Ano Ang Mabisang Gamot sa High Blood Pressure?

Reading Time: 6 minutes

Ang high blood pressure ay isa sa pangunahing mga sanhi ng pagkamatay ng mga tao, hindi lamang dito sa atin sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.

Ang artikulong ito ay ginawa para tulungan kang maunawan ang sakit na highblood at ipakita sa iyo ang mga paraan ng paggamot na available sa iyo.

Katulad ng nabanggit sa unang bahagi, ang high blood ay isang delikadong sakit. Marami ang nagkakaroon ng sakit sa puso at strokes dahil sa sakit na ito. Alam mo bang maging sa mga kabataan ay dumarami na rin ang may mga kaso ng highblood?

Opo! dahil yan sa mga sanhi ng highblood na kalimitang binabaliwala natin. Narito ang ilan sa mga sanhi ng high blood pressure.

    • Isa sa nangungunang sanhi ng high blood ay dahil sa genes. Opo, ang sakit na ito ay namamana
    • Ang lifestyle o uri ng pamumuhay, isa pang sanhi ng pagkakaroon ng altapresyon
    • Maling diet, ang pagkain ng mga karne na matataas sa kolesterol ay isa ring sanhi ng high blood
    • Pagiging tamad o kakulangan sa mobility ng katawan o uri ng trabaho (palaging nakaupo)
    • Isa pang sanhi ng high blood pressure ang katabaan o obesity
    • Maging ang kakulangan sa ehersisyo ay nangunguna rin sa mga sanhi nito
  • Huwag masyadong magbabad sa init ng araw dahil isa rin itong sanhi ng altapresyon

Ang sakit na ito ay tinaguriang silent killer. Isang traydor na sakit sapagkat kung umatake ito ay biglaan at hindi rin ito nagpapakita ng agarang sintomas. Gayunpaman, may mga palatandaan na mapapansin mo saiyong katawan kapag mataas ang presyon ng dugo mo. Ito ang kailangan mong malaman sapagkat ito ang magbibigay hudyat sa iyo na kailangan mong pumunta sa pinaka-malapit na ospital, o kaya naman ay magpatingin ng iyong blood pressure.

Narito ang mga sintomas ng highblood na dapat mong bantayan:

  • Ang taong mataas ang presyon ng dugo ay nahihilo at sumasakit ang ulo
    • Nakakaranas rin ng panghihina ng katawan ang taong may high blood pressure
  • Kasabay nito ay ang pagsusuka at kawalan ng gana sa pagkain

Paalala lamang, hindi lahat ng nabanggit na sintomas ay nangangahulugan na mataas nga ang high blood pressure. Upang makasiguro, mas mainam ang magpa-check ng presyon ng dugo sa pinaka-malapit na health center sa inyong barangay.

Kung may marunong gumamit ng BP meter sa mga kalapit-bahay, mas maganda ang magpaunang check muna sa kanila.

Para sa maraming Pilipino, ang altapresyon may isang uri lamang. Ngunit alam mo ba na nahahati ito sa dalawang kategorya? Opo! gayunpaman, hindi ito matutukoy kung wala ang kakayahan ng isang eksperto. Ano ba ang dalawang uri ng high blood pressure o altapresyon?

    • Primary hypertension – Ito ang pinaka-karaniwang uri ng high blood sa buong mundo. Ang sanhi ng primary hypertension ay ang mga tinalakay sa unang bahagi ng artikulong ito. Katulad ng lifestyle, diet, aktibidad ng katawan at genetics.
  • Secondary hypertension – Kapag ang pasyente ay mayroong sakit sa kidney o may tumor sa adrenal glands ito ay maaaring mauwi sa secondary hypertension. Ang mga inang natatapos pa lang managanak at mga babaeng gumagamit ng birth control pills ay mataas rin ang chance na magkaroon ng secondary hypertension.

gamot sa high blood pressure

Mahalaga na matukoy kung ano ba talaga ang pinagmumulan ng pagtaas ng iyong presyon. Kung sasangguni ka sa doktor mo, titingnan niya ang resulta ng iyong blood test para matukoy ang ano mang abnormalidad.

Kung ang sanhi ng pagkakaroon mo ng altapresyon ay ang mataas na cholesterol, magbibigay ang doktor ng maintenance na gamot para mapababa ang cholesterol sa dugo mo.

Isa sa pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo ay ang mataas na blood sugar level, na kug saan nalulunasan din ng pag-inom ng gamot araw-araw para dito.

Kung minsan, sakit sa bato o kidney disease ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng highblood ang isang tao. Kung gayon, gagamutin ng doktor mo ang sakit na ito para maiwasan ang patuloy na pagtaas ng presyon at pagkasira ng bato.

Tandaan: Ang altapresyon ay isang seryosong sakit. Indikasyon din ito ng pagkakaroon ng mas seryoso at mas malalang kundisyon.

Kaya bagaman available ang mga alternatibong paraan o lunas sa pagtaas ng presyon ng dugo mo, mas mabuting sumangguni ka muna sa doktor mo bago ka gumawa ng anuman.

halamang gamot sa highblood

Bukod sa mga gamot na maaaring ireseta ng doktor para makontrol ang pagtaas ng presyon mo, may mga sangkap na maaari mong kainin o inumin na maaaring makatulong sa iyo na mapababa ang iyong blood pressure.

Sa muli, tandaan na ang mga alternatibong lunas na ito ay pantulong lamang. Ipakipag-usap sa doktor mo ang home remedies na gusto mong gamitin bago ka gumawa ng anuman.

Narito ang ilan sa mga ito:

Sabaw ng buko. Tama! Hindi lang mahusay sa UTI ang sabaw ng buko. Alam mo bang ang natural na taglay nitong magnesium at potassium ay mahusay na panlaban sa altapresyon? Kapag nakaramdam ng mga palatandaan ay uminom kaagad ng sabaw ng buko.

Buto ng sunflower.  Katulad ng sabaw ng buko, ang buto ng bulaklak na ito ay mayaman rin sa magnesium na mainam na gamot sa high blood pressure. Pumili sa pamilihan ng nilagang buto ng sunflower na walang asin.

Gumamela . Opo! hindi lang napaka-gandang bulaklak kundi gamot rin sa altapresyon, alam mo bang bawat gamot sa altapresyon na mabibili mo sa botika ay mayroong sangkap ng gumamela? Tama, ito rin ay sinagayonan ng mga eksperto.

Luya/salabat. Paano ba gumawa ng salabat? Magpakulo lamang ng maraming luya sa loob ng tatlong minuto, lagyan ito ng tamang dami ng asukal, pagkatapos ay maaari na itong inumin. Ang sabaw ng luya ay talaga namang napakahusay na pangontra sa high blood pressure.

Bawang. Kapag nakaramdam ng sintomas ng high blood, mag-nganga lamang ng bawang at tiyak na bababa kaagad ang presyon ng dugo mo. Puwede mo ring pigain ang bawang pagkatapos ay inumin moa ng katas nito.

Patatas. Ang gulay na ito ay mayaman sa mineral na potassium na talagang mahusay na pampa-baba ng presyon ng dugo. Maraming paraan para kumain ng patatas pero pinaka-mainam ang paglalaga lang nito ng walang asin.

Saging. Katulad ng patatas, napakayaman rin sa potassium ang saging. Isang ordinaryong prutas dito sa Pilipinas at tiyak na hindi ka mahihirapan maghanap nito.

Pinya. Isa sa pinakasikat na pampa-baba ng presyon ng dugo. Sa katunayan, may mga nabibiling alternatibong purong katas ng pinya sa mga tindahan at grocery stores. Ang mga nabibiling ito ay subok na at puwedeng puwede mo ring subukan.

Dagdag kaalaman, paano ba sinusukat ang presyon ng dugo? Ayon sa isang sikat na doktor, kapag ang presyon ng dugo ay lumampas na sa 190 over 90, ito ay isang indikasyon na high blood ka nga. Ngunit alam mo ba na may mga taong normal sa kanila ang bilang na ito? Opo! at mayroong paliwanag ang mga doktor patungkol dito. Kaya naman, ipinapayo nila ang regular na pagpa-check up lalong lalo na kapag nagkaka-edad na.

Narito ang mga kung paano makaiiwas sa pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo. Mas makabubuti ang pag-iwas sa highblood kaysa pagpapagamot.

    • Baguhin ang lifestyle. Tama, ito ang dapat na unang gawin lalo na kapag nasa genes mo ang sakit na ito. kung mahilig ka sa karne at matatabang pagkain, panahon na upang baguhin ito.
    • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak at itigil na rin ang paninigarilyo
    • Upang makaiwas sa high blood, sanayin ang sarili sa isang ehersisyo na magpapatibay ng iyong katawan
    • Magkaroon ng sapat na tulog at umiwas rin sa stress at depresyon
    • Huwag masyadong magbabad sa araw upang maiwasan ang pagtaas ng presyon ng dugo.
    • Ugaliin ang pagkain ng maraming prutas at gulay
    • Kung ikaw ay mataba, bawasan ang timbang dahil ang obesity ay sanhi ng high blood
    • Bawasan rin ang pag-inom ng kape dahil ang caffeine ay nakakapag-pataas ng presyon ng dugo
    • I-monitor ang presyon ng dugo. Ugaliin ang regular na magpa check ng bilang ng dugo sa pinaka-malapit na health center sa inyong barangay.
    • Kung ikaw ay isang senior citizen, mas makakabuti ang maglaan ng gamot para sa iyong maintenance
  • Iwasan rin ang labis na pagpapagod. Nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyon ng dugo ang labis na pagkapagod ng katawan mo.

Kaunting paalala lang, ang high blood pressure ay ang pangunahing sanhi ng atake sa puso at stroke. Iwasan ang mga dapat iwasan, at gawin ang mga dapat gawin na nabanggit sa artikulong ito. Sa bandang huli, ikaw pa rin ang makakatulong sa sarili mo, at ang disiplina ang dapat na maging pangunahin mong sandata laban sa high blood.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Ang Mabisang Gamot sa High Blood Pressure?
5 (100%) 2 votes