Lahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Herpes + Natural na Mga Gamot

Reading Time: 8 minutes

Ang herpes, bagaman ito ay tumubo sa bibig o ari, ay sanhi ng mahigit 70 virus na magkakapamilya. Ang impeksyong ito ay siyang sanhi ng maliliit na mga bulutong na may tubig na maaaring tumubo sa balat at mucous membranes. May walong uri ng herpes simplex na maaaring makaapekto kapwa sa mga bata at matatanda. Pero dalawang lamang ang mas pangkaraniwan: HSV-1 at HSV-2.

Ang isa sa pinakapangkaraniwang dahilan kung bakit nagkakaroon ng singaw sa bibig ang isang tao ay pagkahawa ng herpes HSV-1. Ang virus na ito ay siyang sanhi ng cold sore, isang uri ng singaw sa palibot ng mga labi at bibig. Ito ay tinatawag din na fever blisters. Kung minsan, ang isang tao ay maaaring mahawa nito sa umpisa pa lamang ng kanyang kabataan, ang virus ay maaaring matulog lamang sa kanyang katawan, kapag ang kanyang immune system ay humina, ito ang panahon upang magpakita na ang mga sintomas ng sakit.

Ang HSV-2 naman ay mas kilala bilang genetal herpes, dahil sa ang mga butlig ay tumutubo at pumuputok sa palibot ng ari. Tinataya ng Centers for Disease Control and Prevention o CDC na isa sa tatlong mga adulto ang may herpes kahit na hindi nila alam na meron sila nito. Ang dalawang uri ng herpes ay parehong lubhang nakahahawa, at parehong maaaring maging dahilan ng mga butlig at singaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang HSV-1 at HSV-2 ay mga impeksyong kapwa naipapasa sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa taong may herpes. Ang virus ay nabubuhay sa mucous membranes ng bibig, ari at puwet. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng pagdikit sa balat ng may herpes.

Napag-alaman ng mga dalubhasa na parami nang parami ang mga kaso ng genetal herpes na sanhi ng HSV-1, ang uri ng herpes na sanhi ng singaw sa bibig. Natuklasan din ng mga mananaliksik na 85 porsyento ng mga taong may herpes ay walang ideya na sila ay meron nito. Ito ang dahilan kung bakit napakabilis kumalat ng sakit na ito, lalo na sa mga kabataan.

Para matukoy kung herpes nga ang sakit mo, kukuha ang doktor ng sample sa pamamagitan ng pag-swab sa mga paltos na nagpapakita na ikaw ay may aktibong herpes infection, o kung hindi aktibo ang mga sintomas, kukuha ang doktor ng blood test para suriin kung gaano karaming herpes antibodies ang makikita sa dugo mo.  Tandaan na ang swab test ay maaaring magdulot ng hindi tumpak na resulta kung hindi gaanong malaki ang paltos na pinagkunan nito, at kung ang mga sugat na sinuri ay pagaling na. Kaya mas epektibo ang blood test para suriin ang sakit na ito.

Narito ang ilan sa pangkaraniwang mga sintomas ng herpes:

  • Pagkakaroon ng isa o kumpol na mga singaw sa mga labi, loob ng bibig, ari, singit at itaas na bahagi ng balakang.
  • Ang sintomas ng type 1 herpes ay tinatawag na herpetic gingivostomatitis, na kadalasang nakaaapekto sa dila, mga labi, gums, at san gala-ngala ng bibig.
  • Ang sintomas ng type 2 herpes sa mga lalaki ay kadalasang makikita sa base ng ari at sa mga nakapalibot na balat.
  • Sa babae, ito ay makikita sa vulva, vagina at kuwelyo ng matris.

Ang mga paltos na dala ng herpes kung minsan ay malala, masakit at napipisa na dahilan kung bakit ito nagtutubig.

Madalas na masakit ang palibot ng mga singaw ng herpes, katulad ng mga sintomas na dala ng rashes, tulad ng pamumula at mga palatandaan ng pamamaga.

May ilang mga tao na natutukoy nila kung sila ay tutubuan ng mga paltos o singaw dahil sa makati at masakit na pakiramdan sa mga bahaging tutubuan ng mga sintomas ng herpes.

Kung minsan, ang ilang mga tao na meron nito ay nakararanas ng mga sintomas na kapareho ng sa sipon at trangkaso. Kasama sa mga sintomas na ito ay ang matinding pagod, pagiging iritable, pananakit ng katawan at lagnat.

gamot sa herpes

Ang herpes ay isang pangkaraniwang sakit na ipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, kaya naman maraming mga tao ang nag-iisip kung ano ang natural na lunas sa sakit na herpes.

Ang virus na sanhi ng herpes ay maaaring mabuhay sa katawan ng tao habambuhay, na paminsan-minsan nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga paltos o singaw na napipisa bago gumaling, Kung hindi ito gagamutin, ang mga singaw na ito ay maaaring magtagal ng 10 hanggang 14 araw. Maaari itong magdala ng mga problema tulad ng pamumula, pananakit, mahapding pakiramdam, at kadalasang pagkapahiya.

Marami ang naghahanap ng natural na paraan para gamutin ang herpes at huwag na itong bumalik habambuhay. Bagaman hindi na talaga maaalis sa katawan ng isang tao ang virus nba sanhi ng herpes, may mga paraan na maaari mong gawin para hindi na magpabalik-balik ang mga sintomas nito.

Sa katunayan, marami sa mga taong may herpes ang  hindi na nakararanas ng mga sintomas, lalo na kung madidiskubre nila kung paano imamanage ang mga triggers at biglaang pagtubo ng mga paltos.

Kaya bagaman wala naman talagang eksaktong paraan kung paano gagamutin ang herpes sa natural na paraan, may magagawa ka upang lunasan ang mga sintomas ng herpes sa natural na paraan at kung paano mo maiiwasan ang biglaang pag-atake ng mga butlig at singaw.

Sa pagpapalakas ng immune system sa pamamagitan ng tamang pagkain, mga pagbabago sa lifestyle at pag-iingat sa panahon na matindi ang mga sintomas, mapapanatili mong dormant o hindi aktibo ang anumang virus na nasa katawan mo, kasama na ang herpes.

May mga hakbang na maaari mong isagawa para maiwasan ang pagbabalik ng mga sintomas ng herpes, at hindi mo na ito maipasa pa sa iba.

Paano gagamutin ang herpes sa natural na paraan?

Hindi lahat na may herpes ay makararanas ng paglabas ng mga sintomas nito. Ang iba ay nagkakaroon ng mga butlig, singaw o paltos sa loob lamang ng madaling panahon matapos siyang mahawa ng sakit. Ang iba naman ay hindi talaga nagkakaroon ng alinman sa mga sintomas nito sa buong buhay nila.

Gaano kadalas bang tubuan ng mga butlig paltos at singaw, gaano kalalaa ang mga sintomas at gaano ba nakahahawa ang isang tao at gaano ba katagal bago mawala ang mga sintomas ng herpes. Ang lahat ng ito ay depende sa kakayahan ng immune system ng isang tao na labanan ang impeksyon.

Mga pagkaing makakatulong na labanan ang herpes

Kung ikaw ay may herpes at patuloy kang pinahihirapan ng mga sintomas nito, ang una mong gawin ay ang pagpapalakas ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga nutrients na ipinapasok mo sa katawan mo. Isama mo sa mga kinakain mo ang sumusunod na mga pagkain para mapanatili mong hindi aktibo ang herpes virus na nasa katawan mo.

Mga pagkaing mayaman sa L-lysine

Ang L-lysine ay isang uri ng amino acid na humahadlang sa pagpaparami ng herpes virus. Kumain ng legumes, isda, karne ng manok, karne ng pabo, at mga gulay.

Mapupulang gulay

Ang mga gulay na mapula at kulay kahel ay mayaman sa mga antioxidant, tulad ng carotenoid, bioflavonoids at vitamin C na nakatutulong para mapadali ang paggaling ng mga sugat sa balat at mapalakas ang iyong immunity.

Bagong huling isda

Ang mga isda, lalo na kung ang mga ito ay bagong huli ay mayaman sa omega-3 fatty acids, na nakatutulong sa paggaling ng pamamaga at pag saayos ng mga nasirang tissue sa balat.

Karneng malaman

Hindi gagaling ang anumang pinsala sa katawan kung walang protina. Kumain ng apat hanggang limang onsa ng de-kalidad na protina sa agahan, tangahalian at hapunan. Ang pinaka mainam na pinanggagalingan ng protina ay ang lamang ng isda, karneng manok at baka.

Zinc

Ang Zinc ay kailangan upang maisagawa ng katawan ang pagsasaayos sa mga pinsala dito, at tulungan ang katawan na labanan ang mga virus at impeksyon. Ang pagpahid ng ointment na may zinc ay napatunayang epektibong gamot sa mga singaw na dulot ng herpes.

Para dumami ang zinc sa katawan, kumain ng karne, buto ng kalabasa, mani at mga gulay tulad na lamang ng saluyot.

Mga pagkaing bawal sa may herpes

May mga pagkaing nakapagpapalala sa pamamaga, nakapagpapahina ng immune system at nakapagpapalala ng mga problema sa balat. Iwasan mo hanggang sa posible ang mga pagkaing ito upang malimitahan ang pagbabalik ng mga sintomas ng herpes, at kung gaano ito nagtatagal sa bawat pag-atake.

Sobrang asukal. Ang sobrang asukal ay nakapagpapahina ng immune system at nakapagpapalala ng pamamaga. Ang softdrinks, mga junk food, mga produktong may flavor tulad ng yogurt, cereal at chocolate bar ay nagtataglay ng sobrang asukal kaya kailangan mong maghinay-hinay sa pagkain ng mga ito.

Alak

Ang sobrang alcohol na nakukuha sa pag-inom ng alak, kasama na ang paninigarilyo at paggamit ng ipinagbabawal na droga ay nakapagpapahina ng immune system at nakapagpapalala ng pamamaga ng balat kung ito ay may sugat o singaw.

Processed foods

Ang karamihan sa mga processed foods ay nagtataglay ng genetically modified na mga sangkap na maaaring makapagpahina sa immune system. Ang mga pagkaing gaya nito ay maaaring maging sanhi ng allergy, magpalala ng pamamaga at nakapagpapataba.

Mga pagkaing acidic

Ang mga pagkaing acidic ay nakaiirita sa mga singaw na dala ng herpes at nakapagpapalala ng pananakit o paghapdi. Mag-iwas sa kamatis, dalanghita o iba pang prutas na citrus, at suka kung aktibo ang mga sintomas ng herpes. Pero kung hindi naman, ang mga nabanggit ay masusustansyang pagkain na dapat ay bahagi n gating daily diet.

Mga pagkaing sagana sa L-arginine. Ang amino acid ay maaaring makapagpabilis ng pagdami ng herpes virus sa katawan.  Ang pagkain ng mga produktong may refined carbohydrates tulad ng tsokolate ay nakapagpapalala ng mga sintomas ng herpes.

  • Kung ikaw ay may mga sugat na dala ng herpes sa bibig o ari, may mga paraan na magagawa ka upang mabawasan ang pananakit at mapabilis ang paggaling mga ito. Narito ang mga paraan upang maibasan ang mga sintomas, pananakit, at iritasyon.
  • Huwag mong hawakan ang mga singaw. Hugasan ang mga kamay bago o pagkatapos na mahawakan ito.
  • Huwag makipaghalikan sa mga taong may singaw sa bibig, iwasan din ang paggamit sa pagkain at pag-inom na ginamit na nila.
  • Huwag kang hihiram ng personal na mga gamit tulad ng toothbrush, lipstick, lip balm, o make up upang mabawasan ang posibilidad na mahawa o makahawa. Kapag gumaling na ang mga singaw, mas makabubuting magpalit ka na ng sipilyo. Posible kasi na ang virus ay manatili sa sipilyo mo sa loob ng mahabang panahon.
  • Para mabawasan ang iritasyon na dala ng herpes, gumamit ng natural at banayad na sabon. Gumamit ng maligamgam na tubig kapag linilinisan ang sugat.
  • Huwag subukang pisain o kuskusin ang mga sugat.
  • Huwag mong gamitan ng over the counter na mga pamahid para sa pangangati ang mga sugat. Ito ay maaaring makapagpalala lamang ng pamamaga.
  • Kung ang mga singaw ay nagdadala ng pananakit, subukang idiin ang towel na binabad sa maligamgam na tubig sa apektadong bahagi para mabawasan ang pananakit, o kaya ay magbabad ka sa maligamgam na tubig at hayaang makaabot ang init sa bahagi ng katawan na sumasakit.
  • Gumamit ng magkaibang tuwalya kapag pinupunasan ang ari at iba pang bahagi ng katawan. Posible kasing humawa sa ibang bahagi ng katawan ang herpes, pero ang paggawa ng hakbang na ito ay makatutulong sa iyo na  mangyari ito.

Mga paraan upang makaiwas sa herpes  

Ang herpes, tulad ng paulit ulit nating sinasabi, ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Kaya ang pinaka matalinong hakbang upang makaiwas sa pagkakaroon nito ay ang pagkakaroon ng eksklusibong sekswal na relasyon sa isang tao na eksklusibo lamang para sa iyo.

Kung hindi mo maiiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sekswal na kapareha, kailangan mong mag-obserba ng tinatawag na safe sex. Gumamit ng proteksyon kapag nakikipagtalik,tulad ng condom.

Makatutulong din ang regular na pagkonsulta sa doktor upang maaagang matukoy ang anumang mga palatandaan ng sakit.

Kung meron ka na nito, hindi na ito maaalis sa iyo. Pero tulad ng nabanggit natin, maaari mong imanage ang mga sintomas nito. Maging mabait sa mga taong maaari mong mahawa sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila ng tunay mong sitwasyon bago makipagtalik sa kanila.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?