay sa iyo ng tamang gamot sa dyspepsia ayon sa mga sintomas na nararamdaman mo.


ad

Written by Dr. Joshua Margallo

Residency training in UP-PGH Department of Family & Community Medicine Graduated from Matias H. Aznar Memorial College of Medicine, Cebu City in 1989. As a general practitioner I see my patients in a holistic approach and coordinate a referral to other specialists when needed. Additional services I offer are: family counseling, health and wellness promotion and preventative medicine.

Sakit sa Tagiliran: Ano ang Sanhi ng Pananakit ng Kanan o Kaliwang Tagiliran

Sintomas ng Rabies: Mag-ingat sa Kagat ng mga Hayop!