Search

Diabetes – Mamuhay ng Normal Kahit Meron Nito

Diabetes – Mamuhay ng Normal Kahit Meron Nito

Ano ba ang diabetes?

Ang diabetes ay ang pagkakaroon ng sobrang glucose(asukal) sa dugo ito ay napapatunayan sa pamamgitan ng mga pagsusuri sa dugo sa pamamagitan ng fasting blood sugar at glycosylated hemoglobin(HbA1c). Ang fasting blood sugar ay ang pag-suri sa dugo mga walong oras pagkatapos kumain, kapag umabot sa 126mg/dl o sobra pa ang glucose sa dugo ay saka pa ito maituturing na diabetes-dahil ito ay nakabase sa kinakain sa nakalipas na walong oras madali itong dayain. HbA1c ay ang pagsusuri ng glucose na nakadikit sa hemoglobin, dahil ang hemoglobin ay nabubuhay sa loob ng 100 araw, madaling matutuloy kung ang taong may diabetes ay sumonod sa tama pagkain sa loob ng 100 araw, ang normal na HbA1c ay nasa 4% hangang 5.6%, habang ang may 5.7%-6.4% ay nanganganib magkaroon ng diabetes, at ang may HbA1c na 6.5% pataas ay may diabetes.

May dalawang uri ng diabetes, ang type 1 na hindi matukoy ang dahilan at ang type 2 na maaring sanhi ng sobrang katabaan-maaring maiwasan. Ang sobrang taba sa loob ng katawan ay maaring makaapekto sa normal na pag gamit ng glucose sa katawan, kapag mayroon taba ang atay (liver) mahihirapang makapasok ang glucose dito kaya mananatili ito sa dugo na siyang dahilan kung bakit mataas ang glucose sa dugo kapag ito ay sinuri. Ang sobrang glucose sa dugo ay siyang magiging sanhi ng pagkabulag, hindi pag galing ng mga sugat, pagkakaruon ng altapresyon at kung ano-ano pang koplekasyon na dala ng diabetes kaya habang maaga ay dapat agapan at kung meron na ay kontrolin ng tama.

Paano mamumuhay ng normal kahit may diabetes?

Hindi dahil may diabetes ang isang tao ay bawal na siyang kumain ng masasarap at matatamis, ito ay walang katutuhanan. Upang makontrol ang glucose kailangan lamang ng may diabetes na:

  • Kumain sa tamang sukat ng pagkain na inirerekomenda ng doctor at ng isang Registered Nutritionist-Dietitian
  • uminom ng hypoglycemic drugs o mag inject ng insulin sa tamang oras
  • mag-ehersisyo ng pumayat at ng makagawa ng maraming insulin ang lapay(pancrease)-ang insulin ang tumotulong upang makapasok sa katawan ang glucose
  • kumain kada  5 oras ng hindi bumaba ang glucose sa dugo- ang glucose ang tanging pagkain ng otak kaya kapag ito ay nagkulang ay maaring makaepekto sa pag-iisip-maaring makaranas ng pagkahilo at sakit sa ulo
  • subokang makuha ang nararapat na timbang-kapag nabawasan ang nakasagabal na taba sa atay at parte ng katawan magiging malayang pumasok ang glucose ditto kaya baba na ang glucose sa dugo
  •  kumain ng prutas at gulay- ang fiber nito ay makakatulong upang malabas sa katawan ang sobrang glucose sa pagkain
  • Maaring uminom ng matamis ngunit hindi dapat pasobrahan-hindi nakabase ang dami ng glucose sa tamis ito ay nakabase sa dami ng asukal na ginamit
  • Gaya ng taong walang sakit, umiwas sa pag gamit ng sobrang asin, pag-kain ng matatabang pagkain, at pagkaing mataas sa cholesterol-ang mga ito ang kadalasang sanhi ng sakit kaya kahit walang sakit ay dapat iwasan
  • Kung umiinom ng alcohol, uminom ngunit huwag pasobrahan- walang nakakabuti sa kahit anong pagkaing sobra-sobra
  • Ipacheck-up ang mata ng makasigurong hindi ito nasisira dahil sa sobrang glucose
  • At huwag susuot ng tsinelas o sapatos na maaring maging sanhi ng kahit anong uri ng sugat-ang taong may diabetes ay nahihirapang pagalingin ang ano mang uri ng sugat

 

Ang pagkakaruon ng diabetes ay nangangailangan ng pag-iingat dahil ang pag taas ng glucose sa dugo dahil sa kapabayaan ay maaring madulot ng komplikasyon. Maari pa rin namang kumain ng masasarap at matatamis na pagkain kailangan lamang isaisip na hindi ito pasobrahan, kung maari gumamit ng ibang pampatamis ng walang glucose ng maiwasan ang pag taas nito sa dugo. Hindi kinakailangang pag bawalan ang sarili ng sobra-sobra dahil maari rin itong maging sanhi ng malnutrisyon, kailangan lamang kumain ng tama sa dami ng maiwasan ang sobrang pagtaas o sobrang pagbaba ng glucose sa dugo na maaring magdulot ng koplekasyon. May diabetes man o wala, upang mapanatiling malusog ang katawan, kumain ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo, matulog ng 7 oras araw-araw at umiwas sa bisyo, ito ang mga natatanging paraan upang mapangalagaan ang katawan upang ang sakit ay maiwasan.

Please share this page with your friends!

KATULAD NA MGA ARTIKULO