Ano ang Mabisang Gamot sa Anemic?

Reading Time: 5 minutes

Anemic ka ba? Malamang na kulang ka pulang selula ng dugo kaya naghahanap ka ng gamot sa anemic. Ang anemia o kakulangan sa red blood cell ay isa sa pangunahing mga sakit na nararanasan ng mga Pinoy. Kung ikaw ay anemic, tiyak na makakatulong ang artikulong ito para maunawaan mo ang mga detalye ng iyong karamdaman.

Sa artikulong ito tatalakayin natin kung ano ang anemia, mga sanhi at sintomas nito. Sa dulo ng usapan, tatalakayin natin kung ano ang mabisang gamot sa anemic.

Ano ang anemia?

Ang anemia ay isang sakit na kung saan ang pulang selula ng dugo o red blood cells ay kulang kumpara sa normal na kalagayan. Tandaan na ang normal na bilang ng hemoglobin ay magkaiba sa lalake at babae. Sa mga kalalakihan, ang normal na bilang ng hemoglobin ay mahigit 13.5 gram/100 ml, at sa mga kababaihan naman ay mahigit 12.0 gram/100 ml.

Ang mga sumusunod ay ang pangkaraniwang mga sanhi ng pagkakaroon ng anemia:

Kakulangan sa iron. Ang kakulangan sa pagkain ng iron sa loob ng mahabang panahon ay maaaring maging sanhi ng anemia. Ang mga pagkaing tulad ng karne, itlog at maberdeng mga gulay ay mayaman sa iron. Dahil mahalaga ang iron sa paglaki, ang mga buntis at mga bata ay nangangailangang kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron.

Pagbubuntis at pagkawala ng dugo dahil sa regla. Ang matinding pagdurugo tuwing regla at panganganak ay isa sa panganahing dahilan ng pagiging anemic ng mga kababaihan na nasa edad ng pagbubuntis at panganganak.

Internal bleeding. May partikular na mga sakit na maaaring maging sanhi ng iron deficiency anemia. Halimbawa sa mga sakit na ito ay ang ulcer sa tiyan, polyp sa colon o bituka o kanser sa colon. Ang regular na pag-inom ng pain reliever tulad ng aspirin ay maaari ring maging sanhi ng pagdurugo sa sikmura.

Kawalang kakayahang i-absorb ang iron. Ang ilang partikular na sakit at operasyon ay maaaring maging dahilan kung bakit hindi pinakikinabangan ng katawan ang iron. Kahit pa sapat naman ang iron na nakukuha ng katawan mo sa pamamagitan ng pagkain, ang celiac disease o operasyon sabituka tulad ng gastric bypass ay maaaring maging dahilan ng limitasyon sa dami ng iron na kayang i-absorb ng katawan mo.

Endometriosis. Kung ang isang babae ay may endometriosis, malamang na siya ay may matinding pagdurugo subalit hindi niya ito nakikita dahil ito ay nakatago sa abdominal o pelvic area.

Ang ilang pasyente ay walang nakikitang mga sintomas. Ang iba naman ay nakararamdam ng alinman sa mga sumusunod na mga sintomas:

  • Pagkapagod
  • Maputla
  • Hindi makatulog
  • Matinding pagkabog ng dibdib
  • Kinakapos ng hininga
  • Biglaang pagkalagas ng buhok
  • Paglala ng sakit sa puso, kung meron
  • Matinding panghihina

Bakit may mga taong anemic pero hindi nila nararamdaman ang mga sintomas? Karaniwan ito sa mga taong may matagal nang kakulangan sa hemoglobin kaya ang katawan nila ay nasanay na sa kulang na suplay ng oxygen . Ang mga taong ito ay hindi makararamdam ng anuman maliban sa lumala na ang kanilang anemia. Sa ibang banda, kung ang pagiging anemic ay mabilis na lumalala tulad ng sa acute anemia, ang pasyente ay mas malamang na maranas ng kapansin-pansing mga sintomas, kahit na kaunting pagbaba lamang ng hemoglobin.

Narito ang mga uri ng anemia:

Iron deficiency anemia. Ito ang pinaka kilalang uri ng anemia sa buong mundo. Ito ay dahil sa kakulangan ng iron sa katawan mo. Ang iyong bone marrow ay nangangailangan ng iron paa makagawa ng hemoglobin. Kung walang sapat na iron, hindi makagagawa ng sapat na hemoglobin para sa red blood cells ang katawan mo.

Vitamin deficiency anemia. Bilang karagdagan sa iron, kailangan din ng katawan mo ang folate at vitamin B-12 para makagawa ng malulusog na red blood cells. Ang diyeta na kulang sa mga nutrients na ito ay maaaring maging dahilan ng mababang produksyon ng red blood cells.

Anemia sa sanhi ng pangmatagalang mga sakit. May mga sakit – tulad ng kanser, HIV o Aids, rheumatoid arthritis, sakit sa bato at iba pang mga sakit na sanhi ng pamamaga – ay maaaring maging hadlang sa produksyon ng red blood cells.

Aplastic anemia.  Ang bibihirang uring ito ng nakamamatay na anemia ay nangyayari kapag ang katawan mo ay hindi nakagagawa ng red blood cells. Ang sanhi ng aplastic anemia ay impeksyon, ilang uri ng gamot, autoimmune diseases at pagkakantad sa nakalalasong kemikal.

Anemia kaugnay ng sakit sa bone marrow. May mga sakit tulad ng leukemia at myelofibrosis na maaaring maging sanhi ng anemia dahil naaapektuhan ng mga ito ang produksyon ng dugo sa iyong bone marrow. Nakamamatay ang epekto ng mga sakit na ito.

Malamang na may anemia ka at naghahanap ka ng gamot sa anemic. Tandaan, ang gamot sa sakit na anemia ay hindi pare-pareho. Una, kailangan munang matukoy kung ano talaga ang dahilan kung bakit anemic ka, kailangan itong malunasa. Halimbawa, kung ang anemia ay dahil sa pagkawala ng dugo dahil sa ulcer sa tiyan, kailangan mong gamutin ang sakit na ulcer. Sa katulad na paraan, kailangan kang operahan at alisin ang colon cancer na nagiging sanhi pangmatagalang pagdurugo at anemia.

Kung minsan kailangan mo ng iron supplement para maituwid ang kakulangan mo sa iron. Sa malalang kaso ng anemia, ang pagpapasalin ng dugo ay kailangan sa mga pasyenteng may nakamamatay na anemia na sanhi ng vitamin B12 deficiency.

Sa mga pasyenteng may sakit sa bone marrow o ito ay nasira dahil sa chemotherapy o kaya naman ay may sakit sa bato, ang epoetin alfa ay maaaring gamitin para maparami ang production ng red blood cells sa bone marrow.

Kung isang uri ng gamot ang dahilan ng pagiging anemic, malamang na sabihin ng doktor na itingil na ang paggamit nito.

Narito ang ilang praktikal na mga paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng anemia:

Kumain ng masusustansyang pagkain. Marami sa mga uri ng anemia ang hindi maiiwasan. Pero maiiwasan mo ang pagkakaroon ang iron deficiency anemia at vitamin deficiency anemia sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing mayaman sa mga bitamina at mineral tulad ng:

  • Iron: Ang mga pagkaing mayaman sa iron ay ang karne ng baka at iba pang mga karne, beans, mga butil na iron fortified, maberdeng gulay at pinatuyong mga prutas tulad ng pasas.
  • Folate: Ang folate at folic acid ay matatagpuan sa mga prutas, gulay, mga beans, mani, tinapay, at kanin
  • Vitamin B-12: Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin B-12 ay ang karne, gatas, mga butil at mga produktong gaw sa soya.
  • Vitamin C. Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin C ay ang mga prutas na citrus tulad ng kalamnsi at dalandan, sili, broccoli, kamatis, melon at strawberry. Ang mga pagkaing ito ay tulong sa absorption ng mga nutrients sa mga kinakain natin.

Uminom ng multivitamins. Kung nagdududa ka kung sapat nga bang mga bitamina ang nakukuha mo sa mga pagkaing kinakain mo, itanong mo sa doktor mo kung anong multivitamins ang babagay sa iyo.

Mag-iwas sa malaria. Ang anemia ay isa sa pangunahing kumplikasyon ng malaria. Kung nagpaplano kang magbyahe sa lugar na pangkaraniwan ang malaria, sabihin mo sa doktor mo ang mga plano mo para mabigyan ka ng gamot na pangontra sa sakit na ito.

Kumplikasyon ng anemia

Tulad ng nabanggit kanina, ang haemoglobin ay mahalaga dahil ito ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan para gamitin, at nagdadala ng carbon dioxide pabalik sa baga para mailabas bilang basura ng katawan. Kung ang haemoglobin ay napakababa, ang prosesong ito ay maaaring masira na pwedeng magresulta sa pagbaba ng oxygen sa katawan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?