Alamin Kung Ano Ang epektibong Gamot sa Hika!

Hika

Dahil sa ang hika ay isang pangkaraniwang sakit sa paghinga hindi lamang ng mga bata kundi pati na ng mga matatanda. Ang artikulong ito ay makakatulong sa iyo na lunasan ang pagkakaroon ng hika.

Ano ba ang hika?

Una sa lahat, ang sakit na ito ay pang-karaniwan sa ating mga kababayan, mga bata man o matanda ay wala itong pinipili. Isa itong pang matagalan at pabalik-balik na sakit na kung saan ang iyong baga o lungs ang naaapektuhan. Paliwanag ng mga eksperto, ang hika o asthma sa ingles ay ang pamamaga ng bronchial tubes. At kapag ito ay namaga, nagiging sanhi ito ng pagkipot ng daanan ng hangin sa ating baga.

Ano ang mga pangunahing ng hika o asthma?

Ayon sa mga doktor, merong ibat ibang sanhi ang asthma at kabilang na riyan ang mga sumusunod na ito:

Maruming kapaligiran

Maniniwala ka ba kung sabihin ko saiyo na lahat tayo ay may hika? Totoo! Lahat tayo ay mayroon nito simula pa lamang pagkabata. Meron lamang mga sirkumstansya na nakakapag-pagising sa sakit na ito. Katulad na lamang ng polusyon, maruming hangin, mabahong amoy, alikabok, at mga usok.

Henetiko

Tama, namamana ang sakit na hika o asthma, at karaniwang naaapektuhan nito ay mga bata dahil mahina pa ang kanilang panlaban o immunity. Sa pagtagal ng panahon, may mga kaso na nawawala rin ang hika sa pagtanda ng tao.

Medical condition

Ano ang ibig sabihin nito? Pansinin ninyo ang mga bata, kadalasang inaatake sila ng hika sa tuwing sila ay may sipon, ubo, o kaya naman lagnat. Sa medisina, ang hika ay isang allergy o alerhiya, at madalas na inaatake nito ang mga tao partikular na ang mga batang mahina ang resistensya o immune system.

Narito ang ilan pa sa mga sanhi ng pag-atake ng hika o asthma:

  • Pisikal na aktibidad (napapagod ang katawan)
  • Kapag natuyoan ng pawis sa likod lalo na sa mga bata
  • Pagkain na ipinagbawal ng doktor kung may hika katulad ng (hipon, at iba pang lamang dagat)
  • Paninigarilyo at paginom ng alak
  • Matinding emosyon dulot ng stress o depresyon
  • Mainit o malamig na panahon

Nahihirapan ka bang huminga? Alam mo bang hindi lahat ng taong hirap huminga ay may sakit na hika? opo! Sa katunayan, ang mga sintomas ng sakit na ito ay naka-depende mismo sa isang tao. Ibig sabihin magkakaiba-iba ang pinapakitang sintomas.

Halimbawa, may ilang tao akong kilala na kung atakihin ng hika ay umaabot ng isang linggo! Ganyan katagal. Meron namang iba na isang araw lang, at ang iba naman ay oras o minuto lang ang itinatagal.

Pero ano nga ba ang mga pangunahing sanhi ng hika? Marahil ay may alam kana dito pero nasisigurado kong hindi lahat. Kaya naman narito ang ilan sa mga sintomas ng hika na dapat mong bantayan:

  • pinaka-pangunahing sintomas ng hika ay ang hirap sa paghinga
  • Kasabay ng problema sa paghinga, meron rin itong kasamang paninikip at pananakit ng dibdib
  • Hirap matulog kapag gabi dahil sa discomfort sa paghinga
  • Ang isang taong may hika ay merong whistling (sipol) sound kapag humihinga
  • Madalas na pagubo na kung minsan ay may kasamang plema
  • Panghihina ng buong katawan
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Ang taong may hika ay mabilis ring mapagod
  • Kung minsan ay may kasabay ring lagnat ang pag-atake ng hika

Bagaman hindi lahat ng uri ng kahirapan sa paghinga ay hika na,  mas makabubuting magpatingin ka kaagad sa doktor kung maranasan mo ang isa o ilan sa mga sintomas na ito para matukoy kung hika nga ang nagpapahirap sa iyo.

Kung inaakala mo na ang hika ay basta hika lang, nagkakamali ka! Maraming mga mananaliksik at mga eksperto ang nagpatunay gamit ang kanilang pag-aaral na ang hika ay nahahati sa dalawang kategorya.

Narito ang 11 uri ng hika na maaaring magpahirap sa iyo:

  • dala ng aspirin
  • dala ng pagtanda
  • dahil sa pagbabara ng daanan ng hangin
  • asthma dahil sa allergy
  • Non-allergic na hika
  • hika dahil sa pag-eehersisyo
  • hika na nakuha sa pagtatrabaho
  • hika na panggabi
  • asthma na dala ng malabis na katabaan
  • Cough-variant na hika

Bawat uri nito ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang matukoy sila. Gayunpaman, ang mga sintomas ng mga ito ay halos magkakapareho lamang, nagkakaiba lamang sila sa tagal ng atake o dalas ng pag-atake.

Kung pagbabasehan ang pag-aaral ng medisina, wala pa talagang gamot sa hika, mayroon lamang mga alternatibong gamot na makakapag-bawas ng pag-atake nito. Ang mga gamot sa hika na ito ay makakatulong rin upang mabawasan ang lala ng sintomas na hatid nito.

Gamot sa hika gamit ang tubig: Mag-pakulo ng tubig pagkatapos ay palamigin ito hanggang sa katamtamang init. Gawin itong pomento gamit ang malinis na towel dalawang beses sa loob ng isang araw.

Halamang gamot sa hika: Narito ang ilan sa mga halamang gamot sa hika na maaaring makatulong sa iyo na maibsan ang matinding pag-atake ng hika:

  • Talampunay – Ang halamang gamot na ito ay kahawig ng talong at isa itong mahusay na gamot sa hika.

Paraan: Magbalot ng dalawang tuyong dahon ng talampunay. Sindihan ang mag-kabilang dulo at hithitin na parang sigarilyo tuwing ika-6 na oras. Paalala, hinay-hinay lang sa pagamit nito dahil masama ang epekto nito sa tao kapag nasobrahan.

  • Kulitis – Magpakulo ng limang murang tangkay ng kulitis, samahan ito ng bulaklak at dahon sa limang baso ng tubig. Paano ba ito inumin? Para sa matanda, uminom ng isang tasa apat na beses sa loob ng isang araw. Kalahating tasa naman para sa mga bata, apat na beses rin maghapon.
  • Sampalok – Kumumuha ng balat ng puno ng sampalok na may haba na isang talampakan. Tadtarin ito at pakuluan sa tatlong baso ng tubig sa loob ng sampong minuto. Paano inumin? Para sa matanda, uminom ng isang tasa ng pinakuluang sampalok matapos kumain at bago matulog. Kalahating tasa ulit para sa mga bata apat na beses sa loob ng isang araw.
  • Oregano – Gumawa ng oregano tea. Magpakulo ng katamtamang dami ng tubig at ilagay sa isang tasa. Kumuha ng tatlong dahon ng oregano at ibabad sa pinakuluang tubig. Hayaan itong nakababad sa loob ng 10 minuto bago inumin.
  • Bawang – Maglaga lamang ng tatlong piraso ng bawang sa ¼ na tasa ng tubig. Gawin itong tea at inumin isang beses sa loob ng isang araw.
  • Luya – Ang luya ay isa pang mahusay na panlaban sa hika. Mayroon itong katangian na nagpapabawas ng pamamaga ng daanan ng hangin papunta sa baga dahil sa hika.

Sundin lamang ng maayos ang mga paraan kung paano ito gamitin at gawin ito ng may pagtatiyaga hanggang sa mawala o mabawasan ang sintomas ng hika.

Dahil sa hirap ng buhay, kadalasan nang mga bata lamang ang binibigyan ng pangunang lunas kapag nagkakaroon ng hika, dahil alam natin na maaaring ikamatay ng mga bata ang sobrang pag-atake ng sakit na ito. Pero sa mga matatanda, kadalasan nang ipinagwawalang bahala natin ito dahil sa mahal ng mga bilihin at hirap sa paghahanap buhay.

Pero hindi mo nanaman kailangan ang gamot sa hika kung sa una pa lamang ay makakaiwas ka na sa pagkakaroon nito, hindi ba?

Ang sumusunod na mga tips ay makakatulong sa iyo na maiwasan ang pagkakaroon ng hika.

  • Iwasan ang madumi at maalikabok na lugar
  • Kung pawisin ka, huwag na huwag hahayaang matuyuan ng pawis sa likod
  • Huwag rin masyadong magbabad sa init ng araw
  • Iwasan rin ang makalanghap ng pulbos o kahit na nga usok
  • Mag ehersisyo araw-araw upang lumakas ang baga at malabanan ang hika
  • Kumain ng masusustansyang pagkain upang maging malakas ang immune system
  • Kapag malamig ang panahon, takpan ang ilong at bibig
  • Iwasan ang pagamit ng matatapang na pabango o perfume

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Alamin Kung Ano Ang epektibong Gamot sa Hika!
5 (100%) 1 vote

  •  
  •  
  •  
  •  
  •