Lahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Chlamydia + 5 Mabisang Halamang Gamot!

Reading Time: 7 minutes

Ang chlamydia ay ang pinaka karaniwang uri ng sexually transmitted disease o sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik dito sa Pilipinas na maaaring magamot. Ang sakit na ito ay nakaaapekto kapwa sa mga lalaki at babae sa buong mundo. Ang mahirap sa paggamot sa chlamydia at pag iwas na mahawa nito ay ang mga taong merong chlamydia ay hindi nakararanas ng mga sintomas. Pero tandaan na ang hindi pagkakaroon ng sintomas ay hindi nangangahulugan na pwede mo na itong balewalain.

Sa katunayan, ang chlamydia ay maaaring maging sanhi ng seryoso at permanenteng mga pinsala sa iyong reproductive system. Ito ay maaaring maging sanhi ng kahirapan at pagiging imposible pa nga na mabuntis. Ito rin ay maaaring maging dahilan ng ectopic pregnancy, isang nakamamatay na kundisyon.

Kung ang isang babae ay may chlamydia habang siya ay nagdadalang tao, posible na mahawa niya rin ang kanyang sanggol habang ito ay isinisilang. Maaari itong maging dahilan ng pagiging premature, malalang impeksyon sa mata, at pulmonya. Dahil sa mga ito at sa iba pang mga panganib, mahalaga para sa mga taong aktibo sa sex na regular na magpasuri. Mahalaga rin na ipagpatuloy mo ang pag-inom ng gamot sa chlamydia kung meron ka nito, hanggang sa mawala ang impeksyon.

sanhi ng chlamydia
Ang bacteria na Psittacosis Chlamydia psittaci

Bacteria ang sanhi ng chlamydia, isang napaka pangkaraniwang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Madali itong maipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik: vaginal, oral o anal sex man. Ayon sa mga dalubhasa, kahit na regular ang paggamit mo ng condom, para makaiwas ka sa chlamydia, kailangan mo nang isuot ito bago pa man ang skin to skin contact. Isuot mo ito hanggang sa matapos ang pakikipagtalik.

Sa Estados Unidos, sinasabing 2.86 milyon katao ang nahahawa ng chlamydia taon taon, dalawa sa tatlo dito ay mga kabataan na ang edad ay 15 hanggang 24 taong gulang. Kaya dahil sa madaling maipasa ang chlamydia, mahalaga na hindi lamang matatanda ang nasusuri, dapat ang mga kabataang aktibo sa pakikipagtalik ay masuri rin para makaiwas sila sa pangmatagalang epekto ng chlamydia.

Madali lamang ang pagsusuri para sa chlamydia, kailangan lang na kumuha ng samle ng iyong ihi para makita kung ang bacteria na sanhi ng chlamydia ay nasa katawan mo. Kung sa tingin ng doktor may chlamydia ka sa mata, urethra, puwet o lalamunan, hihingi siya ng culture test, gamit ang swab para kunin ang sample.

Sintomas ng chlamydia sa babae
Sintomas ng chlamydia sa babae

Tulad ng nasabi na natin sa unahan ng artikulo, bibihirang maramdaman ang mga sintomas ng chlamydia. Ayon sa mga dalubhasa, tinatayang 75 porsyento ng mga kababaihan at 50 porsyento ng mga kalalakihan ang may chlamydia subalit hindi nila alam na meron pala sila nito.

Kaya kailangan mong matukoy ang mga palatandaan ng chlamydia, para mabantayan mo ang sarili mo.

Sintomas ng chlamydia sa mga babae:

  • Masakit o mahapding pag-ihi
  • Masakit ang bandang ibaba ng tiyan
  • Discharge sa pwerta
  • Masakit kapag nakikipagtalik
  • Pagdurugo kahit hindi pa naman regla
  • Pagdurugo pagkatapos makipagtalik
  • Pananakit ng puwet, discharge o pagdurugo nito
  • Pamamaga o impeksyon sa mata
  • Pananakit ng ibabang bahagi ng likod
  • Lagnat
  • Pagkahilo

Sintomas ng chlamydia sa mga lalaki:

  • Masakit o mahapdi na pag-ihi
  • Pananakit at pamamaga ng bayag
  • Pamumula, pangangati at pamamaga ng butas ng ari
  • Dilaw na discharge sa ari
  • Pananakit ng puwet, pamamaga at pagdurugo nito
  • Pamamaga o impeksyon sa mata
  • Pamamaga ng lalamunan

Sinu-sino ang mga posibleng tamaan ng chlamydia?

Ang bawat taong aktibo sa pakikipagtalik ay nanganganib na tamaan ng chlamydia. Bagaman dalawa sa tatlong kaso nito ay mga kabataan, ang mga mas nakatatanda ay hindi ligtas dito. Narito ang karaniwang mga risk factors ng sakit na chlamydia:

  • Babae o lalaki na aktibo sa pakikipagtalik
  • Hindi tama ang paggamit ng condom
  • Nakikipagtalik na hindi protektado
  • May iba’t ibang katalik

Kung natuklasan ng doktor mo na ikaw ay may chlamydia, mag reriseta siya ng iniinom na antibiotic sa loob ng 5 hanggang 10 araw, depende sa lala ng impeksyon. Hanggang hindi pa tapos ang pag-inom mo ng antibiotic, posible pa rin na mahawa mo ng chlamydia ang iyong partner, kaya dapat na mag-iwas ka muna sa pakikipagtalik hanggang sa hindi pa tapos ang iyong antibiotic.

Narito ang ilan sa mga kadalasang riseta para sa chlamydia, at ang mga side effects nito:

Doxycycline – Kawalan ng gana sa pagkain, pagsusuka, pagkahilo, pamamantal ng balat, pagiging sensitibo ng balat sa araw, pagdumi na may kasamang dugo, paghilab at pananakit ng tiyan, dehydration, pananakit ng ulo, pagbagsak ng timbang, panlalabo ng paningin, mataas na presyon ng dugo, anemia at pamamaga ng lalamunan.

Erythromycin — Pagtatae na may kasamang dugo, pananakit ng ulo na kasabay ng paninikip ng dibdib at matinding pagkahilo, pagkawala ng malay, mabilis na pagtibok ng puso, paghina ng pandinig, sakit sa atay, maitim na ihi, maitim na dumi, paninilaw ng balat, matinding reaksyon sa balat, pamamaga ng mukha o dila na may kasamang pamamantal.

Azithromycin — Pagtatae, pagkahilo, pananakit ng tiyan, sakit sa atay, pagkapagod at panghihina, kawalan ng gana sa pagkain, maitim na ihi, kulay dilaw na mga mata, allergy, kahirapan sa paghinga, pamamaga ng mukha, dila at lalamunan

Levofloxacin — Matinding allergic reaction na maaaring maging sanhi ng pamamantal, pangangati ng balat, kahirapan sa paghinga, paninikip ng dibdib o lalamunan, pamamaga ng mukha, labi o dila, pananakit ng dibdib, mabilis o iregularn na pagtibok ng puso , lagnat, halusinasyon, mga pagbabago sa mood kasama na ang pag-isip na magpatiwakal, pagbabago sa blood sugar level, sakit sa atay, pagkakaroon ng mga pasa o pagdurugo, pagkakaroon ng discharge sa ari.

Tulad ng nabanggit na natin sa unahan, ang pag-inom ng antibiotics para gamutin ang chlamydia ay may posibleng mga side effects.

May chlamydia ka ba? Narito ang mga halamang gamot na maaari mong subukan:

Goldenseal

Ang goldenseal ay isang halaman na banyaga dito sa atin sa Pilipinas. Ngunit dahil sa kakayahan nitong gamutin ang ilang sa pangkaraniwang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, ito ay ibinibenta na rin dito sa atin.

Ayon sa isang artikulo na nailathala sa Alternative Medicine Review, ang goldenseal ay nagtataglay ng isang partikular na uri ng alkaloid na kung tawagin ay berberine ay may kakayahan na sugpuin ang mga virus at bacteria, kasama na ang chlamydia.

Sa isang pag-aaral sa laboratoryo, nakita ng mga dalubhasa na ang eye drops na gawa sa berberine na galing sa goldenseal ay epektibong gamot sa chlamydia sa mata, at hindi na ito bumabalik kahit dumaan na ang isang taon. Dahil sa positibong resultang ito, ang goldenseal ay may malaking potensyal na gamitin bilang gamot sa chlamydia.

Ang goldenseal ay isang natural na antibiotic na ginagamit bilang isang immune system stimulant. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na binabawasan nito ang mga sintomas ng mga impeksyon. Kung ikaw ay nakararanas ng impeksyon tulad ng chlamydia, ang pag-inom ng katas ng goldenseal ay makatutulong. Dalawang mililitro (2mL) ng katas ng goldenseal, inumin tatlo hanggang limang ulit araw-araw. Huwag kang iinom nito sa loob ng tatlong linggo.

Mag research sa internet kung saan ka makabibili nito dito sa Pilipinas.

Turmeric

Hindi tulad ng goldenseal, ang turmeric o luyang dilaw ay isang pangkaraniwang halamang gamot dito sa ating bansa. Ito ay isang natural na antiseptic at mayaman sa antioxidant, pinabibilis nito ang proseso ng paggaling. Ihalo ang turmeric powder sa pagkain o gatas. Kumain ng turmeric dalawang beses o mas marami pang ulit araw-araw.

Bawang

Ang bawang ay libu-libo nang taong ginagamit bilang halamang gamot hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa maraming mga bansa dahil sa pagiging epektibo nito na panlaban sa sakit sa puso, kanser, highblood, diabetes at mga impeksyon.

Natukoy ng mga mananaliksik na ang allicin ay ang sangkap na nasa bawang na may antibacterial, antiviral, antifungal at antiprotozoal na mga katangian.

Para maging epektibo ito sa iyo, maghiwa o magdikdik ng bawang at hayaan itong hindi nagagalaw sa loob ng 10 minuto para ang mga enzyme nito ay maging allicin na pamatay sa mga bacteria.

Kahit na hindi ka naman nakararanas ng mga sintomas ng chlamydia o ng iba pang impeksyon, ang pagdagdag ng bawang sa iyong mga kinakain ay makapagpapalakas ng iyong immune system. Subukang magustuhan ang mga pagkaing mayaman sa bawang. Maghanap ng mga recipe na nakasentro sa paggamit ng bawang bilang pangunahing sangkap.

Langis na galing sa oregano

Ang malulusog na mga dahon ng oregano ay ginagawang oregano oil na nagtataglay ng mga sangkap na natural na lunas sa sakit na chlamydia. Natukoy ng mga mananaliksik na ang thymol at carvacrol na nasa oregano ay nakapagpapagaling dahil ang mga ito natural na mga panlaban sa impeksyon. Sa kasalukuyan, ang PubMed, ang pangunahing database para sa maka-agham na mga pananaliksik, ay naglista ng mahigit 1200 na mga pag-aral na nagpapakita na ang carvacrol ay lumalaban sa partikular na uri ng kanser, mga virus, impeksyon at iba pang mga kundisyon.

Kung ikaw ay may impeksyon, ang pag-inom ng mga food supplement na nagtataglay ng oregano o oregano oil ay makakatulong sa iyo na gumaling. Ang mga adulto ay maaaring uminom ng 45 mg capsule araw-araw.

Tandaan:
Ang mga buntis ay pinagbabawalang uminom ng oregano o oregano oil supplement. Ito ay para na rin sa kaligtasan kapwa ng buntis at ng kanyang dinadala.

Probiotics

Ang yogurt na gawa sa gatas ng kambing ay may mataas na antas ng good bacteria na makatutulong sa iyo na labanan ang chlamydia at iba pang mga impeksyon. Ang mga bacteria na nasa yogurt, na kung tawagin ay probiotics ay nagtutulungan para tulungan kang magkaroon ng malusog na digestive system, palakasin ang iyong immune system, dagdagan ang iyong lakas, at tulungan kang linisin ang iyong katawan. Uminom ng mga inuming may probiotics kasabay ng pag-inom mo ng gamot na ibinigay sa iyo ng doktor para sa chlamydia upang mapabilis ang iyong paggaling.

Bagaman ang antibiotics para sa chlamydia ay iniinom ng 5 hanggang 10 araw, natural na mga lunas na ating tinalakay ay mas matagal bago umipekto depende sa kalagayan ng iyong kalusugan. Bago ka makipagtalik, kailangan mong magpasuri muli para makatiyak na talagang wala na nga ang impeksyon.

Ano ang mangyayari kapag hindi magamot ang chlamydia?

Kung hindi mo ipagagamot ang sakit mo, magkakaroon ka ng mga nakamamatay na kundisyon tulad ng:

Cervicitis — masakit na pamamaga ng cervix na maaaring sanhi ng pagkakaroon ng discharge, pagdurugo at pananakit ng tiyan.

Urethritis — napakasakit na pamamaga ng urethra na maaaring maging sanhi ng masakit na pakikipagtalik, discharge sa ari maging sa lalaki man o sa babae, at dugo sa semen o sa ihi.

Proctitis — pamamaga sa lining ng rectum o puwet.

Pelvic Inflammatory Disease — isang uri ng impeksyon na nakakaapekto sa reproductive organs ng mga kababaihan tulad ng matris, fallopian tubes, kuwelyo ng matris at obaryo. Ito ay karaniwang dala ng STD.

Tubal Factor Infertility — Ito ay kadalasang sanhi ng pelvic inflammatory disease o endometriosis. Ang tubal factor infertility ay resulta ng pagbabara sa fallopian tube. Baka kailanganin mong sumailalim sa operasyon para ikaw ay mabuntis. Gayunman, walang garantiyang ang operasyon o anumang uri ng panggagamot ay makatutulong sa pasyente na mabuntis.

Pagbubuntis na ectopic – Ito ay isang mapanganib na kundisyon na kung saan, ang pagbubuntis ay nagaganap sa fallopian tube imbes na sa matris.

Ectopic Pregnancy — a potentially life-threatening pregnancy that occurs in the fallopian tubes instead of the uterus.

Paano makaiiwas sa chlamydia?

Ang lahat na mga tao na aktibo sa pakikipagtalik ay maaaring mahawa ng chlamidya. Mas delikado kung may bago kang kapartner o hindi ka gumagamit ng condom kapag nakikipagtalik.

Makaiiwas ka sa pagkakaroon ng chlamydia sa pamamagitan ng:

  • Paggamit ng condom kapag nakikipagtalik, vaginal o anal sex man.
  • Gumamit ng condom para takpan ang ari kapag nakikipag-oral sex.
  • Huwag manghihiram ng sex toys
  • Kung manghihiram ka nito, gumamit ka ng condom para protektado ka.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?